[TBP] ENTRY #18: The Silent Prince

3.3K 60 1
                                    

Daren’s POV

“Yung mga booths na kasali para sa pagbubukas ng Sports Fest dapat maihanda na natin yun, yung pag-set up ng mga grounds para sa sports competitions magstart na rin tayo next week na ayusin yun para di na tayo maghabol kapag malapit na ang Sports Fest…” kasulukuyan kong dinidiscuss sa mga co-officers ko dito sa Student Council ang mga dapat naming gawin bilang paghahanda sa darating na intramurals, maganda na kasing maaga pa lang simulan na namin. ^_____^ ako rin kasi ang President kaya dapat ma-organize ko na.

“Yung mga clubs na magkakaroon ng parte para sa Sports Fest pinadalhan ko na ng notice para makapaghanda na din sila…” sabi ni Snowfall, ang Vice President naman at parang naiilang siya ng titigan ko siya.

Tumango rin ako sa kanya at ngumiti. “Good work, okay everyone I think that will be all for now, magtake na muna tayo ng lunch alam kong hindi pa kayo nakakakain dahil sa napakaurgent meeting na to.” Matapos kong sabihin yun, nagsitayuan na ang mga kasama ko.

“Bye President!” paalam ni Gustive, ang aming treasurer.

Nginitian ko lang siya, hindi naman kasi ako ganun ka vocal na tao. Most of the time I’m silent at nagsasalita lang ako kapag talagang kailangan pero kabaligtaran kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Nagiging maingay ako >_____<

Nagpaiwan muna ako saglit dito sa Student Council room, wala ako sa mood lumabas nakakatamad. Hindi pa rin naman ako gutom, tatapusin ko na lang muna siguro yung mga pwede ko ng gawin ngayon. Ang hirap talaga kapag president ka, pero ginusto ko to kaya paninindigan ko. Ang dami kong binabasa at sinusulat. Kasama na dun yun unofficial plan pa ng Student Council para sa darating na event. Ilang minuto pa lang siguro akong nakakapagbasa nang maramdaman kong sumasakit na yung ulo ko. Tinanggal ko tuloy muna yung eye glasses ko at hinilot hilot ang sentido ko.

“Here…” may naglapag ng plastic ware na may lamang pagkain sa harap ko. Pagtingin ko, si Snowfall pala. “Kaya sumasakit yang ulo mo kasi hindi ka pa kumakain, hindi ka dapat nagpapalipas Daren. Kaya ibinili na kita ng pagkain and look meron din ako kaya sabay na tayo dito maglunch ha!” sabi niya pa habang nakangiti ng malapad sakin sabay upo sa tabi kong upuan.

“Thanks Snow nag-abala ka pa…” sabi ko at kinuha na yung pagkain, gutom na nga siguro ako (*^*)

“Ikaw naman Daren, di ka pa nasanay sakin eh dati naman lagi kitang dinadalhan ng pagkain… ooopss sorry.”

Tiningnan ko si Snowfall. “Wala yun… feel free to reminisce that memory…” tapos kumain na ko, at saka ko lang talaga napagtanto… gutom na nga ako (*^*)

“Hindi na ba talaga pwedeng ibalik?” halos pabulong na saad ni Snowfall, itinigil niya rin yung pagkain niya at humarap sakin.

“Snow, alam mo na ang sagot diyan…” di ko siya tinitingnan baka mabasa niya pa yung sinasabi ng mata ko eh.

“Hindi, hindi ko alam Daren…”

Napatingin ako sa kanya, kasi naman… she’s in that tone again!

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon