Natigilan ako saglit. I got the message as if both of us were trained to use that ability, to communicate telepathically.

“I was devastated when we didn’t have a proper ending and I've tried to reach out to you but then I stopped as I heard from my parents that you were doing great in America… I let destiny write the chapters of our life… funny because I thought about you since you were the one who believed in destiny,” sabay kaming tumawa. Hinampas ko siya ng mahina sa braso.

“You were always telling me before that if I'd get attracted to a woman, I should let you know and you'll let me…”

Muli akong tumawa dahil iyon ang madalas naming pag-awayan noon.

“When I met Hilary, I thought about you so I let my heart follows it desires, kasi I know that no matter what… you will always be happy for me.”

I couldn’t help myself but for my heart to rejoice. I have expected this and now that he told me, I am way more than happy… I am grateful.

If I could only see the scenery with my eyes,  I could probably compare it to the majestic Mayon volcano.

Eyes are windows of genuine emotions like a juggernaut of lava flowing down to melt my heart. My love for this man was a massive explosion that even ashes were everywhere I could see the blue sky.

“I hope both of you will get along,” sa pagngiti niya at pagkagalak ay siyang pagsayaw ng puso ko na isang magandang musika.

He started the engine and drove again. We started talking about our lives, about his girlfriend. I shared my experiences in the US and at first, I was hesitant but I told him about Raphael.

Umuwi ako dito sa Pilipinas na hinanda ang sarili sa kaswal na pakikitungo sa lalaki pero ngayon na magkausap kami ay para kaming matalik na magkaibigan na hindi pinaghiwalay ng pitong taon.

We were comfortable with each other, just like the old days.

Natigil ang mga taong nagsasaya sa bahay nila Grey ng makita kaming magkasama.

Lumipad agad ang mata ko sa dalawang babae na takang-taka ang mga itsura.

May susuyoin pa pala akong dalawang impakta.

Sa mga sumunod na linggo ay palagi kaming nasa puntod ni Mommy at doon nagpapalipas ng oras. Minsan kasama ko ang iilang mga kaibigan at hindi nawala sa buntot ko ang dalawang kapatid.

Hindi namin inaksaya ang oras at walang paspas ang pagkikita namin ng mga kaibigan ko pati na ang nga kakilala ko noon sa kolehiyo. Hindi ko na sila binusisi kung may free time talaga sila o baka pinababayaan na nila ang mga anak nila dahil batid ko na karamihan ay may pamilya na.

Ang Jaysiree ay walang pinagbago bukod sa nasa seryosong relasyon na at ganoon din ang kuya niya na si Jaime.

Maayos kami ni Jaime kahit pa makulit ito noon dahil panay ang pakikipag-usap sa'kin kahit nasa America ako. Inamin niyang may gusto siya sa akin pero sinabi kong hindi ganoon ang pagtingin ko sakanya. Ngayon, halos pagtawanan namin ang mga sarili sa kacheapan ng mga nararamdaman namin noon.

Looking at all of them gathered in our house I would say that I am… home.

I am home now.

Kahit hindi ako maninirahan dito for good, ang importante ay alam ko sa sarili na anuman ang mangyari ay may tahanan akong uuwian dito sa Pilipinas.

Tahanan na pwede kong balik-balikan.

Habang pinagmamasdan ang mga pamilyar na tao sa paligid ay naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay sa beywang ko.

The Parallel Red StringsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt