Tinarayan ko silang tatlo. “Let’s meet on Friday.”

“Bukas na agad at sasabihin ko kay Yhana,” singhal niya mula sa telepono. “At magpapaalam na ako sa asawa ko.”

“Asawa? Kasal na?” Pangungutya ko.

“May anak na kami, bakit ba!?”

“That's the problem, inuna ninyo yung anak kaysa sa kasal,” pagbibiro ko ulit.

“Wag mo akong maenglish-english at isusumbong kita kay Ken!”

“Ako, tinakot mo kay Ken? Huh!”

Muli siyang tumawa sa kabilang linya. “We’re getting married,  kaya umuwi ka ulit sa December ah, tangina ka subukan mong hindi umuwi ulit ng pitong taon!”

Kinagat ko ang labi upang pigilan ang hagalpak na tawa dahil ramdam ko na ang mga matang nakatingin sa akin na para bang gusto na nila akong kaladkarin palabas ng hotel.

“Ano, bukas na nga!”

“I said Friday, ipapasyal ko muna ang mga kapatid ko.”

Sa huli ay napapayag ko si Halie na sa biyernes na kami magkita at nakiusap akong huwag na munang sabihin kahit na kanino ang pag-uwi ko lalo na kay Yhana na paniguradong raratratin ako.

For Pete's sake, I want to rest first! Alam kong nakakabigla ang pag-uwi ko sa mga taong kakilala ko dahil pitong taon ba naman akong walang paramdam. Hindi ko rin akalain na uuwi ako ngayon.

Nang sumunod na dalawang araw ay tinupad ko ang kahilingan nilang tatlo. Sa unang araw ay kasama namin si Dad sa La Union, Tarlac, at Baguio. Sa pangalawang araw ay nanatili na muna siya sa bahay dahil bahagya niya rin pinapaayos ang bahay namin para masigurado ang pagpreserba niyon.

I invested all my attention to my siblings. Bukod sa pagiging tour guide  ay nagmistulang historian din ako dahil isinasalaysay ko sa kanila ang mga kaalaman sa bawat lugar na pinupuntahan at maging ang mga delicacies na kinakain ay pinapaliwanag ko pa.

On our second day, we went to Batangas and Tagaytay.

At ngayong pangatlong araw ay naging lantang gulay ako dahil sa request ng dalawa kong kapatid. We planned to stay here for two days and one night.

They told me that when they were in the US, they did research about the best places to go in the country. At isa  ang Bicol doon upang makita nila ang Mt. Mayon sa Albay.

We took a plane to shorten the travel time. Ngunit dala ng pagod ko kahapon ay para parin akong saluyot na wala ng buhay. Samantalang ang dalawa ay ‘ni hindi napapagod!

Fuck, tumatanda na ba ako?

Matapos ang mga nakakasukang activities tulad ng zipline ay namalagi na muna kami sa hotel dahil para akong lalagnatin. Dumagdag pa ang hilo ko sa elevator dahil ang pinakamataas na palapag ng building ang pinili ni Ferdinand nang sa gayon ay matanaw raw nila ng maayos ang bulkan.

“Kuya, you're hot!”

“I know right,” tamad kong binagsak ang katawan sa kama.

“Shit not that,” he then touched my neck again and he rested the back of his palm on my forehead. “You’re temperature I mean,  you're sick!”

Hindi magkanda-ugaga ang dalawa kaya tumawa ako. Pinakiramdaman ko rin ang sarili at nakumpirma kong may sinat nga ako dahil nag-aapoy ang gilid ng mga mata ko.

“Why are y-you laughing?!” Ferdinand's voice trembled as concern wrapped around his aura.

Marami akong tinuro sa kanila kung papaano harapin ang mga hamon sa buhay pero ang mag-alaga ng may sinat? Hindi. Para silang mga tanga na hindi alam ang gagawin.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now