[TBP] ENTRY#6: Saying Sorry is a Hard Limit

4.8K 75 2
                                    

Lucien’s POV

Pagkatapos niya kong itulak, ayun umalis na siya nang hindi man lang nagsosorry. Gusto ko lang naman talaga siya pigilan. Napakababaw kasi ng dahilan ng pagkagalit niya… asar talo masyado. Pero bukod dun, mukhang may malalim pa ata siyang dahilan ng pagsuntok kay Kione. May mga narinig kasi akong iwan iwan thingy. Sino kayang nang-iwan sa kanya? Siguro siya yung dahilan ng pagiging masama ng ugali niya, o sadyang masama lang talaga ugali niya… hay ewan!!

“Uy Lulu okay ka lang? tara sa clinic tingnan mo oh ang lalim ng sugat mo sa kamay…” pag-aalala ni Skye, kinuha niya pa yung panyo niya tapos binalot sa sugat ko para mapigilan yung pagdudugo.

“Sorry ah Lucien, nadamay ka pa sa gulo namin ni Dark…” hinging paumanhin naman ni Kione, may cut pa siya sa labi lakas ba naman ng suntok ni Dark eh. Yung mga tao sa cafeteria nakatingin lang samin kanina pa ata sila nawiwindang dahil sa gulo ni Dark. I wonder kung bakit wala man lang nanaway na guard or teacher…

“Hayaan niyo na muna yun si Dark naku sigurado di na naman tayo kakausapin nun…” Duncan, habang inaalalayan si Kione, sobrang nasaktan ata kasi eh.

“Mataas pride nun, di na ko magtataka kaw naman kasi Kione bat binanggit mo pa yung bagay na ayaw niyang marinig!” panenermon naman ni Daren. Wow nanermon talaga. YUKITOOOO!!

“Oo na ako na may kasalanan pero pikon din kasi siya asar! Bitawan mo nga ko Duncan! Psh… di ako lampa!” nagalit na din ata si Kione tapos nauna na siya maglakad samin.

“Hoy san ka pupunta!?” tanong ni Skye.

“Uwi na ko! Badtrip na araw to!” sagot ni Kione sabay takbo na papuntang parking, kami naman pumuntang clinic. Papagamot ko muna tong sugat ko.

Dark’s POV

Di ko naman talaga siya sinasadyang itulak. Tapos nagkasugat pa siya, pero wala akong balak magsorry dahil alam ko wala akong kasalanan at wala din sa bokabularyo ko ang salitang sorry. >.< di na din ako pumasok ng next class, kakawalang gana. Nandito na ko sa kuwarto ko matutulog na lang ako.

*BANG!!*

Napabangon ako nang biglang may bumalibag ng pinto. Sh*t

“Ano itong nabalitaan kong nakipagsuntukan ka na naman Kierran Grey!!??” halos pasigaw na tanong ni Reminisce. Tsk. Wala talagang nakakalagpas sa babaeng to, at Kierran Grey ang tawag niya sakin ngayon dahil galit siya. Badtrip.

“He started it, I’m just returning the favour…” bored kong sabi tapos humiga na uli ako wala akong panahong magpaliwanag sa bagay na wala akong kasalanan.

“Hey don’t you dare doze at me! Kinakausap pa kita!” tapos piningot niya na ko.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now