[TBP] ENTRY#48: Secrets

2.6K 46 6
                                    

Lucien’s POV

Umalis na si Skye. Naiwan kami dito ni Dark sa likod ng school, ang tahimik ano ba yan, ang awkward.

“Dark.” ako unang bumasag sa katahimikan.

“Ano?”

“Ano… tatanong ko lang sana kung paano mo nalaman na pinaghihigpitan ako ng kuya ko.”

Tumingin siya sa kin. “Diba ikaw nagsabi nun.”

“Ako ba? Wala akong matandaan.”

Silence…

“Sinabi rin sa kin ng kuya Blaine mo.”

Ako naman ang napatingin sa kanya. “Nagkausap ulit kayo?”

“Oo, nung gabi ng Sabado hindi ka namin pareho matawagan ni Skye kaya ginawa ko tinawagan ko ang kuya Blaine mo. Sinabi niya na pinagbawalan ka ng kuya Axel mo at… kinumpis ang cellphone mo.”

“Ah ganun ba, sinabi ba ng kuya Blaine ko kung nasaan siya? Hindi ko pa kasi siya nakikita after nung Sabado ng gabi eh.”

“Hindi eh.”

 “Ah, baka may pinuntahan lang yun.”

“Nagugutom na ko, pwede bang pumunta na tayo sa cafeteria?” maya-maya’y sabi ni Dark.

Oo nga pala hindi pa kami nagla-lunch. Kaya naman umalis na kami agad sa  likod ng school at sabay kaming pumunta sa cafeteria. pagdating namin doon, naabutan pa namin sina Kione, Duncan, Daren at Blade. Mukhang tapos na silang kumain pero mas naiintriga ako dahil mukha silang may seryosong pinag-uusapan, at si Kione pa ang mukhang nangunguna sa usapang iyon.

“Anong pinag-uusapan niyo?” agad kong tanong nang makalapit kami ni Dark sa kanila.

Mukha pa silang nagulat nang makita kami ni Dark.

“Noona! Nandiyan na pala kayo.” –Kione.

“Oo, tapos na kaming mag-usap.” May isa pa kong napansin. “Nasaan si Skye?” tanong ko uli.

“Di ba kasama niyo? Hindi pa namin siya nakikita dito.” –Blade.

“Sabi niya mauuna na raw siya dito.” –Dark.

“Baka nag back-out.” –Duncan.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon