[TBP] ENTRY#49: The Lost Light

2.8K 52 8
                                    

“Light, bilis ang bagal mo naman tumakbo eh!”

“Sandali lang naman hintayin mo ko Dark!

“Ang bagal mo eh, hahaha!”

“Ang yabang mo!”

Lucien’s POV

Ang sakit ng ulo ko, ang sakit ng katawan ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Puro puti ang nakikita ko, amoy gamot. Alam ko na kung nasaan ako.

“Lucien.”

Dahan-dahan akong tumingin sa gilid ko, si kuya Blaine.

“Kuya, bakit ako nandito?”

Umupo siya sa gilid ng kama ko. “Hindi mo ba natatandaan? Nabangga ka habang tinatakasan mo sina kuya Axel.”

Ah. Oo nga pala. Katangahan ko kung bakit ako nandito, tumawid pa rin ako kahit na maraming sasakyan.

“Okay ka na ba? Tatawagin ko na yung doctor para mai-check ka.” –kuya Blaine.

“Kailan pa ko nandito?” tanong ko.

“Tatlong araw kang walang malay, pero kung isasama mo ang araw na to… apat na araw ka ng nandito sa ospital.”

O_______O

Gulat akong napatingin kay kuya Blaine. Kung tatlong araw akong walang malay… ibig sabihin, Friday ngayon?

“Kuya… ngayon ang araw ng pagbalik ko ng London, p-paaalisin niyo pa rin ba ko?” kinakabahan kong tanong.

“Ngayong ganyan ang kalagayan mo? Syempre hindi, at ayoko ng ituloy pa yun ni kuya Axel kasalanan niya kung bakit ka nandito ngayon.”

Napayuko ako. “Hindi kuya, kasalanan ko… hindi naman kasi dapat ako tumawid eh, nabangga tuloy ako.”

“Pero kung hindi mo rin naman ginawa yun malamang nasa London ka na ngayon.”

Muli na naman akong napatingin kay kuya Blaine.

“Kuya naman, para mo na rin sinabing okay lang na nabangga ako.”

He smiles. “Syempre hindi okay na nabangga ka ang sinasabi ko lang, ang pagka-aksidente mo ang isa sa magiging wake up call kay kuya Axel na tigilan na ang pangongontrol sa buhay mo. Alam mo bang tuliro siya nang masaksihan niyang mabangga ka at walang malay ng tatlong araw? Kaya nga tatawagan ko na siya ngayon at ang iba pa para malamang gising ka na.”

Tapos noon, lumabas si kuya Blaine ng hospital room ko para tawagin ang doctor ko at ipaalam sa iba pa na gising na ako. napaisip ako sa huling sinabi niya, siguro nga okay na tong nabangga ako atlis kahit di ko alam kung pababalikin pa ba ko ng London napagpaliban naman. Ang dami ko pa kasing tanong, ang dami ko pang gustong patunayan.

Sino ba talaga ko, ako ba siya? Ako ba si Light? kasi… kanina lang yung panaginip ko. Pero kailangan ko pa rin ng ilan pang patunay. Pero paano kung mapatunayan kong ako nga? Anong sasabihin ko kay Dark.

Axel’s POV

Wala pa rin akong balita tungkol sa lagay ng kapatid ko, di ko man aminin pero talagang nagi-guilty ako sa nangyari sa kanya. Natatakot akong mawala pati rin siya.

“Ano bang ginagawa mo dito sa opisina ko?” agad na tanong sa akin ni Memory. Nandito kasi ako ngayon  sa opisina niya.

“May gusto lang akong tanungin.”

“Ano?” aniya at tuloy-tuloy sa pag-upo sa swivel chair niya.

“Yung kapatid mong si Kierran Grey, alam niya na ba kung sino si Lucien?”

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon