[TBP] ENTRY#15: The Nasty Prince

3.4K 65 0
                                    

Blade’s POV

Akalain mo yun nagkaPOV ako? Hindi obvious Blade, bobo mo! Ge nandito na eh pangatawanan ko na. kung nagtataka kayo kung bakit Blade ang pangalan ko ay wag na kayong magtaka yan ang gusto ng nanay ko! May paborito kasi siyang orchid yung Twayblade ba yun? Dun niya kinuha ang pangalan ko. Blade lang daw kasi yung bestfriend ng mommy ko ipinangalan naman sa anak niyang babae yung Twayblade, at kung minamalas ka nga naman kababata ko pa si Twayblade at self-appointed bestfriend ko. Tuwing napasok na nga lang ako sa school saka lang ako nakakawala dun kay Twayblade eh, sa all girls school kasi siya pumapasok. Kakabwisit yun parang aso buntot ng buntot! >____<

Malapit na kong malate pero wala pa ko sa school. Nakakatamad pumasok eh!

“Anak, ihatid mo muna si Tway sa school niya bago ka pumasok ha.” Paalala ni mommy.

“Ma! Malelate na ko!” reklamo ko. Takte naman kasi eh! May sasakyan naman sila!

“Sige na anak, di naman nagkakalayo ang school niyo eh kawawa naman si Tway naka on leave yung driver nila ngayon, baka mamaya kung ano mangyari dun kapag nag-commute yun, mamaya mapagtripan siya ng mga masamang loob, mamaya masagasaan yun, mamaya---“

“Ma! Ang OA niyo alam niyo yun? Oo na sige na ihahatid ko na siya. Siguraduhin niyo lang na one week lang to ah! After one week di ko na siya ihahatid!” tapos padabog akong lumabas ng bahay.

“Ingat anak!” sigaw ng mommy ko. Psh… parang bata.

Sinundo ko si Twayblade sa kanila, at badtrip naman kasi talaga oh. Patagal pa tong Twayblade na to! Feeling ko buong araw na kong naghihintay sa kanya sa sobrang tagal niya! Syete naman kasi talaga oh!

“Uy Blade! Sorry matagal ba ko? Tara na!” sabi niya nang makababa ng hagdan ng bahay nila.

“Hindi hindi. Ang bilis mo nga eh! Grabe!” pang-aalaska ko at nauna na malakad sa kanya palabas.

“Uy sorry na bestfriend! Napatagal lang naman ako sa salamin eh!” sabi niya tapos parang tukong yumakap sa braso ko. Hinayaan ko na lang ganyan naman talaga yan eh. Makadikit wagas. Sayang lang lakas ko kapag pinilit kong kumawala.

“Sino ba kasing pinagagandahan mo? Wag ka ng mag-effort na magpaganda wala ka ng pag-asa!” joke lang na hindi siya maganda, ayaw ko man aminin ay maganda talaga siya. Almond eyes, Inaasar ko lang talaga siya.

“Masama bang magpaganda para sayo!”

Napatingin ako sa kanya. “Sa kin? Ahahaha asa ka namang patulan kita? Self-appointed bestfriend ka na nga baka mamaya maging self-appointed girlfriend na rin kita!”

“Bakit hindi ba pwede?” she look at me puppy eyed.

“You’re not my type Twayblade, kaya tigilan mo na yang kalokohan mo…”

“Tingin mo talaga kalokohan lang yung sinabi ko sayong gusto kita?” biglang sumeryoso yung mukha siya.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now