Hearing this confirmation was a relief from my tired heart. For the first time in seven years, I have felt a feeling of total peace. To know that her love was never torn into pieces.
Naramdaman ko ang mainit na hagkan ni tita kaya hinayaan ko ang sarili na dumaloy ang emosyon ko.
My Mom was not just the best mother, she impacted someone's heart, she had a best friend who witnessed her purity.
Bahagya kaming natatawa ni tita habang umiiyak. Pinunasan ko ang mga luha at ganoon din ang ginawa niya.
“Mom, why are you crying?”
That voice made me shiver inside. I composed myself as I knew that I couldn’t avoid him anymore.
“No, tears of joy ‘to, Gabriel.”
Nanunusok ang mga tingin niya kaya hindi ako makatingin ng diretso. Huminga ako para pakalmahin ang sarili. I have prepared myself in this situation. Pero bakit ba kasi ganyan siya makatingin?!
“Jess, I'll just do a retouch sa rest room,” tumayo siya mula sa pagkakaupo. “Sit down, Gabriel.”
Oh gosh, really?!
Pakiramdam ko ay naisahan ako ng mag-asawa. Naging komportable ako dahil hindi naman nila pinaguusapan ang anak nila maliban sa eksplinasyon kanina kung bakit sila nakabakasyon rito. Pero ano ‘to at parang sinadya nilang magkita kami at mag-usap!
Rinig ko ang pag-upo niya. Nakaharap sa akin ang puwesto niya. Inabot ko ang baso na may lamang tubig at nilagok iyon.
“Uhm…”
Napatingin ako sakanya at ganoon nalang ang pagkagulat ko ng magtama ang mga mata namin. Naka-awang ang mga labi niya na mababanaag ang pagkabalisa.
“Vacation?”
Tangina. Sa pitong taon ‘yan lang ang maririnig ko mula sakanya?
Ano ba ang gusto mong marinig?
“Yes.”
Pinakalma ko ang sarili. Ano ba ang inaarte ko gayong alam ko sa sariling hindi ko naman talaga siya iniisip na sa mahabang panahon. Sa tagal ng nakalipas ay ni galit, inis, pagmamahal ay wala na akong maramdaman para sakanya. Sa nakalipas na pitong taon nagawa kong hindi mangulila sa presensya niya.
Tapos ngayon ay mag-iinarte ako ng ganito?! Tanga!
“Kamusta ka?” Inaayos niya ang pinggan sa harapan at sumasandok ng pagkain. Halos mapuno ang plato niya.
Ang takaw parin pala–·
Marahas kong tinakwil ang pagiisip ng mga bagay patungkol sakanya. “Great…”
Natutop ko ang sarili ng mapagtantong tag-iisang salita lang ang naisasagot ko sa lalaki! Hindi ganito ang preparasyon ko sa muli naming pagkikita. Alam na alam ko sa sarili kong kaya kong maging kaswal sakanya dahil wala na talaga akong nararamdaman.
"I just earned my Master's degree in Psychology and still planning to enter a career in the aligned field even though I'd probably take over the company of our family,” I wanted to make him feel that I was not affected by anything. By his presence. “Ikaw?”
Gumalaw ang mata niya at tinusok ang akin. “I’m a lawyer now and planning to create my own Law firm,” binaba niyang muli ang tingin sa pagkain.
He started to chew the food and for God’s grace, he was hot!
Binaba ko ang tingin at kinuha ang cellphone. I don’t want to describe his features so I should not look at him again. Hihintayin ko nalang si tita para makapagpaalam na.
Hindi kagaya noon na halos kabisaduhin ko ang bawat anggulo ng mukha niya kapag nakatingin ako.
Ang mesa namin ang pinakatahimik sa loob ng restaurant hanggang sa bumalik si tita. I didn’t waste any time at nagpaalam ako.
“Our flight is at five o'clock.”
Dinaga ang dibdib ko ng tumayo ang lalaking kaharap at pinantayan ako ng tingin. Hakab na hakab ang polo sa katawan niya at kita ko ang maskulado niyang mga bisig lalo pa't naka tupi ang sleeves hanggang siko.
“Ihatid–·”
Mukhang may gusto siyang sabihin pero natigil siya ng ilahad ko ang kamay sa harap niya. “It’s great to see you again, Mr. Gil.”
I saw a pang of pain pass through his dark amber eyes when I called him that. Hesitantly, he reached for my hand and shook it as if he was holding a gross mud. The pain in his eyes was still visible but I ignored it as I walked past them and went outside.
Nakasalubong ko pa si tito Gary na panigurado akong sinadyang hindi pumasok sa loob kanina pa. “Jess, are you leaving now?” Tinanguan ko siya kaya nagsalita ulit siya. “Ipapahatid ko na kayo kay Gab–·”
“We booked a car already, tito… but thank you for that.”
Totoo iyon dahil paparating na ang kotse at nag text narin sa'kin si Ferdinand na handa na sila ni Victoria at ang mga gamit. Maaga ang punta namin kahit pa alas singko pa ang flight.
Kaunting paalamanan pa saka ko nilisan ang harap ng restaurant at naglakad pabalik sa hotel.
Kagaya ng utak ko na nakikipaglaro ay binabaliw ako ng puso ng makaramdam ng kakaiba ng makita ang pagguhit ng sakit sa mata niya kanina. Bakit ‘ganun ang reaksyon niya? May nararamdaman pa ba siya sa akin? Imposible.
Napakatagal na noon at imposibleng hindi parin siya nakakaahon.
Maybe he was offended by how casual I was with him. That I even called him by his last name. I mean, he is a lawyer now! A first-name basis would not be appropriate lalo na ay hindi naman na kami… close.
Dumaplis ang tingin ko sa bulkang Mayon. Sa paghagilap ng mata ko sa napakarikit na tanawin ay siyang paglikha ng pagkukumpara ng utak ko.
Kagaya ng Mayon na tahimik ay may tinatagong emosyon sa kailaliman. Ang magandang anyo sa labas ay ang init na kumukulo sa loob.
Kahit gaano katagal ang pananahimik ay anumang oras ay maaari itong mag-alburoto at kapag nangyari iyon lahat ng nakapaligid sakanya ay malalaman iyon at… mararamdaman.
I have busied myself for so long and convinced myself that I have no feelings for him but when I saw him in pain earlier as if he was longing for me… I felt like I would explode anytime.
Kahit pilitin kong piringin ang sarili ay magsisinungaling ako sa sarili kung sasabihin kong hindi na ako naaapektuhan. Dahil alam ko sa sarili na kahit kaunti ay nakakaramdam ako ng panghihinyang, pangungulila at pagmamahal.
Panghihinayang sa aming naumpisahan na nahinto dahil sa bagsik ng tadhana. Pangungulila sa atensyong sakanya ko lang naranasan. Ang mga simpleng pag-asikaso, paghagkan at halik ay lubos kong kinaulilaan sa espesyal na tao. Pagmamahal…
Pagmamahal na nagtago lamang pero hindi tuluyang napuksa. Kagaya ng Mayon, nanahimik lang sa mahabang panahon at anumang oras ay pwedeng sumabog.
I have to do something. This can't be happening. Tama na ang mga sakit na naramdaman ko noon.
Our love was a lesson that if something does not belong to me from the very beginning, I should end it before it started. Dahil alam kong sa huli ay masusugatan at masasaktan lang kami pareho.
***
Thank you for making this farrrr!! One more chapter!
ESTÁS LEYENDO
The Parallel Red Strings
Ficción General"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 39
Comenzar desde el principio
