Hindi nila ako ginagantihan sa mga pasaring ko at hindi sila lumalayo kahit pa pinagtutulakan ko sila. Inuunawa nila na ang nararamdaman ko ay tama lang. Na tama lang dahil hindi naman talaga madaling tanggapin ang lahat para sa akin. At sa kabila ng masasakit na salita ko sakanila ay ‘ni kailan hindi sila sumagot ng pabalang. Nirespeto nila ang emosyon ko.
Sa totoo lang napapaisip ako sa mga kilos ko. I should be grateful that I had a chance to have a Mom for almost two decades samantalang sila ay hindi man lang umabot ng kalahating dekada.
Walang kinagisnan na ina pero may mabubuting ugali at matatas ang mga pag-iisip.
Siguro kailangan kong subukan na ituring sila na… kadugo dahil kahit itanggi ko man ay nananalaytay sa aming mga ugat ang magkatambal na dugo.
They are my siblings. Maybe, I have to accept it already that I have a… little brother and sister.
Kahit magkaiba ang aming mga ina, iisa ang ama namin. At kahit sa maikling panahon ay naging ina nila ang Mommy ko. Inalagaan sila ni Mommy sa maikling panahon na parang kagaya ko… isang tunay na anak.
Ang hiling ni Mommy ay kailangan kong tuparin.
Siguro kahit paunti-unting pagtanggap.
When I was sure no one was outside, I stormed back to bed. I plugged the charger to bring the phone back to life.
I pressed and held the power button and I was relieved when it lit up. A hard reset was no longer needed that would wipe all of the data of this precious device. It was swipe to unlock, fortunately.
I ran my fingers to the gallery and there I saw plenty of faces of her. Buti nalang mahilig siyang magpicture.
Kita ko ang mga litrato niya kasama sina Ferdinand at Victoria na sayang-saya. Marami iyon. I tapped my finger on the last video she had on the phone.
Mukhang si Daddy ang kumukuha ng bidyo dahil rinig ko ang malalim na tawa niya habang si Mommy ay nakikipaglaro sa dalawang bata.
My heart was rejoicing in sadness. She was smiling and laughing which made my heart delightful. However, my heart pumped a pain at the same time knowing that those smiles and laughs would never be felt by my senses again.
“Mom, I'm excited to see, Kuya!” Sigaw ni Ferdinand at lumambitin sa bisig ni Mommy.
“He will like you, especially you look like him,” binaba niya ang bata dahil mukhang nabibigatan siya. “He is so kind and smart,” pagmamalaki sa'kin ni Mommy.
Hinayaan kong tumulo ang luha ko. Kahit saan at kanino handa akong ipagmalaki ng aking ina. Her trust in me was immensely vast. Kaya nga lumipad siya sa Dubai dahil alam niyang kaya ko. Alam niyang responsable ako.
She was the reason why I strived to become the best version of myself and she will always be the reason for me to climb higher.
The video ended but my tears were a sphere. Infinite. I scrolled the screen from up to the bottom to see the old photos.
My fingers became paralyzed when I saw a familiar figure in the photos.
I clicked the photo.
The side of my lips is slightly curved. I couldn’t help but smile when a memory flashed in my mind vividly.
Ang unang beses na nahuli kami ng aming mga magulang na magkasamang natutulog sa iisang kwarto. Magkayakap at walang damit ang kayakap ko. Mas lumapad ang labi ko ng maalala kung ano ang nangyari ng gabing iyon bago kami nahuli na magkayakap kinaumagahan.
We shared passionate kisses. When our love was overflowing like a free river.
I was so sure tita Alhena had one of these types of photos of us since she was holding her phone as well at that time and taking pictures of the vulnerability of me and her mighty son.
Kamusta na kaya siya? Tinitingnan niya kaya rin ang mga litrato namin?
We didn’t have a proper closure. Ang huli naming pag-uusap ay noong nasa ospital ako at pinagtulakan ko siya palabas.
Bukod sa mga pagte-text niya sa akin na hindi ko naman sinagot ay wala ng ibang komunikasyon at tuluyang nakalambitin kung ano ba kami.
Kung ano ba talaga ang estado namin… tapos na ba talaga? Tapos na nga siguro.
Wala na siyang paramdam sa akin kahit sa text. Napagod na siguro.
Ang ngiti ko ay napalitan ng mapaklang awra. He was impatient huh?! Samantalang ako halos sampung buwan hindi sumuko na kakatext, tawag at pagbisita sakanya kahit para akong hangin na dadaan-daan lang.
Ano ba ‘to? Ako naman ang tumapos bakit parang isinisisi ko sa iba?!
Nilagay ko ang phone sa bedside table at hinayaang mag charge iyon.
I know that this pain will subside over time.
He will be fragments of my past.
I stood up and faced the full-body mirror inside of my room. My eyes ran through every inch of my features.
For my Mom, I would fulfill her wishes. I would be the best version of myself.
***
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 36
Start from the beginning
