[TBP] ENTRY#54: Finally!

3K 52 7
                                    

Second day in Baguio

Skye’s POV

Umaga na naman! Matutulog pa dapat ako eh ang kaso lang ang ingay-ingay ni Kione, naglalaro sa IPad ko ang ingay-ingay pa bwisit! Kailangan may sound effects? Bwisit talaga. Magkatabi pa kaming dalawa dahil ayaw niyang tumabi kay Dark. Dalawa lang kasi ang kama dito kahit na tatlo kami.

“Kalangitan baba na tayo nagugutom na ko!” reklamo ni Kione habang hinihimas yung tiyan niya.

“Tsk. Bahala ka diyan mauna ka na! naaantok pa ko eh!” tapos nagtalukbong uli ako ng kumot.

“Hays! Hindi pwede Kalangitan mauubusan ka!” hinila niya yung kumot na nakatalukbong sa kin.

Takte naman oh!

“Ang ingay niyo alam niyo yun?” rinig kong salita ni Dark. >.< kasama nga pala namin to sa kuwarto!

“Alam kong pag-aari niyo tong hotel pero di naman pinagbabawal dito ang mag-ingay!” sabi ko at tuluyan ng umalis sa kama nawala na antok ko!

Maya-maya lang bumaba na rin kami. Naabutan namin sina Duncan na nakaupo na sa isa sa mga mahabang table doon. Pero wala pa si Lulu pati si Anwar na expected ko ng makakasama na naman namin sa pagkain dahil nandito si Dark.

“Good morning!”

>.<

May narinig akong malakas na nag gu-good morning sa lahat na ata ng tao na nandito, sino pa ba ang dakilang papansin sa mundo edi si Anwar!

“Good morning Kierran!” bati niya kay Dark.

“Good morning.” Ani Dark pero himala ata di niya ningingitian ngayon si Anwar, naka frown pa siya.

“Tara kain na tayo, it will be a long day again!” masayang sabi ni Anwar.

Teka may napansin ako.

“Anwar, nasaan si Lulu?” tanong ko na nagpatigil sa kanya.

“H-Ha?” tanong niya sa kin, at first time kong makakita ng pagkagulat sa mukha niya. Akala ko kasi ngingiti na naman siya eh.

“Tinatanong ko kung nasaan si Lulu.” ulit ko sa sinasabi ko kanina.

Ang tagal niya bago sumagot, at halos lahat na kami nina Duncan ay naghihintay ng sagot niya.

“Anwar, nasaan si Lucien?” ulit ni Dark ng tanong ko.

“H-Hindi ko alam…” sagot ni Anwar at biglang yumuko.

Sinimulan akong kabahan.

Dark’s POV

“Anwar, anong ibig mong sabihin na hindi mo alam? Diba kayo ang magkasama sa kuwarto?” tanong ko uli kay Anwar.

“Ano kasi Kierran, u-umalis siya kagabi.”

O.O

Bigla ko siyang hinawakan sa magkabilang braso.

“Anong umalis? What have you done? May ginawa ka ba kaya siya umalis?” biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya.

“I-I don’t know, I just…I just, I don’t know Kierran! Nag-usap lang kami tapos bigla siyang umalis, akala ko bumalik din siya agad tapos nakita ko kanina na wala pa rin siya sa kama niya akala ko ko nauna na siyang bumaba dito, h-hindi ko naman alam na wala pala talaga siya…” tapos biglang may tumulong luha sa pisngi niya. Pero lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya.

“What exactly did you just say that make her leave like that?”

“I-I can’t say it with all these people…”

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon