[TBP] ENTRY #9: Kione's Weekend Bonanza

3.9K 73 4
                                    

Kione’s POV

Wala akong magawa -__-

Dakilang boring           -__-

Matawagan nga si Duncan.

~Calling Duncan Walang kasing Yabang~

Wahehe yan ang pangalan niya sa Contacts ko.

[Yow. Prince Duncan speaking]

“Mukha mo Prince! May gagawin ka? tara hang-out tayo.”

[Kione? Is this you?]

“Hindi si Kamatayan to tinawagan kita para ipaalam na mamamatay ka na!” naasar ako. May caller ID diba! >.<

I heard him laugh. [Hahaha. Sorry Kione Crevan]

“Psh. Minsan kasi pwede tingnan kung sino natawag di yung sagot ka ng sagot! Mamaya si Kamatayan na talaga natawag sayo edi namatay ka na!”

[Enough with the fore play Kione, what do you need?]

“Wala boring eh! May gagawin ka? let’s hang out!”

[Ay sorry dude di ako available ngayon, I’m scheduled for my facial. Alam mo naman kailangan mamaintain ang kaguwapuhan para sa kapakanan ng kababaihan… hahaha]

“Sus ang sabihin mo di lang talaga original yang mukha mo! Pangit ka naman talaga nadaan lang sa facial yang mukha mo!”

[Hey! Mix brid ako I almost had the features each girl can be die for, my mom will gonna kick your ass for saying I’m ugly]

“Psh. Pinili lang naman sa sperm bank yung lahing pinanggalingan mo! Hahaha. Di ka ginawa sa natural na paraan!” Oooops. Ayan nasobrahan na naman ata ako sa pang-aasar.

I heard him sigh. [You know my mom hate marriage right. I can’t blame her. Kione, choose your words sometimes, I’m hanging up bye.]

I think I hit his ego. Ano ba yan minsan talaga gusto ko ng ipatahi tong bunganga ko. Di ko alam kasi alam kung kelan ako dapat magbiro at kelan dapat hindi. Hay ewan! Bukas di na tampururot yun si Duncan sure ako dun. Di naman yun tulad ni Dark! Speaking of Dark, I haven’t spoken to him since we fight. Bahala siya may pride rin ako at gusto kong siya talaga magsorry.

Lalabas na nga lang akong mag-isa. Bahala na kung san makarating. Tinawagan ko na sina Daren at Blade pati na rin ang pinakabest of friends kong si Kalangitan. Wow pinaka na nga best pa. Putek busy den, sila na busy!! >.<

Makapag-arcade nga mag-isa. Tutal dito ako napadpad sa mall. Maglalaro ako ng basketball, hohoho. Ay daming pipol. May nakita akong babae sa kabilang side, mukhang foreigner. She’s a brunette. Hawak niya lang yung bola. Eh? Di ba siya maalam magshoot? Kawawa naman. Malapitan nga.

“Ah---Ms.?” Kinulbit ko siya napatingin sakin, at ulala! Ang gaaaaannnnndaaaaaa!! Green eyes. May anghel bumaba sa langit para…. Sunduin ako? Ahehe joke lang.

“Why?” she asks me. Ang ganda din ng boses niya malumanay, tulala ako. “Ah… Hello?” she waves her hand on my face. Saka lang ako natauhan.

"Ah... eh... I just saw you standing here, you don't know how to play this game are you?” nag-english na ko mukang English speakining human to eh.

She laughs. “You’ve got it right. I really have no idea how to play this game I just barged in this place after all…”

Tinuro ko yung ibang taong naglalaro ng basketball. “You just have to follow what they do. Like this…” naghulog ako ng coin tapos sunod-sunod kong ibinato yung bola sa ring. Na-amaze ata siya sa ginawa ko. Her eyes were sparkling.

“Wow that was cool!” she said happily, tumalun-talon pa nga eh. Seriously di niya alam to? Sang lugar ba to nanggaling at mukang di pa nakakalabas ng mundo. “Can I try it too?”

I smile. “Sure… Here you go.” Naghulog uli ako ng coin tapos sunod-sunod niya ng iini-shoot yung bola sa ring. Shoot nga halos lahat eh kahit pabilis ng pabilis yung paggalaw nung ring.

“Yooohooo that was fun!” masayang masayang sabi niya tapos bigla niya kong niyakap. Natawa naman ako. Tapos hinila niya na ko palabas ng arcade. Samahan ko raw siya kumain.

“Haha. I don’t know why but it seem’s like it’s your first time playing it huh?”

“Honestly? Yes it is!”

O____O

“F-first time mo talaga? You’re joking.” Saang planeta ba to nanggaling!!!

“It was really my first time and I enjoy it thanks to you!” tapos hinalikan niya ko sa pisngi! Owa! “Look you’re blushing!” she teases.

“Then why did you kiss me!?” ay badtrip. Di ako sanay na ganito. Bakit naman kasi tong magandang nilalang na to basta basta na lang nanghahalik!

“Haha, that’s how we express our gratitude in our pala---place.”

“Oh that’s sweet… Oh by the way my name is Kione Crevan David, Just call me Kione and you are?” inabot ko pa yung kamay ko sa kanya para makipagshake hands. Tagal pa nga bago abutin yung kamay ko eh! Kangalay ah. Ayaw niya ba sabihin yung pangalan niya?

“My name is…. Star!”

“Star? ” mukang di pa siya sure na Star ang pangalan niya. Ang cute naman ng babaeng to haha, baka may sakit tong ulyanin kaya di niya agad maalala XD

“Yes, my name is Star… nice to meet you Kione!”

“Nice to meet you too Star, you have a nice name…”

“Haha really? Thanks, c’mon let’s eat I’m famished you know, my treat…”

“Oh no Star, It will be my treat…” Then I held her hand without taking her permission, wehehe. Buti na lang pala busy yung mga kumag kong kaibigan. Dahil si Star pala ang makakahang-out ko XD.

Dinala ko si Star sa Mcdo, haha peyborit ko dun eh. Tsaka nagtitipid ako, tsaka para marami kaming makain ng mura lang, pero FYI lng mayaman po ako. Kuripot lang, hahaha. Natawa pa ko kay Star kasi buti na lang daw nag-insist akong ako na manlilibre kasi wala raw pala siyang pera. Kulit lang, kuwentuhan pa kami ng kuwentuhan sa Mcdo, ingay nga namin eh dami ng natingin samin na ibang customer tapos ang kulit din neto ni Star, kumagat ba naman ng pagkalaki laki dun sa burger tapos biglang nilunok! Nabilaukan tuloy! Hahaha parang di babae eh, walang kapoise- poise. Nagkakasundo na kami kahit sandali pa lang kami nagkakasama, and I think…. CRUSH KO NA RIN SIYA!!! Hahaha

“Hey Star, don’t you know how to speak Filipino language?” grabe naman kasi nosebleed na ko mamen! Tapos ayan na naman ngumiti na naman siya. Ganda niya talaga! (*o*)

“I’m sorry but I don’t know how… hahaha!”

Eh? Okay matagal pa ata akong mano-nosebleed. Maya maya pa may lumapit sa amin na middle age na babae. Kakilala niya ata si Star. May binulong yung babae na ikinatayo ni Star.

“They’re here?” tila gulat na gulat na tanong ni Star.

“Yes Prin--- young lady.” Sagot nung babae.

“Oh I have to go!” nagmamadaling sabi ni Star tapos kinuha niya na yung bag niya, Aalis

na siya t__________t

“Hey Kione, I want to spend more time with you but I have to go… sorry…”

“It’s okay Star—and oh! Can I see you again?” tanong ko tapos tumayo na din ako.

She smiled again. “Of course! Ahm, next Saturday I think? Meet me at the Arcade, buy Kione!” tapos nagmamadali na siyang maglakad kasama yung babae na bodyguard niya ata.

“Buy Star, see you next Saturday!” YES! Magkikita uli kami!

SANA SATURDAY NA ULI!! ^________________^

Sino si Star? well that will be another story...:)) ....

Vote

Comment

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now