[TBP] ENTRY#10: One Starry Night

3.8K 74 1
                                    

Lucien’s POV

“Lady Lucien, yung gamot niyo po wag niyo daw po kalimutang itake sabi ng Kuya Axel niyo.” Paalala ni Tarina, personal maid ko. Naiinis na ko diyan paano ba naman hanggang dito sa Pilipinas kasunod ko pa rin siya. Tapos lagi niya kong pinapainom nung gamot na di ko alam kung ano eh wala naman akong nararamdaman na may sakit ako. Sabi lang ni Kuya Axel continuous medication ko daw yun mula sa sakit na nagkaroon ako a long time ago.

“Sige mamaya I’ll take my medicine…” sabi ko na lang para tumigil na siya pero di ko naman talaga itetake yung gamot. Di na ko nagtetake nun simula ng dumating ako dito sa Pilipinas. Magaling na ko. OA lang talaga si kuya Axel, and speaking of kuya Axel… next week na siya dadating para ibalik ako sa London. That control freak brother of mine, bahala siya hindi na ko babalik sa London.

“Lady Lucien, baka makalimutan niyo po. Magagalit po ang kuya niyo…”

“Aaargh! Mamaya itetake ko nga diba! Psh… masyado ka ng OA kakasunod sa kuya ko!” minsan naisip ko may gusto to sa Kuya ko kaya ganito to makasunod eh. Tsaka kaya ganyan ko yan sagut-sagutin dahil hindi pa naman yan matanda.

“Nagpapaalala lang ako Lady Lucien.” Sabi niya at napansin ko… she rolled her eyes at me.

“Oo sige na, leave me alone.” I dismiss her immediately. I hate that girl talaga. She’s been my personal maid for about 1 year pa lang. Bigla kasing nagresign si Ate Cyrene. Yun talaga ang pinakamatagal kong personal maid and I like her a lot kaso bigla siyang nagresign for some unknown reason.

Nung umalis na siya sa kuwarto ko, bigla namang nag-ring yung phone ko. Pagtingin ko… waaah!!! Si kuya Blaine! Ang paborito kong kuya kasi kabaligtaran siya ni kuya Axel! :-D

“Hello kuya!” I greet him cheerfully.

[Hello Princess… kumusta ka na diyan?]

“Okay naman kuya, may mga kaibigan na rin ako!”

[Talaga? That’s good. I heard kuya Axel was coming to fetch you]

Nalukot yung mukha ko. “Oo nga kuya eh, ayaw niya man lang patagalin ang stay ko dito.”

[Don’t worry Princess, pupunta din ako diyan. Di ko hahayaang patuloy na kontrolin ni kuya Axel ang buhay mo. He should let you decide on yourself.”

Natouch ako sa sinabi ni kuya. “Thanks kuya, you’re the best talaga! I love you!”

[Hahaha. Love you too Princess, sige babye na my meeting pa ako. Take care]

“Bye kuya Blaine!” then he hang up.

Tiningnan ko yung gamot na dinala ni Tarina, kinuha ko tapos binalot ko sa crampled paper at tinapon ko sa basurahan. I really don’t need that drug. I’m all too well, at dahil gabi na… dapat matutulog na, ang kaso lang ay hindi ako makatulog. May naisip akong gawin, ^_____^ makalabas nga ng bahay! Haha. Pasimple akong bumaba ng hagdan. Ayos to walang tao, di naman kasi stay in ang mga body guards ko. Dinala ko lang yung bike ko tapos naglibot-libot na ko hanggang makalabas ng subdivision. Nagbabike ako hanggang sa makarating sa isang park.

Dark’s POV

 Nandito ako ngayon sa park, di lang siya ordinaryong park… kasi dito kami nag-meet. Di ako makatulog eh. Kalilipat ko lang din dun sa condo ko at kahit malayo ang park na to sa condo ko, dito ko ginustong pumunta. Gabi na, past 10. Linggo naman bukas eh kaya okay lang kahit magpuyat. Pinark ko yung kotse ko tapos naupo ako sa may swing. The same swing where we used to sit a long time ago. Buti pa dito tahimik, mas gusto ko pumunta dito pag gabi walang tao eh. Lagaslas lang ng malakas na hangin ang naririnig ko, pero nasira ang tahimik na atmosphere nang may marinig akong parating. Babae… nakapantulog pa at nagbabike, at parang kilala ko kung sino siya. --____--

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now