Tinalunton ng lalaki ang stage at tinanggap ang parangal. Tatlo na silang nakatayo sa stage at isang plaque nalang ang hawak ng organizer at inabot na kay tita iyon.

“Affected?”

“No–·”

“Jess Mark A. Delarama.”

Napaigting ang panga ko pero agad ko iyon pinalitan ng ngiti dahil aakyat ako ng entablado.

One thing I learned from all the battles I've faced is how to be resilient. To get up easily from a hard smack. I was able to apply that through my emotions and expression.

I stepped the stairs up to the stage as if I had not shaken earlier due to the surprises. I kissed tita Marva's cheeks before accepting the plaque.

“Maraming salamat sa suporta at pagpunta,” she kissed my face once more.

“Walang anuman po,” I smiled genuinely.

Nanlilisik na mga mata ang pinukol sa'kin ng dalawang babae. Nakatayo parin sila at ako nalang ang hinihintay na para bang magpapakuha ng litrato.

Nilagpasan ko ang lalaki kahit pa pwede namang doon na ako tumabi. Dumikit ako kay Halie at ganoon nalang ang pagkagulat ko ng sabay silang lumayo ni Yhana at tumabi sa gilid ni Grey.

Nasa unahan si Halie, sunod si Yhana at Grey. Parehas lang na pagkasunod-sunod nila kanina pero pabaliktad na ngayon.

Wala akong nagawa at tinabihan ang lalaki dahil nakakahiya! Baka kapag tinabihan ko ulit ang isa sa kanila ay magmukha kaming mga puzzle sa stage na may binubuo.

Putangina parang mga high school lang ang mga gaga!

Inulan kami ng mga pitik ng kamera na halos ikabulag ko. Maraming ibang miyembro ang tumabi upang makakuha ng litrato kasama kaming apat kaya halos masuka ako sa pagsayaw ng mga ilaw ng kamera.

Nang matapos ay agad kaming bumaba kasama ang apat.

“Akala mo ikaw lang ang magaling magtago ng sikreto ah,” pasaring ni Yhana.

“Wala talaga sigurong balak makipagkita sa'tin,” pagsolsol ni Halie na ikinangiwi ko.

“I told you to move it on Sunda–·”

“Hoy!” Maarte akong nilapitan ni Yhana na tila susunggaban ako , “wag mo kaming maenglish-english at baka sapakin kita ng heels ko!”

Naagaw ang atensyon namin sa pagtawa ng lalaki sa gilid. Natahimik kaming lahat. We were engulfed by an awkward atmosphere.

“ Tsee! Kapag hindi ka sumunod sa bahay ni Gabriel ngayong gabi ay kalimutan mo na kami!” Hinaltak ni Yhana si Halie para sumama sakanya at naiwan kaming dalawa ng lalaki.

Ang arte!

Nang makaalis ang dalawa ay napamewang ako sa harap niya. He looked puzzled. Akala siguro niya ay mahihiya ako sakanya eh siya nga ‘tong makapal ang mukha at tinatawanan ako!

“What’s funny, Grey!?”

His face brighten up. Lips parted slightly as if he was not expecting that I would call him by that.

Well, I don’t care if his ego was smashed! I won't call him Mr. or Attorney after he laughed in front of my pretty face! Talong lang naman siya dati! Ngayon? Edi abogadong talong!

“Nothing, Jess…” at tumalikod siya na may nakakabwesit na ngiti sa labi.

Aba-aba bastos. “I'm talking to you, Grey!”

I didn’t know if I was seeing right. I saw him all red as if para siyang kinikilig.

Fuck him!

Fuck me, Grey.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now