[TBP] ENTRY#17: Unexpected Events

3.7K 62 1
                                    

Lucien’s POV

 Matapos ang ‘pag-uusap’ namin ni Dark dito sa likod ng school, nagutom ako.

 -______-oo kagutom kaya magsalita ng magsalita.

“Uy Dark kain tayo.” Aya ko sa kanya. Pero di ko alam kung naririnig niya ba ko, nakasandal kasi siya sa puno. Tulog haaay ano ba yan gutom na talaga ko eh… maya maya pa…

O______O

Si Dark, ginawa na naman akong unan. Pero this time sa lap ko na siya humiga.

“Dark, mukha ba talaga akong unan?” para lang akong nagtatanong sa hangin. Tapos naririnig ko pa yung tiyan ko na nagwawala.“Waaah gutom na talaga ko! Dark gumising ka na!!!!!” niyugyog ko na siya at salamat talaga sa Diyos!!

“Aaaargh! Ang ingay mo naman eh!” reklamo niya, pero okay na to atleast nagising siya. Aba wala akong balak na magpagutom para lang maging unan niya ah! >.<

“Hiyang hiya naman ako sayo! Mukha akong unan ha? Gutom na ko tara kain tayo!” hinila ko na siya patayo kaya lang ambigat eh!

“Hindi ako gutom! Bitawan mo nga ako!” aniya at tinanggal yung kamay niya sa pagkakahila ko.

“Ang arte mo! Kanina makakwento ka sakin parang close tayo, makautos ka sakin kala mo alalay mo ko, makademand ka kala mo magkaibigan tayo at higit sa lahat, makadantay ka akala mo girlfriend mo ko!”

“Ang ingay mo lumayas ka na nga sa harap ko!”

Nag-init ang paningin ko. “Ngayon naman makapalayas ka! akala mo amo kita! ang gulo gulo mong tao ewan ko sayo!” tapos lumayas na talaga ko. Di ko maintindihan ugali ng taong yun. One moment he’s mad, then he’s calm then he’s demanding, then he’s mad again. Para siyang panahon, pabagu-bago! Ay ewan talaga!

Naglakad na ako papuntang cafeteria. Nagwewelga natalaga yung tiyan ko eh.

“Yo Princess!”

May biglang umakbay sakin. Sino pa bang may endearment sakin niyan? Edi si Duncan! Para siyang mga Kuya ko.  Prinsesa tawag sakin.

“Duncan yung kamay mo mabigat.” Sabi ko.

“Bakit ayaw mo bang akbay kita? Di mo ba alam na yung ibang babae magpapakamatay mahawakan lang yung kamay ko ikaw akbay na ako pa nagkusa ayaw mo pa?” he said proudly.

Yabang ah.

“Di ako isa sa mga nagkakandarapa sayo, kaya tanggal-tanggalin mo na yang pagkakaakbay mo.”

“Eh Princess naman, friends naman tayo ah?”

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now