[TBP] ENTRY#43: He's here

2.6K 46 2
                                    

Lucien’s POV

“Good bye Dark.” paalam ko kay Dark bago ako bumaba ng kotse niya. Hinatid niya na naman kasi ako pauwi.

Tango lang ang isinagot niya sa kin.

?______? Bakit ang tahimik niya ngayon? Kahapon pa siya ganyan pagkatapos nilang ma-usap ni Skye. Ano bang napag-usapan nila?

“Dark may problema ba?” di ko maiwasang tanong sa kanya.

Napatingin siya sa kin. “Oo meron, ang tagal mong lumabas ng kotse ko.”

--______-- Shit Head.

“Ganda ng problema mo ah, oo eto na lalabas na ko, bubuksan ko na yung pinto tapos isasara ko ayan na! bye!” pasalampak kong isinara yung pinto ng kotse niya. Tsh. Kay sungit.

Tinted yung salamin ng kotse niya pero nakita kong nag-roll eyes siya sa kin bago sinuot yung shades niya at inatras ang sasakyan bago humarurot palayo.

“May mood swing na naman.” Napapailing na sabi ko habang hinihintay mawala yung sasakyan niya sa paningin ko. Nang mawala na, saka lang ako pumasok sa bahay namin.

Naglalakad na ko papasok ng bahay. Teka  parang kakaiba, bakit parang ang tahimik? Di naman sa laging maingay ang bahay namin pero parang kakaiba lang ang katahimikan niya ngayon.

“Tarina! Nandiyan ka ba? Nandito na ko!” tawag ko ng malakas sa personal maid ko pagkapasok ko pa lang ng bahay, pero walang sumagot na Tarina at lumapit sa kin. Eh? weird ah, laging napunta agad si Tarina sa malakas na tawag ko pa lang. Asan na yun? di pa ba siya nakakauwi? Napasok din kasi yun ng school. College na siya.

Nakita ko ang isang maid namin na nakatalikod sa kin at naglilinis.

“Ah ano ate…” kinalabit ko siya.

“Yes Ma’am?” tanong niya sa kin.

O_______O

Ma’am?

Kailan pa naging Ma’am ang tawag sa kin ng mga katulong?

Tsaka teka parang ngayon ko lang nakita ang maid na to. Mukha pa rin siyang bata.

“Bago ka lang dito?” tanong ko.

“Opo Ma’am, kaninang umaga lang po kami dumating.”

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon