[TBP] ENTRY#13: Dark's Nightmare

3.4K 69 2
                                    

Lucien’s POV

 Nakakapagod --____--

Nakatulog na uli si Dark, hinayaan ko na lang. naupo ako dito sa couch sa malawak niyang sala. Natawagan ko na din si Miss Remi at nasabi ko na ang kalagayan ng kapatid niya, at ayun alalang-alala pero nung sinabi ko na medyo okay na si Dark di na siya masyadong nag-freak out. Tiningnan ko ang oras, ay grabe alas otso na ng gabi. Pinatay ko na rin yung cellphone ko after kong matawagan si Miss Remi, ayoko sagutin tawag ni kuya Axel eh. Tsaka dito na lang din muna siguro ako magpapalipas ng gabi sa condo ni Dark, nakakatamad na umuwi eh. Ang layo pa ng bahay ko dito.

“Makapanood nga ng TV…” binuksan ko yung malaking flat screen TV. International news agad yung nabungaran ko.

“Princess Austreau of Greenland was gone missing, as reported early this week. Authorities around the globe were gathered to find the whereabouts of the Princess who leave the palace for some unidentified reason...”

Wow. May prinsesang nawawala, baka sawa na siya sa buhay prinsesa kaya umalis. Parang… ako lang, gusto ko ng kumawala sa pagkontrol ni kuya Axel sa buhay ko.

“Aaaaaaaaaaaaaarrrrrggghhhhh!!!!!”

Rinig kong sigaw mula sa kuwarto ni Dark. dali dali tuloy akong napatakbo para malaman kung ano nangyari sa kanya.

“DARK!!” tawag ko sa kanya, naabutan ko siyang nagwawala. Mukhang binangungot. “Huy Dark! anong nangyayari? Hoy!” pilit ko siyang ginigising, at nang magising siya…

O____________O

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

“Huwag mo na akong iiwan Light… please, please wag na…” he was shaking, rinig ko ding humikbi siya habang…. Yakap ako.

“D-Dark…”

“Ayoko ng mag-isa, ayoko na… ayoko…” sabi niya pa habang patuloy na umiiyak.

“Sssh… okay lang yan Dark.” pang-aalo ko sa kanya habang tina-tap yung likod niya para i-comfort siya. Ang higpit higpit ng yakap niya sakin parang ayaw na kong pakawalan, ayaw akong pahingahin, pero hinayaan ko lang siya, at habang yakap niya ko isang tanong ang nabuo sa isip ko. Sino si Light?

Iyak lang si Dark ng iyak. Ganito ba siya palagi? Lagi kaya siyang… binabangungot? Gusto ko sana siyang tanungin kung sino si Light. Habang umiiyak kasi siya, palagi niya yung binabanggit kaso di ito ang tamang oras para tanungin ko siya tungkol dun. Nakatulog siya habang yakap ako, inihiga ko na din siya pabalik sa kama niya. Tapos kinapa ko uli yung noo niya. Wala na siyang lagnat. Mabuti naman.

“Kawawa ka naman Dark.” sabi ko tapos tumayo na, mukha lang siyang malakas sa labas pero ang sa loob, napakafragile niya. Poor Dark, ano ba talagang nangyari sayo? Kasalanan ba nung… Light? Iniwan ka niya? Kung sino ka mang Light ka ang sama sama mo dahil iniwan mo si Dark! galit ako sayo! >.<

-----

Nagising ako mula sa pagkakahiga sa couch. Tiningnan ko uli yung orasan, 10:30 na ng gabi. Iilang oras pa lang mula ng makatulog ako. Sinubukan kong matulog uli pero di na ko dalawin ng antok. Manunuod na nga lang uli ako. International news na naman ang nabungaran ko, malamang di ko naman nilipat yung channel kanina eh. Halos tungkol dun sa prinsesang nawawala yung balita sa international news. Bakit ba ang big deal nun? Ni hindi naman nila pinapakita yung picture ng prinsesa, ano kaya yun? Mamaya nakasalubong ko na pala yun di ko naman alam. Edi hindi ko sila natulungan.

“Anong pinapanuod mo?”

Nagulat naman ako ng biglang may nagtanong. Kala ko multo. Si Dark lang pala. Phew… (“~~”)

“Ah, wala. Kahit ano lang di ako makatulog eh. Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?”

“Sa tingin mo?” pabalang niyang sagot tapos umupo siya sa tabi ko.

Ang sungiiiiiit!!! Bwisit to parang di man lang alam yung ginawa ko para umayos yung pakiramdam niya! >.<

“Sabi ko na nga okay ka na eh!” inikot ko yung mata ko, madilim naman eh di niya naman nakikita.

“Psh… stupid.” Tingnan mo nanlait pa! Amp ka talaga Dark! pasalamat ka kagagaling mo lang sa sakit, saka na kita papatulan sa asaran!

“Oo na ako na stupid ikaw na hi----“

O_______O lagi na lang ba kong magugulat sa gabing to?

“Pahiga muna…” sabi niya tapos inayos niya yung pagkakadantay ng ulo niya sa balikat ko.

“Ah… Dark?”

“Huwag kang maingay, matutulog pa ko.”

Eeeh shemay naman eh!!!

“Eh kasi Dark….” naiilang ako shemay ka!

“Huwag kang malikot, pag ako di nakatulog papatayin kita…”

“Ah, o-okay.” Tapos hinayaan ko na siyang nakadantay sa balikat ko. Nakatulog na nga ata, problema kaya neto? Ginawa ba naman akong unan? Hinayaan ko na lang din. Naantok na ko pero di ako pede gumalaw baka magising. Tigre pa naman to baka nga patayin ako. Ini-off ko yung TV gamit yung remote, naantok na talaga ko. Kaso takte talaga to si Dark eh! Paano ako matutulog? (?_____?)

Sinubukan kong idantay yung ulo ko sa ulo niya, ay kangalay! Nangangalay na din yung balikat ko. Bigat kaya ng ulo niya! >____< ah alam ko na! dahan dahan kong inangat yung ulo niya para makaalis ako sa pagkakadantay niya. Para mahiga na siya dito sa couch at dun naman ako sa kabilang couch. Dalawa kasi eh. Nakakainis may kuwarto naman siya! Inagawan pa ko ng puwesto dito! Ayan na makakaalis na ko, successs na hohoho, ang kaso lang naalis ko na yung ulo niya, nagslide pa rin pabalik sa balikat ko! Ay! Di ako sanay matulog ng nakaupo! Aalisin ko uli, kaya ko to! (*^*) yan na yan na..

Tanggal tanggal ulo ni Dark sa balikat ko~~

Balik Balik ni Dark ulo niya sa balikat ko~~

Tanggal tanggal ulo ni Dark sa balikat ko~~

Balik Balik ni Dark ulo niya sa balikat ko~~

Tanggal tanggal--- ayt ayoko na!! alam niyo gusto ko ng isiping nananadya to si Dark eh kainis! Bahala na antok na ko matutulog na ko! >_____< at ayun hinayaan ko na lang talaga siya, dinantay ko na din yung ulo ko sa ulo niya. No choice eh, pero buti na lang… nakatulog din ako… (Zz___zZ)

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now