[TBP] ENTRY#16: A Revelation

3.8K 65 4
                                    

Lucien’s POV

Nandito kami ngayon ni Dark sa Principal’s office. Wala kaming kasalanang ginawa ah, pinatawag kasi si Dark ni Miss Remi. Ang di ko lang gets ay bakit kasama pa ako. -___-

“Darky okay ka na ba talaga? Baka may masakit pa ba sayo, gusto mo magpacheck up mamaya? Tinawagan ko na si ate Memory at sobrang nag-aalala din siya sayo waaaaah Darky! Umuwi ka na lang kasi sa bahay para nababantayan ka namin!” parang batang saad ni Miss Remi tapos dinamba niya pa ng yakap si Dark. Ako, eto pinapanuod sila.

“Ate I’m fine… wag ka ngang OA!” inis na sabi ni Dark habang pilit na tinatanggal ang pagkakapulupot ng ate niya sa kanya.

“Hindi ako OA nag-aalala lang talaga ako sayo! Pero dahil masungit ka na naman okay ka na nga!” bumalik na si Miss Remi sa swivel chair niya.

“Yan lang ba sasabihin mo? Babalik na ko sa klase ko.”  Bored na ata si Dark, ngee parang di man lang natouch na nag-aalala sa kanya ang Ate niya! >.<

“Sungit mo kapatid ah, makaasta parang ikaw matanda ah…”

“May klase pa kasi kami tapos bigla mo akong pinapatawag tapos kasama pa tong babaeng to!” ani Dark sabay turo sakin. Napaayos tuloy ako ng upo nang ituro niya ko. Katakot eh. (“~~~”)

“Darky, why are you like that with Lucien ba? Dapat nga mag thank you ka sa kanya. Inalagaan ka niya kahapon habang may sakit ka! see? She’s a good friend.” Tama tama Miss Remi, dapat nga siyang mag-thank you sakin. Kaso mukang wala talagang balak to si Dark mag thank you.

“She’s not my friend.” Ouch. Di niya ko friend. >.<

“Eh ano mo siya?” tanong ni Miss Remi.

“She’s nothing but a stupid Lunatic.”

“Hoy! Sumusobra ka na ah!” di ko na napigilang di sumabat. Di niya na nga ko friend tapos nilalait pa ko! Hmp!

“Hay kayong mga bata kayo oh. Sige na shupi shupi na nga kayo dito sa opisina ko. Dun na kayo maglambingan sa labas.”

Pagkatapos na sabihin yun ni Miss Remi, nauna na kong lumabas sa kanya. Kaasar eh! Hindi na nga nag-thank you, hindi niya na nga ko friend tapos sasabihan pa kong Stupid Lunatic! Diba nakakaasar yun! Eh pero bakit ba talaga ko naaasar? Eh ganyan naman talaga yan si Dark nung una pa lang? may ipinagbago ba? WALA!!! Sabi ng isip ko. >.< napatigil tuloy ako sa paglalaka---BOOGS!

“Aray ko…” hinimas ko yung nasaktan kong ulo.

“Wala ka na bang ikalalampa pa?” sabi ni Dark na himas himas naman yung noo niya.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now