[TBP] ENTRY#36: Smitten

2.7K 57 4
                                    



~At the end I wanna be standing at the beginning with you…

 


Lucien’s POV

Tapos na naming pakinggan yung napili naming kanta. Grabe, isang oras ata kami dito sa tapat ng laptop ko makahanap lang ng kanta.

“Ano okay na ba to sayo?” tanong k okay Dark.

“Sige pwede na yan.”

“Ima-minus 1 na lang ba natin to oh gusto mo tumugtog pa tayo?” tanong ko uli.

“May bike ka diba baliw?” biglang tanong niya.

Iniiba na naman niya ang topic. >.<

“Oo meron, pero sagutin mo nga muna yung tanong ko pwede?”

Tiningnan niya ko. “Saka na natin pag-usapan yan, madali lang yan bakit may balak ka bang manalo kaya gusto mong galingan?”

“Hindi ko nga binalak na sumali dito manalo pa kaya? Pero syempre nandito na tayo kaya dapat galingan natin para sa section natin.”

“Tsh… Kahit wag na! tara bike tayo!” biglang aya niya.

?___________?

“Gabi na.”

“Ala sais pa lang naman, tsaka kasama mo naman ako. Bilis tara na!” tapos bigla niya na naman akong hinila.

Tingnan mo to kung anu-ano na naman naiisip.

“Dark isa lang yung bike ko paano yan?”

“Iaangkas na lang kita, ipalabas mo na.”

Bossy talaga. Pero angkas daw oh? Bigla ata akong na-excite? >///////<

“Ayan na bilis, angkas ka na baliw!” utos niya sa kin ng mailabas na yung bike ko.

“Pwede bang paupuin mo na lang ako ha? Ayoko kasi umangkas ng nakatayo medyo nahihilo pa ko.”

“Sige dito ka sa harap!” excited niyang sabi, pero hindi pa naman nakangiti. Pero bakit parang ang saya niya ata?

“May slope area ba dito sa lugar niyo?” maya-maya’y tanong niya habang nagbabike kami palabas ng subdivision.

“Ha? Meron ata dun sa likod ng subdivision na to.”

“Ganun? Tara puntahan natin!”

O__________O

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now