[TBP] ENTRY#28: What a Day

3.1K 55 0
                                    

Skye’s POV

            Saan ba ko pupunta? --_____-- badtrip naman oh nagcucutting na nga lang ako di ko pa alam kung saan ako pupunta! >.< at dahil sa hindi ko alam kung saan ako pupunta, napadpad ako sa isang park, at kung minamalas ka nga naman talaga. Maganda sana ang view ang kaso lang may panira, nandito rin pala si Dark, nagcutting din ang siraulo! at ang masaklap kasama niya si Lulu! Ayoko mang aminin pero parang ang sweet nila. Makadantay kasi ng ulo niya si Dark sa balikat ni Lulu habang nakaupo sila sa bench. Pero bakit si Lulu hinahayaan niya lang si Dark na gawin yun? sila na ba? Takte! Ayoko ng iniisip ko!

“Haiiisssh!! Badtrip!” Kumuha ako ng bato at hinagis ko sa tubig sa fountain sa pinakamalakas na paraan! Tapos umupo ako sa isa pang bench na malayo sa kinaroroonan nila Lulu, yung hindi nila ko makikita pero sila nakikita ko. Ang sakit naman ng view syete!

“Masokista ka ba?” rinig kong tanong sa akin ng isang boses, paglingon ko… isang babae, at di ko namalayan na nakaupo na pala siya sa tabi ko at nagbabasa pa ng libro.

“Sino ka? umalis ka nga dito kita mong ako nakaupo nakikisiksik ka!” masungit kong saad.

Tiningnan ako ng babae. “Malaki naman tong bench, paupo lang eh. Tska di mo naman pag-aari to kaya pwede akong tumabi dito!”

“Bahala ka pero wag mo kong kausapin!” pagsusungit ko uli, wala ako sa mood maging mabait ngayon.

“Sino nagsabing kinakausap kita?” painusenteng tanong ng babae.

“Kanina, sabi mo masokista ako!” dahilan ko, tapos mataman ko siyang tinitigan. Maganda siya okay, pero mas maganda si Lulu.

“Sinabi ko ba yun? ang pagkakatanda ko kasi ay tanong yun…”

“Pareho lang yun.”

Tumawa siya. “Haha, okay. Bakit totoo namang masokista ka diba?”

I frown. “Paano mo naman nasabi.”

“Base on observation? Kanina pa kita nakita na pinagmamasdan yung couple doon sa kabilang dulo.” Aniya sabay turo sa direksyon nina Lulu.

“They’re not a couple.” Pagtatama ko sa sinabi niya.

“Oh hindi ba? Eh mukha silang couple eh tingnan mo sweet nila, at base rin sa nakikita ko… kilala mo sila.”

“Wala ka ng paki dun.” Pandagdag din ata sa kabadtripan ko tong babaeng to.

Tumawa na naman siya. “I smell jealousy. Magmove on ka na, hindi ka mamahalin nung girl masasaktan ka lang kapag ipainagpatuloy mo pa yan.”

Tinignan ko uli siya. “How would you know? Manghuhula ka ba?”

“Nope, I’m saying this base on what I have observed.”

“May balak ka bang maging scientist at kung anu-anong observation ang ginagawa mo? Alam mo mas bagay kang tawaging pakielamera. Bakit di mo yan gawing trabaho baka kumita ka pa.” sarcastic kong sabi.

“Kung pwede lang eh! Kaso wala akong balak. Hahahaha!”

“Manahimik ka na nga ang ingay mo pandagdag ka sa badtrip ko eh!” singhal ko sa kanya.

“Eh? Paano ba kasing hindi ka mababadtrip niyan, nasasaktan ka na nga pinagmamasdan mo pa. Kahit di pa couple yang dalawang yan, sooner or later mababalitaan mo na lang sila na. Tingnan mo, obvious naman they have feelings for each other..”

“Mabait lang talaga si Lulu kaya hinahayaan niyang dumantay si Dark sa balikat niya. Wag ka ngang basta basta nagkoconclude base sa nakikita mo.” Depensa ko.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon