[TBP] ENTRY #37: Possible

2.5K 45 3
                                    

“Lulu tingnan mo to may ribbon ako.”

“Sino nagbigay sayo niyan Lili?”

“Yung kaibigan ko.”

*riiing~riiing~riiing*

Nagising ako sa tunog ng alarm clock.

Lili? Sino yun?bakit yung mukha niya katulad ng mukha ko nung bata ako?

Ano ba yan habang tumatagal gumugulo yung panaginip ko. >.<

~Bababa~babanana~ bababa~ babanana~

>.<

Tawag yun. binago ko na yung ringtone ko simula nung tawanan ni Dark ang Wonder Pets!

“Hello?” inaantok ko pang sagot sa kung sino mang tumawag sa kin, di ko na kasi tiningnan yung caller ID.

[Baliw, di muna kita masusundo ngayon may kailangan akong puntahan ng maaga pero pumasok ka pa rin papatayin kita kapag di kita nakita mamaya! Yun lang bye.]

Call ended.

>.<

Alam niyo na siguro kung sino yun. Di na naman ako pinag-react. Bahala siya.

Pinakiramdaman ko yung ulo ko, wala pa ring pinagbago masakit pa rin. Pero nag-ayos na ko, papasok na ko sa school, dumadami na absent ko kahit di naman kami regular class ngayon gawa ng preparation sa Sports Fest.

Pagbaba ko sa dining area…

“Oh Lucien goodmorning, kumain ka na.” bungad sa kin ni kuya Blaine.

“Morning kuya.” Bati ko rin at tipid na ngumiti.

“Masakit pa rin ba ang ulo mo?” tanong niya.

“A bit.” Kahit ang totoo di pa talaga nabawasan ang sakit! Baka pagbawalan niya na naman akong pumasok eh.

“I’m worried Princess, magpa-check up ka na kaya sasamahan kita.”

“Hindi okay lang ako kuya.”

“Lady Lucien, hindi niyo naman kasi ata iniinom yung gamot niyo kaya ka sinasakitan ng ulo.” Biglang sermon sa kin ni Tarina.

Sinamaan ko siya ng tingin. “I told you hindi ko na kailangan yun, feeling ko nga binigyan pa ko nun ng side effects.”

“Lady Lucien..”

“Aalis na ko, bye kuya bye Tarina.”

“Princess isang tinapay pa lang ang kinakain mo kumain ka nga ng maayos.” Sita sa kin ni kuya.

“I’m fine kuya, I don’t have the appetite papasok na ko!” tapos dali-dali akong lumabas ng bahay. Bakit ganon di ko feel na hindi kasabay si Dark? Weird naman.

Magpapahanda na sana ako ng kotse nang may mapansin akong nakatayo sa front porch.

“Skye…”

Ningitian niya ko. “Hi Lulu, pwede ko bang makasabay ang mahal na prinsesa ngayon?” aniya sabay lahad ng kamay sa kin at lumuhod na parang isang tunay na prinsipe.

Namula ata ako dahil sa ginawa niya.

“Skye, you’re too sweet for an early morning.”

“I’ll always be when you’re concern.”  Then he winks.

>////<

Napangiti ako. “Bago ka pa langgamin diyan, tara sasabay na ko sayo swerte mo wala si Dark wala kang kakumpitensiya.” Tapos inunahan ko na siyang maglakad papunta sa kotse niya.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon