“I assumed they forgot to call you.”

“Huh?”

“Nasa bahay na siya with your Dad and sister,” tinanggal niya ang seatbelt saka lumabas ng sasakyan. “ Mom and Dad invited them.” Tumayo siya sa harapan ko saka binuksan ang passenger's seat.

Hindi na ako nagsalita at pumasok na. Pagkabalik niya sa loob ay sinukbit muli ang seatbelt at pinaandar ang makina.

Nagsimula siyang magmaneho. Pareho kaming tahimik at pinagmamasdan ang paligid na nadadaanan.

Sa bawat daan na tinatahak ay maraming ala-ala ang tumatakbo sa utak ko.

Halos ganito ang buhay namin noon. Sa ganitong puwesto ng sasakyan. Nagpapalitan ng mga kuwento kung ano ang mga nangyari sa araw namin. Sa mga bagay na kinaiinisan at kinagigiliwan, pati iyon ay sabay naming pinagtatawanan. We were together for almost two years not including when we were not official.

Sa ganoong kaiksi na panahon malalim ang nabuo namin. Kahit mga musmos palang kami alam kong totoong pagibig ‘yun.

Looking back, I thought it was a big loss that our relationship ended but seeing how we've grown, I think it was destined to happen for us to be where we at right now.

We were hurting each other with those struggles we faced. We barely know how to navigate in life and carry all of the setbacks while protecting our relationship.

It's fated to separate us. For room to grow.

“I know the reasons since then,” I broke the silence, “I figured out that you were investigating Peter's death. I thought you were selfish for not letting me join your suffering, but looking back, I would say you were… selfless… you have always been…”

Totoo iyon. Pati ang pagtikim ng bisyo ay ginawa niya para lang iparamdam sa kaibigan na hindi ito nag-iisa. Kahit delikado ay tinapangan niya para lang iligtas sa bingit ng pagkalugmok ang kaibigan. Kahit ang pag-imbestiga sa pagkamatay ng minamahal na kaibigan ay pinagpatuloy niya kahit pa maraming tumutol.

Bumagal ang pagpatakbo niya sa sasakyan kagaya ng oras ngayong gabi na tila mabagal para bigyan kami ng oras na makapag-usap.

“I'm sorry for not telling you,” gumilid kami at tuluyan niyang hininto ang sasakyan saka binaba ang bintana sa tabi niya kaya pumasok ang malambing na simoy ng hangin. “I was aware that you were going through something as well and I don’t want you to carry mine.”

Tipid akong tumango. “I’m sorry for not letting you carry mine, yours was heavy enough for me to share my pain with you.”

A moment of silence. It wasn’t an awkward one. The silence that I've been longing for, at peace. Tinik na nabunot sa leeg ko ang paghingi namin ng paumanhin sa isa't-isa. Alam kong matagal ko na siyang napatawad at hindi na ito kailangan pero iba parin pala kapag narinig mo mismo at nadama.

“Can,” eyes were watery, “c-can I hug you?” Nanginig ang boses niya.

Instead of answering, I unclasped my seatbelt and snaked my arms to his neck and I felt his arms pass through the upper part of my waist and it rested on my back.

“I missed you, Jess… thank you for your understanding… noon pa man I know that you have forgiven na kasi ‘ganun ka naman eh…” may maiksing tawa ang kumawala sa bibig niya kaya naramdaman ko ang mainit na hininga niya malapit sa leeg ko.

“I am forever grateful for the experience we shared, thank you for loving me… Attorney,” dinama ko siya sa pamamagitan ng mahigpit na yakap. “I am so proud of you.”

“Proud na proud ako sayo, Jess,” lumuwag na ang yakap namin at bahagyang inayos ang mga sarili. “Nakukuwento nga kita kay… Hilary,” he gave me a meaningful smile.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now