[TBP] ENTRY#24: Set-up

2.9K 58 3
                                    


Lucien’s POV


                 Yey! Tapos na rin ang klase ^________^ pero di pa kami nakauwi agad ni Dark, pinatawag kasi kami sa faculty room ng adviser namin. Psh… may laban daw. Alam niyo kung ano? kami lang naman ang piniling representatives ng fourth year sa Mr.&Ms. Hendrix High para sa gaganapin na Sports Fest!>>>>______<<<< ay ano ba yan. Ayoko kaya! Ayaw din ni Dark pero wala kaming nagawa kasi halos pilitin na kami ng adviser namin tapos nakisawsaw pa yung ibang mga teachers sa faculty room. Kesyo bagay daw kami ni Dark, at tama lang na kami ang maging representatives. Hay! Napaoo na lang tuloy ako! Si Dark? ewan ko diyan umoo din! Expected ko tatanggi yan eh… kasi nga diba pag ayaw niya ayaw niya pag gusto niya gusto niya! Eeeeeh!! Baka kasi dahil umoo ako kaya umoo siya? *____* waaaah!!! Lucien asa! XD


“Hoy Baliw di porket madalas na tayong magkakasama sa mga rehearsals close na tayo ah?!” biglang sabi sakin ni Dark habang naglalakad kami sa corridor.


“Oo na, kailangan ipamukha?” sabi ko sabay irap.


“Mabuti ng nagkakaintindihan.” Sabi niya tapos inunahan na ko maglakad. Tsk. Shit Head!!!!!! >.<


“Hoy Stupid Lunatic, bilis bilisan mo ngang maglakad diyan!” nilingon niya ko. ?_____?


“Bakit ha sabay ba tayo umuwi?” tong lalaking to! Di ko maintindihan!


“Ano ba sa tingin mo?”


“Hay ewan ko sayo! Sandali lang nababanyo ako!”


T________T ganito mukha niya oh, hahaha. Eh tawag ako ni Mother Toilet! :>


Sinamaan niya muna ako ng tingin bago nagsalita.


“Bilisan mo. Minsan nga magdala ka na lang ng arinola! Mukha kang banyo eh!”


Tingnan mo inalaska pa ko! Gawin kong gatas to eh! Weeeey joke, Korni! Wahaha!


“Che! Sandali lang! mukha neto laging madilim!” sabi ko tapos dali dali ng tumakbo ng banyo.


Duncan’s POV


After long chapters nagkaPOV din. Kasi naman lagi na lang sila no? paano naman ang kaguwapuhan ko eh mas di hamak na guwapo ako sa kanila!! Hahaha.


Uwian na, kasabay ko ang mga kaibigan ko. Dami ko nalaman ngayong araw! Nagtapat na pala kanina tong si Skye sa maganda kong Prinsesa wahaha wag niyo i-misinterpret, kahit Prinsesa tawag ko kay Lucien parang pangkapatid na endearment lang yun sakin. I treat her like a sister, wala naman kasi akong kapatid. --_____-- at ayun na nga, nalaman ko rin na makikipagsabayan sakin si Skye sa ‘panliligaw’ kay Princess. Ayos yun para may thrill. XD


“Nakanaks ka Kalangitan! Akala ko isang dakilang tagasunod ka ng kulto ng mga torpe eh!!” sabi ni Kione habang dinadamba si Skye. May tanong ako. May kulto bang mga torpe? ?______?

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon