That pained my heart. Ganoon siguro tayong mga tao ‘no? Sinisisi natin ang mga sarili sa mga bagay na hindi naman natin kayang kontrolin. Kagaya ko at kagaya ni Grey ay sinisi namin ang mga sarili ng mamatay si Peter.

At hanggang ngayon ay may mga tao paring sinisisi ang kanilang sarili sa pagkawala ng lalaki. Ang mga magulang ni Peter na siyang nagpundar ng Call for Life organization ay may malalim na dahilan kaya patuloy sa paglayag ang kampanya.

Kailangan nilang patawarin ang mga sarili upang mas maging masaya sila sa pagtulong sa kapwa. Kagaya ng pagpapatawad ko sa sarili na hindi ako isa sa dahilan ng pagkawala ni Peter.

When I was at the bridge of blaming myself for Peter's demise, Mariel couldn’t help but reveal the truth.

Peter didn’t intend to do it that night. Wala siya sa katinuan ng mga oras na iyon dahil nakadroga siya.

Since Mariel's father was the governor at that time, it was easy for them to access the cctv footage in the place of the incident.

Ang tulay na nakapaibabaw sa malagim na ilog.

Nagragasa ang ala-ala sa utak ko at lumikha iyon ng klaradong litrato.

Grey's hair swiveled in the cold breeze of the air while looking darkly into the river and he was with the four policemen.

Kaya halos wala na siyang oras sa akin noon dahil siya ang naglakas loob na imbestigahan ang nangyari sa kaibigan.

Sa cctv na pinakita sa'kin noon ni Mariel ay makikitang may kasama si Peter na lalaki at humihithit ng sabay sa tulay.

Sa pagkakaalala ko ay nakita kong umaamba si Peter na tumalon sa tulay pero pinipigilan siya ng kasama niya. Hanggang sa tumayo muli si Peter sa mataas na bahagi ng tulay saka may lalaking tumakbo palapit sa puwesto ng dalawa at tinulak si Peter dahilan para tuluyang malaglag ito.

Ang kasama ni Peter ay agad na hinablot ang teleponong nakalagay sa pasimano ng tulay saka may tinawagan.

Kung hindi ako nagkakamali ay nagtalo ang dalawa hanggang sa tila nagkaroon ng kasunduan at umalis sa bangungot na tulay at hinayaang malunod ang kasama.

When I saw that footage seven years ago, I freed myself and convinced myself that I did the right thing. If Grey answered the call and he went there, fate would be different.

The immense pain in my heart was unbearable when I found out that Peter could've been saved. Hindi totoong tuluyang sumuko si Peter. Sumasagi sa isip niya ang magpatiwakal pero ang nangyari ay hindi inaasahan…

He didn’t want to end his life, he just wanted to end the… pain.

Ang isyu na iyon ay lumikha ng malaking eskandalo lalo na at ang ama ni Peter ay matunog ang pangalan sa larangan ng medisina.

Pinili ng mga magulang ni Peter noon na manahimik sa mga isyu kaysa kumpirmahin sa mga tao na ang anak nila ay posibleng nagpatiwakal, biktima ng pinagbabawal na droga at pinatay ng anak ng doktor na pinaglilingkuran ng ama ni Peter.

Kaya simula noon ay wala akong ginawa kundi intindihin noon si Grey dahil siya ang nagpatuloy ng imbestigayon para bigyan ng hustisya ang kaibigan… pero may limitasyon din ako, napagod din ako.

At ngayon na nabigyang hustisya si Peter ay masaya akong malaman na pilit na binabago ng mag-asawa ang mga pagkukulang sa anak kahit sa ganitong paraan.

Totoo pala talaga na sa bawat paglakbay natin ay may kaakibat itong malalim na istorya at inspirasyon kaya nararapat lamang na hindi tayo magpadalos-dalos sa panghuhusga ng ibang tao.

“We’re here,” Mariel's voice pulled me back from drowning in my thoughts.

May kalakihan ang venue at nagulat ako na tila pinaghandaan ang event na ito.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now