Ikaw ba naman ang lumaki sa tahanang afford ang kumuha ng private nurse at doctor.

“Calm down,” umupo ako at kinuha ko ang bag sa gilid saka kumuha ng tableta doon.

Wala pa man akong sinasabi ay agad akong inabutan ni Victoria ng bottled water.

I nodded at her saka ininom iyon kasabay ng tableta. “Just meds, sleep, good to go later…”

“Aren't we calling a doctor?”

Sumasakit ang ulo ko dahil sa pagtawa kaya sinenyasan ko na silang umalis sa harapan ko saka ako natulog na.

Sikat ng araw ang gumising sa akin. Ramdam ko ang maligamgam na enerhiya sa mukha ko dahil sa sinag na humahalik sa akin.

It was warm and peaceful. How I wish I could wake up like this every single day of my life. My eyes gradually opened and I was stunned by the scenery.

The perfect cone volcano was looking at me as if she was waiting for me to wake up just to praise her beauty.

She was majestic.

I neared the open balcony of our hotel. The strand of light from the fireball embraced me while the fresh air was alluring me to go back to sleep.

The view was ineffable.

Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal nakamasid sa bulkan at kung ilang bidyo at litrato na ang nakunan ko. Nanumbalik ako sa pag-iisip ng mapagtantong alas otso y media na ng umaga at wala akong kasama sa hotel.

Nasaan sila?

Tinawagan ko si Ferdinand. Sinabi ko nalang na susunod na ako para sabay-sabay kaming mag almusal sa baba.

Dinala nila ang ugaling pang-amerikano at nagjogging pala ng maaga. Americans love to go for a jog. We Filipinos? We love to eat!

Magaan na ang pakiramdam ko. Pagod lang talaga ang naramdaman ko kagabi kaya nagkasinat ako. Ang Mayon lang pala ang gamot, edi sana pinailawan ko siya kagabi ng flashlight para nakita ko kaagad ang ganda niya.

I laughed at my cringe joke.

Nang masigurado kong presentable ang itsura ko ay lumabas na ako na tanging wallet lang ang dala.

Nagusot ang mukha ko ng makitang maraming tao ang naghihintay ng elevator pababa. Nagmistulang pila sa LRT ang hallway.

Nakita kong under maintenance ang ibang elevator kaya nagtitiis ang lahat sa dalawang elevator na umaandar kaysa maghagdan mula 14th floor tungo sa ground floor.

Pumila agad ako. Naramdaman kong may pumila agad sa likod ko at halos sunod-sunod na iyon. Tumunog ang isang elevator indikasyon na pwede ng pumasok doon. Ganoon nalang ang pagkadismaya ko ng ang nasa unahan ko ang pinakahuling kakasya sa elevator.

Wala akong nagawa kundi antayin ang pagbukas ng ibang elevator. Pansin kong marami parin ang nakasunod sa akin.

“I’ll be there in a bit, governor.”

A deep voice said. It was in a low tone and I fought the urge to look back as I was so sure that it was the person behind me. From the blurry reflection of the elevator, I can tell that the guy behind me was talking to someone over the phone.

Tumunog ang elevator na nasa harapan ko at bumukas iyon kaya agad akong pumasok.

Pumuwesto ako sa pinakadulo para bigyang daan ang mga papasok.

I was taken aback when I saw a tall man entering the elevator. His lips parted when our gazes met.

I dropped my eyes to the floor immediately. Until the elevator has been packed by humans. The whole journey down the floor was silent.

Hindi ko alam kung tahimik ba talaga  o saglit akong namatay. Nang bumukas ang elevator ay halos makipagsiksikan ako para lang makalabas agad dahil ramdam ko ang nanunusok na tingin mula sa lalaking nasa likod ko kanina sa pila.

I probably imagining things right now. Maybe the majestic volcano cast a spell on me to make me insane which resulted in hallucinations.

This was impossible!

Hanggang sa malapit na ako sa bukana ng hotel ay pakiramdam ko ay tinutusok parin ako ng mga mata mula sa likod ko.

Siya ba talaga iyon? Imposible!

Namilog ang mga mata ko ng makita ang mga kapatid ko na papasok sa hotel at handa na akong salubungin.

Nakakaagaw pansin ang anak-araw balat nila na kasing kulay ko. Pansin ko rin na kaunti nalang pala ay mas magiging matangkad na si Ferdinand kaysa sa akin. Habang lumalaki siya ay mas lalo niya akong nagiging kamukha or should I say, mas nagiging kamukha namin si Dad. Victoria on the other hand has soft features similar to the princesses back in the day. She got it from her biological mother. Mapusyaw na kutis lang ang nakuha niya kay Dad.

I shouted inside my head and praying that both of them will receive my message telepathically.

Don't say my name!

Pero ano pa ba ang aasahan ko sa mapaglarong tadhana na bata palang ako ay ako na siguro ang paborito.

“Kuya, Jess!” Both of them said in chorus.

Damn.

“Are you still sick?” Ferdinand asked when they neared me.

I just shook my head not wanting to utter a word as that might be the confirmation of my identity to the guy behind us.

“Kain na tayo!” Pag-aya ni Victoria sa imported na accent.

I slowly turned my body to face his direction as that was the direction to the buffet area of the hotel.

My eyes tried their best not to land on him. I faked a smile while looking at my siblings.

Nilagpasan ko siya ng hindi tinitingnan. Halos dumikit ang parte ng katawan ko sa balikat niya dahil nakaharang siya sa daan na parang naging istatwa.

I didn’t invest to look at his reaction. It must be a random guy. Maybe my mind was just hallucinating that it made me think that he was someone I'd known in the… past.

***

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now