[TBP] ENTRY#53: True Colors

2.6K 47 4
                                    

First Day in Baguio

Lucien’s POV

Ang bilis umaga na agad, ang sarap pa namang matulog kaso oras na raw para sa almusal.

“Good morning Lucien!” bati sa akin ni Anwar nang makalabas siya ng banyo, nauna siyang maligo. Kagigising ko lang kasi.

“Good morning.” Ganting bati ko sabay ngiti ng pilit. Nakikipag-plastikan siya eh edi sasabayan ko.

Nang makababa kami papuntang hall kung saan naroon ang lahat para mag-almusal, kaagad kaming sinalubong nina Skye.

“Morning Lulu.” bati sa kin ni Skye.

Ngumiti lang ako sa kanilang lahat.

“Good morning Kierran.” -Anwar

“Good morning Anwar, you look beautiful.” –Dark.

>.<

Sige pagselosin niyo ko. Kainis ka Dark!

“Good morning Lucien.” Maya-maya’y bati sa kin ni Dark.

“Good morning youself!” sabi ko sabay punta sa buffet, gutom na ko eh.

Ayoko sanang maki-share ng table sa kanila pero dahil umaariba sa ka-plastikan tong si Anwar, hinila pa ko at sina Skye papunta sa table nila. Ang dami tuloy namin, para kaming may conference meeting.

“Kierran tingnan mo to oh ang cute ng hotdog ah nilagyan pa talaga ng marshmallow para lang tayong nasa birthday!” masayang sabi ni Anwar, pero tinanggal yung marshmallow at isunubo kay Dark yung hotdog. --_______--

Kakawalang gana naman kumain.

“Okay lang yan Lulu…” bulong sa kin ni Skye.

Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko kahit nawawalan na ko ng gana. Pero patuloy pa rin ang pagmamasid k okay Anwar at Dark. Ang daming kinuhang hotdog ni Anwar, lahat naman ng marshmallow tinatabi niya.

“Bakit di mo kinakain yung marshmallow? Sayang naman yan.” Komento ko.

Tumingin sa kin si Anwar. “Hindi pwede eh, allergic ako.”

Allergic sa marshmallow?

“Isubo mo na lang kay Dark, paborito niya kaya yan.” Sabi ko ulit.

Taking napatingin si Anwar kay Dark. “Paborito mo?” tanong niya rito.

“Hindi, ang pangit pangit nga ng lasa niyan eh.” sagot ni Dark.

>_______< pero nung ako ang kasama niya makaagaw sa kin ng marshmallow, nag ii-stack pa nga siya sa bahay niya para sa kin. Feeling ko lulubog na ko dahil sa pagkapahiya. Tumingin pa sa kin si Anwar at nag-evil smirk.

“Lucien, hindi naman niya pala gusto wag kang nagmamarunong.” Nakangiting sabi sa kin ni Anwar.

“Edi ikaw na may alam, magaling ka eh, kilalang-kilala mo nga pala siya dahil ‘kababata’ ka niya.” Sarcastic kong sabi.

Natigil ang mga prinsipe sa pagkain at napatingin sa amin ni Anwar. Alam kong nararamdaman nila ang tensyon sa pagitan namin ni Anwar.

Tumayo na ako. “Tapos na pala akong kumain.” Sabi ko kahit na parang di nga nagalaw ang pagkain ko.

Aalis na sana ako nang bigla ring tumayo si Anwar at kinuha ang plato ko sabay harap sa kin.

“Lucien, sayang naman to kainin mo pa di ka dapat nagsasayang ng pagkain dahil maraming nagugutom.” Tapos ipinamukha niya sa kin yung plato kong may pagkain.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ