[TBP] ENTRY#38: Jealousy

2.6K 51 6
                                    

Dark’s POV

Mahal naman kita Skye eh.”

Kabadtrip. Mahal niya si Skye? Agad agad? >.<

Selos ba ang tawag dito sa inaasta ko? oo na sige na, sabihin niyo pa in-denial ako eh. Pero wala pa kong sinasabi na mahal o gusto ko yung baliw na babaeng lagi kong kasama, trip ko lang magselos.

The F.

“Mr. Hendrix nasaan na si Ms. Mendez? Final rehearsal na natin ngayon.” Tanong sa kin ni Ms. Dimakulangan, malay ko kung nasaan yun wala akong pakealam.

“Hindi ko alam kung nasaan yun, wag niyo itanong sa kin.” Sagot ko, ayos ko sumagot sa teacher no? sanay na yang mga yan.

Maya-maya pa nakita ko ng parating yung babaeng baliw, di lang yun kasama niya pa rin si Skye tapos mukhang nagkakatuwaan pa sila. Ganun ba kahirap pumunta sa auditorium at kailangan pa niyang may tagahatid? >______<

Shit lang.

“Dark, nandito ka na pala hindi mo man lang ako sinabihan na final rehearsal na.” sabi sa kin ni baliw pagkaakyat niya sa stage.

“Kailangan ba lagi sinasabihan ka? di ba pwedeng kahit minsan alamin mong mag-isa? Tsaka mukhang busy ka naman kanina eh kaya di na kita inabala.” Pagsusungit ko.

Lucien’s POV

Nunyare dito kay Dark? sungit mode na naman. --______--

Tss. Hayaan na nga siya, inaatake na naman siguro ng mood swings.

“Okay, girls and boys final rehearsal na… uulitin natin lahat mula simula hanggang dulo okay? First, is your special number. Okay pwesto na, harap sa mga partner niyo pagkabukas ng kurtina ready na… in one, two, three…” announce nung bakla naming choreo.

“Dark, galit ka ba sa kin?” tanong ko nang magkaface to face kami.

Tiningnan niya lang ako, di man lang pinagkaabalahang sagutin yung tanong ko.

“Dark sumagot ka naman, para naman akong ewan dito eh tanong ng tanong di mo sinasagot.” Sabi ko habang sumasayaw kami.

Ganun pa rin tinitingnan niya lang ako. Walang sagot, napipi? --_____--

Titigan ata gusto neto eh, okay makikipagtitigan ako sa kanya.

“Kapag hindi ka pa sumagot tatapakan ko ang paa mo.” Pananakot ko, pero walang epek eh. di siya takot.

“Gayahin niyo nga si Mr. Hendrix and Ms. Mendez feel na feel ang ginagawa nila, tingnan niyo para talaga silang tunay na couple..”

Napatigil kami saglit ni Dark dahil sa sinabi ng choreo namin. Akalain mo yun napuri pa kami, eh lihim nga kaming nagkakainitan dito. >.<

“Kierran Grey, naaasar na ko sayo..” sabi ko, tinawag ko pa siya sa tunay niyang pangalan.

Kinunutan niya lang ako ng noo. Still, pipi pa rin siya.

Kaasar.

at ayon nga, natapos ang buong rehearsal nang hindi niya ko kinikibo. Ano ba talagang problema niya! >.< nakakaasar na talaga ah.

“Tapos na ba yung practice? aalis na ko.” rinig kong paalam ni Dark kay Ms. Dimakulangan sabay lakad pababa ng stage nang di man lang hinihintay yung sagot ng adviser namin.

Susundan ko sana siya kaso bigla naman akong hinarang ni Crezilda.

“Maswerte ka lang, may araw ka rin tandaan mo yan… gaganti ako.” sabi ni Crezilda with an evil grin.

“Sige hihintayin ko yan, kaya pwede tumabi ka na diyan? Baka gusto mong sa stage ka naman malaglag?” matapang kong sabi, na-offend ata siya sa sinabi ko pero buti maraming tao dito di niya magagawa ang gusto niya kaya nag back-off na lang siya.

Agad ko namang sinundan si Dark, pagkatapos kong makawala kay Crezilda.

“Lulu!”

Rinig kong tawag sa kin ni Skye, oo nga pala kasama ko siya at nanood siya ng rehearsal namin.

“Ah ano Skye, may pupuntahan lang ako saglit ha.” Paalam ko.

“Ah ganun ba? Sige, tinatawag na rin naman ako ng coach ko I guess see you later na lang? bye Lulu.”

“Bye Skye.”

Pagkapaalam ko kay Skye ay agad ko ng hinanap si Dark kahit hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Naglakad lang din ako kasi nga nahihilo pa ko.

“Nasaan na kaya yun?” halos maiikot ko na ata tong buong school pero hindi ko pa rin siya nakikita.

Maya-maya napadaan ako sa soccer field. Nakita ko si Duncan nakaupo break time ata nila, matanong nga.

“Duncan!” tawag ko.

Agad naman siyang napatayo nang makita ako.

“Prinsesa Lucien ng buhay ko, kumusta? Ang guwapo ko talaga no dinadalaw mo pa ako dito sa practice ko? hahaha. Pumasok ka na pala.”

Eh?

“Ahehe, Duncan mamaya mo na ko yabangan. Magtatanong sana ko sayo eh.”

“Ano yun?”

“Nakita mo ba si Dark?”

“Kayo ah, nagtataguan pong na pala kayo ngayon ah. Pero hindi, di ko nakita. Tsaka imposibleng makita ko yun madilim eh. Hahaha”

Eh? lang kwenta rin kausap to kung minsan si Duncan eh.

“Sige Duncan salamat na lang, see you later!”

“My pleasure Princess…”

Inikot ko na lahat ng alam ko kung nasaan si Dark pero di ko talaga siya makita. Ano ba yan, galit nga ata sa kin yun eh bakit naman kaya? Pumasok naman ako galit pa siya?

~Bababa~babanana~ bababa~ babanana~

May tumatawag na naman sa kin.

Pagtingin ko, Voila! Yung taong hinahanap ko. ^_____________^

“Hello Dark nasaan ka ba?” agad kong tanong sa kanya.

[You’re looking for me? Wag mo na ko hanapin di mo rin ako makikita.]

“Eh bakit?”

[Uuwi na ko.]

O________O

Shocking

“Eh bakit Dark? uy teka diba sabi mo magpapractice tayo ngayon?”

[Wag na, di mo na kailangang pumunta dito nagbago na rin kasi isip ko wag na pala tayong magsama sa iisang talent.]

O_________O

Most shocking

“Ha Dark? bakit? bigla bigla na namang nagbabago ang desisyon mo.” Ayaw niya na ko makasama sa talent, galit nga ata to.

[Ito na ang final decision ko, mag-isip ka ng talent mo bahala na rin ako ng sa kin.]

“Bakit mo ba ginagawa to? galit ka ba sa kin?”

[Hindi ko alam sayo, sige na bye sayang load ko eh.]

Call ended.

Tingnan mo yung lalaking yun, ang sama talaga ng ugali! Matapos niyang sabihin kahapon na mag-isang talent na lang kami ngayon sasabihin niyang hindi! >.< ang sarap mong ipa-ambush na Kadiliman ka!!

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon