[TBP] ENTRY#7: A Day with Him

4.2K 80 5
                                    

Duncan Alberts over there!------------>>

(Lee Hyun Jae I saw him from Shut up Flower Boy Band)

 here you go chapter 7!!

enjoy!

Lucien’s POV

Akala ko pagkatapos ng lunch namin ni Dark titigilan niya na ko. Pero ang Kadiliman nilukuban ako buong araw, >.< at ang talagang nadadama ko ay paraan niya to ng paghingi ng tawad dahil sa pagkakatulak niya sakin kahapon, di niya lang talaga siguro masabi kasi… nahihiya siya?? Wew. Uso ba sa kanya yun haha. Pero somehow, natuwa na rin ako kasi ang calm niya sa kin ngayon, calm lang hindi pwedeng mabait kasi sigurado maya-maya susumpungin na naman to.

“Uy Dark tingnan mo oh kanina yung mga rose mapula, nung dumaan ka nalanta! Hahaha!” nandito kasi kami sa may garden sa school, ewan ko ba dito sinundan ata ako kahit uwian na, at yung sinasabi ko tungkol sa rose, joke lang yun. Gusto ko lang siya pagtripan. ^___^

“Is that some kind of a joke? It’s not funny.” tapos umupo siya dun sa isa sa mga mahabang bench sa garden.

Sungit talaga! Tinabihan ko siya. Tapos umusog siya dun sa kabilang dulo ng bench as if diring-diri siyang makatabi ako, wala naman akong nakakahawang sakit! pero kung makabuntot naman sa kin wagas.

“Why are you always wearing a white ribbon?” maya-maya’y tanong niya sakin, napahawak tuloy ako sa ribbon sa buhok ko.

“Ito ba? Di ko rin alam eh, pero para kasing may kulang kapag di ko to suot. Matagal na to sa kin. Vintage na nga to eh… haha!” then I glance at him, he had that should-I-believe-you-look written all over his beautiful face, eh beautiful? Wala madilim pala.

“Who gave you that?”

“Eh… nagbigay? May nagbigay ba sa kin neto? Di ko alam eh! Basta nasa akin na to matagal na.” napatanong din ako sa sarili ko dahil sa tanong niya. Di naman kasi pumasok sa isip ko kung sino nagbigay sakin neto eh, baka si mommy. “Bakit mo nga pala natanong Dark, pansin ko talaga interesado ka sa ribbon ko haha… umamin ka na kasi!”

His eyes widen. “F*ck! Di ka ba titigil sa kaiisip na bakla ako!? Bahala ka kung ano gusto mong paniwalaan makaalis na nga dito, you’re one hell of a stupid!” then he walk away.

Tama bang iwan ako? I really don’t get him.

Dark’s POV

Badtrip! I think I’m going to be insane. Bakit ko ba kasama ng buong araw yung babaeng yun, mag-sosorry naman kasi dapat talaga ko ayaw kasi akong lubayan ng konsensiya ko na akala ko ay wala na ako. Tsk. Kaso bwisit lang hindi ko masabi ang sorry! Ayun kung san san ko tuloy siya kinaladkad at sinundan. Kaso di ko pa din nasabi ang pesteng sorry! pero sa mga nagawa ko naman ngayong araw kasama siya sapat na sigurong sorry yun. 

Ayoko na kasing madikit pa sa babaeng yun she’s giving me the creeps taking all the shit out of me! Ayoko na rin magtanong tungkol sa ribbon na lagi niyang suot kung ano ano pa inaakala nung babaeng yun, ako bakla? Asa siya! Eh ano naman kasi kung may kapareho yung ribbon niya, kapareho nung binigay ko kay…. kay… ayoko ng maalala, marami lang sigurong ganoong uri ng ribbon ang nagkalat kung saan saan! di naman siya yun kasi kung siya yun edi sana nakilala niya na ko at dapat alam niyang ako yung nagbigay nung ribbon!

Di na yun babalik, pero all these years I know I’m still hoping she would…

“Aaaargh! Badtrip!” sigaw ko sabay bato sa basong hawak ko. Umuwi na talaga ko, at bukas ng sabado lilipat na ko sa condo ko.

“May problema ba hijo?” tanong ni Manang Beth, tagapag-alaga at parang tumayo na ring magulang sa min simula nung mawala…. sila… basta sila!

“Wala ho Manang nababadtrip lang ako.” mahinahon kong sagot sa kanya, she’s one of the least people I trust.

“Aalis ka na dito bukas nababadtrip ka pa, diba mas maganda kung maganda din ang mood mo bago ka man lang humiwalay sa puder ng mga Ate mo?” ani Manang habang nililinis yung bubog ng basong binasag ko.

“Di ko alam kung ano ang dapat ikaganda ng mood ko manang, after all ganito na naman talaga ko… “then I pass her, umakyat na ko sa kuwarto ko at ito na rin ang huling gabing matutulog ako dito. I want to have something new in my life, feeling ko kasi kapag nag-stay pa ko sa bahay na to I can never get away with my past, I can never go back the way I was before those important people left me, they all left me tama si Kione, and now my friends are leaving me because I’m a plain stupid and a certified asshole. Pero tama na rin siguro to, di naman din kasi ako naging mabuting kaibigan sa kanila and it will be much better if I will just go back to my island state.

Binuksan ko yung drawer sa side table ng kama ko, kinuha ko yung maliit na box na pinaglalagyan ng white ribbon na kapareho nung sa babae. Ibinigay ko yung kapareha nito kay Light, dalawa kasi dapat ang ibibigay ko sa kanya but she returned the other one to me saying I must keep it para kung hindi man kami magkita na mahahanap ko siya kasi palagi  niyang susuotin yung kapareha nito. But how could she not remember me! Pero siya nga ba yun? Paano ko malalaman eh ni totoong pangalan ni Light… hindi ko alam… sandali lang naman kasi kaming nagkasama ni Light, short but memorable, she gave me the name Dark para raw opposite kami.

“NAKAKAINIS KA LIGHT!!!!!!!!!” I shout out loud, sinigaw ko yun na halos ikadagundong na ng buong bahay namin pero wala namang kumatok sa kuwarto ko para tanungin kung anong problema ko. Sanay na sila…. Lagi ko tong ginagawa.

Bakit di ka na bumalik…. Pagod na pagod na kong hintayin ka…

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon