[TBP] ENTRY#5: Her Seatmate

5.1K 83 1
                                    

Kione Crevan on the side----->>

Lucien's POV

Pagkapasok namin ng classroom ni Skye, ayun center of attention kami… at yung mga babae kung makatingin naman sakin mukha akong kakainin ng buhay, pag-aari ata nila ang mga prinsipe sa school na to. Haha who cares, wala pa yung Trigonometry teacher namin. Umupo na ko sa upuan ko sa tabi ni KADILIMAN!!! Si Skye naman nakipogbonding dun sa ibang prinsipe, mukhang kinukwento niya ko sa kanila bigla kasing tumingin sakin yung mga kaibigan niya tapos ngumiti. Syempre ngumiti din ako, mukha naman silang mababait sana maging kaibigan ko rin sila… maya maya pa bigla nila akong nilapitan.

“Hello Hemera I’m Blade!!” pakilala nung mukhng gangster pero ang pogi, bagay nga sa kanya yung pangalang Blade… nakakatakot din ang mukha niya.

“Ako si Daren..” sabi nung mukang si Yukito, yung sa Cardcaptor Sakura.. crush ko yun eh!! Akalain mo yun may kamukha siya sa totoong buhay!! Haha ang cute cute niya tapos may salamin din siya na nakadagdag lang lalo sa appeal niya ay ay!

“Hi My Princess, I’m the ever handsome Duncan Alberts and it’s a pleasure to meet you..” sabi ng lalaking mukhang may lahi kasi blue eyes pa. Inabot niya pa yung kamay ko at hinalikan. ?____?

“Hoy bakit may pahalik halik ka pa sa kamay ni Lulu!!??” sigaw ni Skye tapos pumagitna samin.

“Lulu? Close na kayo agad KALANGITAN? Bakit tayo hindi close?” sabi naman nung mukhang koreano na hapones na ewan, si Kione ata to…

Inismiran lang siya ni Skye. “Open kasi tayo Kione Crevan, at ito pa ako lang tatawag sa kanyang Lulu aah!! Kayo mag-isip kayo ng gusto niyong itawag sa kanya basta ako lang tatawag na Lulu!!” wow iannounce raw ba sa buong klase?

Dark’s POV

Nagising ako sa ingay. Kahit di ko iangat ang mukha ko mula sa pagkakaub-ob, alam kong yung mga kumag kong kaibigan ang maiingay dito sa malapit ko, pero nung makita ko… kausap din pala nila yung transfer student. Nakatalikod siya sakin habang kausap yung mga kaibigan ko. Napansin ko may nakatali na namang white ribbon sa mahaba at tuwid na tuwid niyang buhok. May naalala tuloy ako, hinawakan ko yung white ribbon sa buhok niya, oo nahawakan ko… magkatabi lang kasi yung upuan ko ngayon sa upuan niya hindi ko inusog eh wala ako sa mood. Napansin niya atang may humawak sa ribbon sa buhok niya napatingin tuloy siya sakin…

“Kierran? Bakit mo hinahawakan yung ribbon sa buhok ko?” takang tanong niya, napansin din yun ng mga kaibigan ko.

“Baka type ni Dark yung ribbon…” sabi ni Kione.

O__________O

Bigla kong binitawan yung ribbon sa buhok niya tapos umub-ob ulit.

“HAHAHAHAHAHAHA!!!”

Rinig kong tawa nung mga ugok. Pero di ko narinig yung tawa nung ‘seatmate’ ko. Tsk. Bwisit ka kasi Kione lagot ka sakin mamaya. >.< maya maya pa narinig kong dumating na yung teacher namin. Inangat ko na yung ulo ko. Makikinig ako ngayon sa lesson lagot na naman kasi ako kay Reminisce pag nalaman niyang natulog na naman ako sa klase. Tapos napansin ko na nakatingin sakin yung ‘seatmate’ ko. Tiningnan ko siya ng masama.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now