[TBP] ENTRY#47: Letting go

2.5K 45 4
                                    

Lucien’s POV

Akala ko magiging Malaya ako buong weekend. Pero shit lang, biglang dumating si kuya Axel kaya naman hindi natuloy yung nakatakdang date na anyaya sa kin nina Dark at Skye. Baka nagalit na sa kin yung mga yun, kinuha rin kasi ni kuya Axel ang cellphone ko kaya hindi nila ako mako-contact. Sa Friday na nga rin pala ang flight ko pabalik ng London, ni hindi ko alam kung paano na yung pag-aaral ko dito sa Pilipinas.

“Papasok na ko.” paalam ko kay kuya Axel nang maabutan ko siya sa dining area. Nasaan si kuya Blaine?

“Bakit papasok ka pa? ipapa-drop out na kita sa school na pinasukan mo, babalik ka na ng London sa Friday.”

“Alam ko kuya pero gusto kong pumasok.”

“Hemera Lucien!”

“Kuya, pagbigyan mo na ko gusto ko lang na makasama ang mga kaibigan ko bago man lang ako umalis.”

Ilang saglit niya kong tiningnan.

“Fine, take your guards with you.”

“Kuya! I don’t need babysitting!”

“Hemera Lucien!”

“Kuya please? Aalis na rin naman ako eh.” umiwas siya ng tingin sa kin at binalik ang tingin niya sa binabasang diyaryo. “Kuya?”

“Just make sure you’ll go back in London this Friday.”

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. He’s letting me! Ang dali niya atang pakiusapan ngayon. Gusto ko pa sana magtanong kung nasaan si kuya Blaine, di ko na kasi siya nakita since Saturday night. Ikinulong na naman kasi ako sa kuwarto kaya di ko alam kung ano ang napagtalunan nila ni kuya Axel.

Hinatid ako ni Mr. Ken papasok ng school. Para akong kinakabahan, di ko alam kung paano ko haharapin si Dark at Skye may kasalanan kasi ako sa kanila. Pero ayoko rin naman sabihin ang dahilan kung bakit hindi ako nakapunta ayoko mag-alala sila. Higit sa lahat ayokong malaman nila na aalis na ko.

Pagpasok ko sa room, nagkakagulong mga classmates ko ang naabutan ko. Nagsimula akong maglakad papunta sa upuan ko, kasabay naman noon ang pagtahimik nila. Ano na naman ba?  Nakita ko si Skye kasama sina Kione na nag-uumpukan sa dulo. Napako ang tingin k okay Skye, tipid niya lang akong ningitian bago tinuloy ang pakikipag-usap kina Kione. Siguro galit siya sa kin. Si Dark naman ay nakita kong naka ub-ob sa upuan niya. Siguro pati ito galit sa kin.

“Dark.” tawag ko sa kanya, dahan-dahan naman siyang nag-angat ng ulo.

“Bakit?” agad na tanong niya.

Ano bang gusto kong sabihin?

“Ah ano… sorry ha, yung tungkol sa date nu---“

“Kalimutan mo na yun, alam na namin ni Skye.”

“Alam niyo ang ano?”

“Hinihigpitan ka nga pala ng kuya mo. Hindi ka na namin dapat pa inaya.”

Mataman akong napatingin sa kanya. “You mean plano niyo nga talaga yun ni Skye?”

“Yes, gusto kasi niyang malaman kung sino ang pipiliin mo samin.”

“Anong kalokohan ba yan?” di ko maiwasang mainis.

“Mamaya na tayo magtalo, nandiyan na ang teacher natin.”

Nakakainis naman kung kailan naman may gusto akong malaman saka pa dumating ang teacher namin! >.<

Lunch time…

“Ano bang kalokohan niyong dalawa at naisip niyong mamili na ko sa inyong dalawa?” sermon ko kay Skye at Dark, nandito kaming tatlo ngayon sa likod ng school. ‘Nag-uusap’.

“Lulu ano kasi eh---“

“Skye, alam mo naman na ayokong may masaktan sa inyo diba hindi niyo dapat ginawa yun.”

“Pero Lulu, hindi rin naman pwede na dalawa kaming nanliligaw sayo kasi isa lang naman ang sasagutin mo hindi ba. Nag-iisip lang ako ng agarang solusyon.” –Skye.

“Ano Skye solusyon? To the point of hurting your feelings—“ napatigil ako sa sinabi ko.

Ngumiti si Skye ng mapakla. “Hurting my feelings? Dahil sa sinabi mong yan Lulu para mo na ring sinabi na si Dark ang pinipili mo.”

O_______O

“Skye, I didn’t mean it that way…” Paano ko ba ipapaliwanag?

“Ano bang ikinagagalit mo baliw? Kung tutuusin nga kami ang dapat na magalit sayo dahil di mo naman sinipot ang isa samin.” –Dark.

“Ah, ano kasi Dark eh---“

“Pero kung sakali mang sumipot ka nga sino naman nga kaya ang pipiliin mo?” ani Dark, hindi na naman ako pinatapos.

Natigilan ako lalo sa tanong niya. Kailangan bang sagutin ko talaga yan? Sa mismong harap nilang dalawa? Nagpasalin-salin ang tingin ko sa kanila. Pero pareho lang naghihintay ng sagot ang mga mukha nila. Napayuko ako.

Huminga ako ng malalim. “Do I really have to choose?”

“Yes.”

“Yes.”

Sabay na sagot ni Dark at Skye.

Muli akong huminga ng malalim. “Fine, I really don’t want to hurt each one of you but---“

“Wag mo na ituloy Lulu.” –Skye.

Gulat akong napatingin kay Skye. Si Dark naman mukhang inaasahan na ang lahat ng ito.

“Skye…” banggit ko sa pangalan niya.

“Lulu, alam ko na ang sagot.. S-Si Dark ang pinipili mo diba?” nakangiting tanong sa kin ni Skye, pero alam ko pinipilit niya lang ngumiti.

Napayuko na naman ako.

“Silence means yes.” –Skye.

Napatingin na lang ako sa kanya.

Skye’s POV

Ayaw kong marinig mismo mula sa mga bibig ni Lulu na si Dark ang pinipili niya. Alam ko na naman ang sagot eh matagal na, ayoko ng masyadong saktan ang sarili ko.

Tinap ko ang balikat ni Dark.

“Ikaw na ang bahala kay Lulu ha, pasayahin mo siya wag mo siyang paiiyakin dahil kapag ginawa mo yun babasagin ko talaga yang mukha mo at kukunin ko siya sayo.”

Dark smirks. “Kung makapagsalita ka naman parang kami na, nanliligaw pa lang kaya ako.”

Napa-smirk din ako. “Ganun pa rin yun, magiging mag-on pa rin ang kahahantungan niyo.” Tapos si Lulu naman ang binalingan ko, nakayuko pa rin siya. “Lulu…”

Napa-angat siya ng mukha at tiningnan ako. “Skye, I’m sorry…”

I smile. “Don’t be, you deserve to be happy. Alam ko na kahit laging para kayong aso’t pusa ni Dark mas masaya ka pa ring kasama siya. Pero di porket titigil na ko sa panliligaw sayo sasagutin mo na siya ha! Patagalin mo pa ang panliligaw niya mga 10 years para masaya—“

“Skye!” hinampas ako ni Lulu sa braso.

Lalo akong napatawa. “Joke lang naman Lulu, pero seriously masaya ako para sayo tsaka kahit naman maging kayo na, pwede pa rin naman kitang tawaging Lulu ko diba?”

She smiles. “Oo naman, you’re a good friend Skye.”

“That I am, sige mauuna na ko sa inyong bumalik ng cafeteria nagugutom na ko eh hahaha! Nakakagutom talaga ang mga ganitong usapan. Sige, sunod na lang kayo ha!” tapos tumatakbo akong umalis sa likod ng school. Baka kasi tumulo na ang luha ko, nakakahiya kalalaki kong tao makikita akong umiiyak ni Lulu.

Nang alam kong malayo na ako sa kanila, saka lang ako lumakad ng mabagal. Lumakad lang ako ng diretso, ayoko yumuko mamaya umiyak na talaga ako eh.

“Totoo nga ang kasabihan… One man’s pleasure can be another man’s pain.” Tapos nagtuloy-tuloy ako sa parking at hindi sa cafeteria, uuwi na lang muna siguro ako.

AN: Naaawa ako kay Skye. seriously. Hahaha

pero eto na isa pang update!

enjoy reading! :))))

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now