[TBP] ENTRY#14: Strange Feelings

3.5K 74 2
                                    

Dark’s POV

Nagising ako na natutulog ng nakaupo tapos parang mabigat… takte kangalay sa ulo ah! Sino ba tong pabigat na to!

 --_____________--

Haaaay takte talaga! Bakit ba katabi kong natulog tong babaeng to!!!! Dahan dahan kong inangat yung ulo niyang nakadagan sa ulo ko, tapos ihiniga ko siya sa couch. Ayoko siyang gisingin, sigurado ako maikli lang tulog nito kakaalaga sakin kagabi, pero di ako magte-thank you sa kanya no! pinilit ko ba siyang alagaan ako? Nagvolunteer siya. Kaya kasalanan niya kung bakit puyat man siya. --_________-- oh tama ko diba!?

Kinapa ko yung noo ko, wala na kong lagnat. Di na din mabigat ang pakiramdam ko, magaling na ko! Salamat sa baba---- salamat at nakapagpahinga na ko kahapon. Oo tama yun nga, tiningnan ko yung oras sa wall clock, maaga pa. 5 am. Pero kumilos na ko, papasok ako ngayon. Tininingnan ko siya, nakauniform pa rin siya. Ni hindi na siya nagpalit kakaalaga sakin. Bakit naman kasi bigla siyang pumunta dito! Ayan tuloy! Haaaay baliw talaga tong babaeng to!

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ng uniform, nagluto na rin ako ng agahan. Pagkatapos kakain na sana ako kaya lang… tulog pa siya. >___< nilapitan ko siya. P-Paano ba manggising?

Lumuhod ako paharap sa kanya tapos lumapit ako sa mukha niya.

Toink~

Toink~

Toink~

Tatlong beses ko ng sinusundot yung pisngi niya. Pero bakit ganun, di pa rin siya gumigising? Haaaaay takte!

Toink~

Wala pa rin.

Toink~

Wala pa rin talaga, isa na lang!

Toink~

Gumising ka na!!!!!!!

To-To-To-To-ToToink-Toink-Toink-Toink~~~~~~

Lecheng tulog mantikang babae to!!!!! Ayoko na bahala siya kung kelan niya gustong gumising!!! Patayo na ko nang makita kong dahan-dahan niyang minulat yung mata niya. Haaay salamat naman at nagising din siya!

“Dark? gising ka na?” tanong niya habang kinukusot yung mata niya.

“Nakikita mo naman na gising na ko diba? Ano pang itinatayu-tayo mo diyan! Bumangon ka na nga diyan kung ayaw mo pang malate pumasok!” singhal ko, at ang walangya! Tininingnan lang ako! “Ano ba?! Tusukin ko yang mata mo e---- hoy ano ba! Bitawan mo nga ko aaaaarghh!!” bigla ba naman akong dinamba at niyakap!!!!!????

“Dark! magaling ka na!!! kyaaaah!! Ang saya saya!”

“HAAAY!! OO NA! bitawan mo na ko!” pilit ko siyang inalis mula sa pagkakayakap sakin at buti naman at nagawa ko! Ang hirap ah! Parang linta!

“Ahehe, sorry Dark natuwa lang ako kasi magaling ka na…”

Tiningnan ko siya, may eye bugs. Halata. Psh. Pero paki ko ba?

“M-Mag-ayos ka na papasok pa tayo. Nagluto na rin ako kaya kumain na ta--- ano pang ginagawa mo diyan? Wala ka bang balak pumasok!?”

“Ah, ano kasi Dark. H-hindi pa ko naliligo—“

“Edi maligo ka! may banyo ako diyan!”

“H-Hindi lang yun ano, w-wala akong extra uniform…” nahihiya pa ata siya nung sinabi niya yun? Bahala siya.

“Kumain na lang muna tayo, sasamahan kita sa inyo para dun ka na maligo at magbihis ng uniform kaya wag ka lang basta tumayo diyan!” pero di pa din siya natitinag sa pagkakatayo.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now