Umupo ako sa bandang unahan dahil iyon ang numero ng upuan na nakasulat sa imbitasyon. Buti nalang at may plus one ang exclusive chairs kaya umupo si Mariel sa tabi ko.

Nagumpisang magsalita sa mikropono ang host ng event. This was really a big event dahil binulungan ako ni Mariel na propesyonal at kilala ‘raw ang host.

Hanggang sa pinakilala ang mga miyembro ng organisasyon at ang mga nagpundar nito.

Puro pasasalamat ang naririnig ko sa mga magulang ni Peter.

Binabalot ng mainit na likido ang puso ko sa tuwing nakikita ang mga miyembro ng organisasyon; ina, ama, guro, doktor, estudyante, at kahit anong estado sa buhay ay nakikilahok sa ganitong uri ng kampanya. Nakakataba ng puso.

Matapos magsalita ng ginoo ay agad na kinuha muli ni tita Marva ang mikropono.

Dinaga ang dibdib ko ng pinasadahan niya ako ng tingin at tumingin rin siya sa bandang likuran ko at may nginitan doon.

Napapamura ako sa isip dahil alam na alam ko na ang susunod na mangyayari. Ito ang rason kung bakit nila ako inimbitahan. Upang parangalan. I hate the idea but I couldn’t do anything at nandirito na ako.

Inabot ng host ang dalawang plaques sa mag-asawa. Tig isang hinawakan ng mag-asawa ang plaque saka muling tumingin sa direksyon ko at sa likod.

May hawak na dalawang plaque pa ang organizer sa gilid, ibigsabihin ay apat ang bibigyan na espesyal na parangal.

“Good evening again to everyone,” pagbati muli ni tita Marva sa mababang boses.  Her deep voice was making a command. “Tonight, on behalf of all the hard-working individuals who are making waves to save people's dreams of this organization, I would like to introduce to you the major sponsors of our campaign, we wanted to express our gratitude to these kind hearts that comforted my son when we were at our absence,” she became emotional.

“They supported my son emotionally when those times that we cannot even land our eyes on him dahil sa nilamon kami ng mga propesyon namin, these people became my son’s escape. They became his family… at magpasa-hanggang ngayon ay narito sila para sa anak namin… para kay Peter,” dumalo ang tatay ni Peter para kuhain ang plaque kay tita dahil tuluyan itong naging emosyonal.

I had to bite my lips as it was trembling uncontrollably. Para akong iiyak ng wala sa oras. Seeing them doing all this to their son made me think of my Mom and Dad.

Kahit maraming pagkukulang, nariyan parin naman sila at handang punan ang puwang. Kahit wala na si Mommy ay ramdam ko parin ang pagsuporta niya sa akin araw-araw. Mahal na mahal ko sila at alam kong labis ang pagmamahal nila sa akin.

“The major sponsors of the Call for Life organization and my son's… best friends… Halie L.  Untiveros,” saad ng ginang sa nakagagalak na boses.

I was taken aback when Halie walked from nowhere and climbed up the stage. Kinuha niya ang parangal at nanatili sa itaas na parang may hinihintay.

“Yhana Sylvanna M. Castro.”

Napasinghap ako ng marinig ang pangalan ng tinataguan ko ilang araw na.

She walked delicately in her short ash dress. Her hair was free and bouncy while walking up to the stage.

She looked in my direction and rolled her eyes as if I had done a terrible thing. Her red lips curved as if there was a dark meaning behind them.

“Gabriel Grey T. Gil.”

Hindi ko napigilan ang mapasinghap at muling dinaga ang dibdib ko ng tinawag ang lalaki at naramdamang may tumayo mula sa likod ko.

Nakita ko ang pag-ikot ng ulo ni Mariel saka ako siniko at pinukulan ng makahulugang ngiti. Siniko ko siya pabalik kaya natawa siya.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now