[TBP] ENTRY#52: Trip to Baguio

2.6K 49 9
                                    

“Magandang araw sa inyo! Ako si Anwar Wilhelm bago niyong classmate, sana maging kaibigan ko kayong lahat.”

Lucien’s POV

Mukha siyang mabait, parang ang bait-bait. Pero bitch siya! Pero paano ko naman sasabihing inagaw niya sa kin yung pagkatao na dapat ako? paniwalang-paniwala na ang lahat na siya si Light. Tapos bakit ganun, parang lahat sa school gustong gusto siya. Kabaligtaran ng pagtanggap sa kin nang una akong pumasok dito.

“Lulu, okay ka lang?” tanong sa kin ni Skye.

Tiningnan ko siya. “Mukha ba kong okay?”

“S-Sabi ko nga Lulu hindi ka okay…”

 Nakakainis, pati si Skye nasusungitan ko dahil sa ka- badtripan ko. Hindi ko nga rin pala katabi ngayon si Dark, walanghiya yun pinaalis ako kanina sa tabi niya dahil dun daw uupo ang ‘Light’ niya! Eh ako nga si Light eh! impostor yung inaakala niya… >.< nandito tuloy ako sa tabi ni Skye.

Dumaan sa gilid ko si ‘Light’ ningitian niya pa ko ng parang wala siyang atraso sa kin.

 


“She’s nice no?”

“Yeah, she look’s like an angel.”

“Sila talaga ang bagay ni Dark! Kyah! Ako na number one fan ng love team nila.”

“No doubt talaga, as in super bait.”

>.<

“HINDI SIYA MABAIT!” sigaw ko sa mga classmate kong babae na nagchichismisan sa harap ko. Napatayo pa ako.

O________O

Teka… anong ginawa ko?

Gulat silang napatingin sa kin, pati na ang buong klase.

“Any problem Ms. Mendez?” tanong sa kin nung English teacher namin.

Ngumiti ako ng alangan.

“Ah, wala po Ma’am. Sorry po.” Bago ako umupo napatingin pa ko sa direksyon nina Dark at Anwar. Tsh. Si Dark sinamaan lang ako ng tingin, si Anwar naman ningitian ako. Nang-aasar ba talaga siya?

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now