[TBP] ENTRY#29: Feelings

3.1K 64 1
                                    

Lucien’s POV

            Gaya ng inaasahan ng lahat, ng lahat talaga? Natuloy nga ang suspension ko. >.< pinagalitan nga ko ng bongga ni kuya Blaine nang malaman niya eh. Pero syempre hindi niya ko sinumbong kay kuya Axel, at speaking of kuya Axel matatagalan pa bago siya makapunta dito sa Pilipinas which is talagang ipinapagpapasalamat ko kung pwede nga lang eh wag na tlaga siyang dumating. Sana lalo pa siyang matambakan ng trabaho abroad. XD

“Lady Lucien, kumain na raw po kayo sabi ng kuya niyo.” Bungad sakin ni Tarina habang pababa ako ng hagdan kinaumagahan ng Lunes.

“Okay.” Walang gana kong sagot. Inaantok pa nga ko eh pero ewan ko kung  bakit ang aga kong nagising.

“Ah Lady Lucien…”

Sinamaan ko ng tingi si Tarina na nakaharang sa dinaraanan ko. “Bakit? Ano pa bang sasabihin mo?”

“Ah kasi po….”

Di ko na pinatapos kung ano man ang gusto niyang sabihin dire-diretso ako sa sala.

“Hi Lucien.” Bati sakin ni Dark.

“Hello.” Inaantok kong ganting bati habang kinukusot pa ang mga mata. Nilagpasan ko si Dark, pupunta akong dining area eh.

O__________O

Teka. Dark?

Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko… at parang nawala ang lahat ng natitirang antok ko.

“Aaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!”

“Argh! Hoy baliw bakit ka ba sumisigaw! Manahimik ka nga!”

Kumalma ako.

“ANONG GINAGAWA MO DITO!!!??” pasigaw kong tanong sa kanya. Kagigising ko lang eh sya agad mabubungaran ko?

“Teka nga pwede bang kumalma ka? ang aga aga inaatake ka na ng kabaliwan mo.”

“Eh ano nga ba kasing ginagawa mo dito?” iritado kong saad. Kasi naman! Wala man lang siya pasabing pupunta rito ng napakaaga. Kagigising ko lang kaya! Gulo gulo ang buhok, panis ang laway, tapos baka may muta pa ko tapos siya agad mabubungaran ko, hindi pa ko nakakapag-ayos tapos…bakit ko nga ba inaalala ang mukha ko sa ngayong kagigising ko lang at kaharap ko siya? Eh kasi baka mukha kang pangit ngayon dahil sa ayos mo. Eh paki ko ba kung pangit ako ngayon at nakaharap sa kanya? Si Dark lang naman yan! Si Dark.. si Dark, ang guwapong si D-Dark… waaaaah!!!

“Hoy Stupid Lunatic! Nasa planetang earth ka pa ba? Lumulutang ka na naman eh, Huuuuy!!!” winawagayway niya pa yung kamay niya sa nakatulala kong mukha. Sabay…

*Puk!*

“Aray ha!” reklamo ko. ang siraulo, batukan daw ba ako? >.<

“Para ka kasing baliw, kinakausap kita nakatulala ka lang. Baka naman nananaginip ka pa?”

Tinalikuran ko siya. “E-Ewan ko sayo! Bakit ka ba kasi nandito ?” pag-uulit ko sa tanong ko kanina.

“Sinabi ko na sayo ah, uulitin ko na naman? sinusundo kita  dahil papasok tayo sa school.”

“Wala akong narinig na sinabi mo yan.” Talaga naman eh, wala ako narinig. Kayo ba may narinig kayo? Wala diba.XD

“Wala kang narinig dahil nakatulala ka lang. palibhasa taga Mars ka.”

Humarap uli ako sa kanya.“Hindi ako taga Mars! Ang mga babae ay nanggaling sa Venus ang mga lalaki sa Mars! Kaya ikaw ang taga Mars!” sabi ko sabay takip ng bibig, baka mabaho eh. Di pa ko nagmumumog. Wahehe.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now