[TBP] ENTRY#32: Dark vs. Skye ( Part 1)

2.8K 78 19
                                    

Blaine’s POV

Nagkita na naman kami ni Remi kahapon. sabay kaming naglunch ^_______^ natuwa rin akong malaman na tinanggal na niya yung suspension ni Lucien, at hindi na rin siya nanganganib na ma-expel. Nagulat pa nga ko ng malamang ang kapatid niyang si Dark ang tumulong sa kapatid ko, at ngayon panibagong araw na naman. Madami pa rin akong kailangan asikasuhin. Ang aga pa pero kailangan ko ng umalis.

 “Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!!!!”

Bigla kong nabagsak ang dala kong briefcase nang makarinig ako ng isang malakas na sigaw. Shit. Si Lucien yun, dali dali akong pumunta sa kuwarto niya.

“Lucien!” pinilit ko siyang gisingin.

“Ayoko! Ayoko niyan aaaaaahhhhhh!!!!!” patuloy pa rin siyang sumisigaw at nagpupumiglas habang nakapikit.

“Lucien, wake up!”

Lucien’s POV

            Bigla akong napamulat. Nakita ko si kuya Blaine na nasa tabi ko at pinipilit akong gisingin.

“You’re having a nightmare Princess.” Sabi ni kuya at niyakap ako. “Okay ka na ba?”

Okay na ba ako? may naramdaman akong pitik sa sintido ko. I’m not okay. >____<

“Ang sakit ng ulo ko kuya.” Hiilot-hilot ko ang sintido ko.

“Are you sick?”

“No I don’t think I am, ang sakit lang talaga ng ulo ko.” bakit ako biglang sinasakitan ng ulo.

“What is your nightmare all about?” tanong ni kuya.

Napatingin ako sa kanya. Nanginig ako nang maalala ko. “M-May taong nagtali sa kin nagpupumiglas ako kasi may gusto siyang iturok sakin, ayoko nun kuya, a-ayoko.”

“Hey, it’s okay. Panaginip lang yun, are you still taking your medications?”

Umiwas ako ng tingin kay kuya.

“You’re not taking it?”

Simpleng tango lang ang isinagot ko, hindi ko kayang magsinungaling kay kuya Blaine. Sigurado papagalitan ako nito dahil sa hindi ko pag-inom ng gamot ko. >_____<

“I think its better if you don’t take it anymore...”

Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Akala ko kasi papagalitan niya ko.

“Hindi ka galit kuya?”

He smiles. “Why should I? si kuya Axel lang naman ang nag-iinsist na magtake ka nun.”

Napangiti ako sa sinabi ni kuya Blaine.

“Ang mabuti pa bumangon ka na diyan, may klase ka pa diba? Aalis na ko.”

“S-Sige kuya..” tumayo na ko sa kama ko, umiikot ang paningin ko muntik na nga akong bumagsak mabuti na lang nasalo ako ni kuya Blaine.

“Are you sure okay ka lang? wag ka na kaya pumasok.”

“Okay lang ako kuya, iinuman ko lang to ng gamot. Tsaka ayoko umabsent ngayon kakatanggal pa lang ng suspension ko.”

            Pinilit pa ko ni kuya na umabsent na lang dahil baka raw bigla akong himatayin sa daan pero hindi ako pumayag kaya sa huli wala rin siyang nagawa. Mabuti na lang maaga akong nagising ngayon, dahil ang bagal kong kumilos dahil ang sakit ng ulo ko at parang lalo pa siyang sumasakit habang tumatagal.

 Nasa kuwarto pa ko at nagsusuklay ng kumatok at pumasok si Tarina.

“Lady Lucien, nandiyan na po sa sala si Sir Dark at yung kasama niya.”

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now