Sa panaginip na lamang.

Narinig ko ang pagtatalo ng mga kasama ko habang nakaupo kami at hinihintay ang paglayag ng eroplano.

Nakaririndi ang boses nila. Kahit wala silang sabihin na masama ay para sa akin ay nakakagalit ang tinig nila.

“I'll sit next to kuya Jess,” sabi ng bata.

“No, sit beside me,” Ferdinand patted the space beside him to have his sister sit there.

Walang nagawa ang batang babae at sinunod ang kuya niya.

Tinarayan ko silang dalawa sa inis ko. “Shut up!” Pinandilatan ko sila kaya naitikom nila ang mga bibig.

Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa kanilang dalawa at maging sa tatay nila!

Kahit kating-kati akong sumbatan si Dad ay pinipili kong magtimpi dahil gusto ko parin siyang respetuhin at may sakit siya at bawal ang maistress. At higit sa lahat pinapaalala ko sa sarili ang kahilingan ng aking ina.

“Let’s go,” nilapitan ako ni Dad at iminuwestra na sumunod sakanya at para sabihing umakyat na sa pribadong eroplano na nakareserba lang para sa aming apat at sa isang private nurse at lawyer na kasama namin papunta sa destinasyon. “Hali na kayo ng mga kapatid mo,” dagdag pa niya.

Ngumiti ako ng mapakla. “They’re not my siblings, Dad,” I walked passed him and followed the private lawyer, instead.

Iniwan ko silang tatlo. Nakaalalay naman sakanila ang private nurse na kasama.

At isa pa, sa abogado ko gusto tumabi ‘no!

Halos pukpokin ko ang sariling ulo ng may naisip akong dapat hindi ko na isipin. Parang gusto kong sipain ang likod ng abogadong sinusundan ko para sisihin siya dahil pinaalala niya sa'kin ang taong kailangan ko ng kalimutan!

Marahas akong umupo malapit sa likod ng eroplano. Malayo sa kanilang lahat. Sinukbit ko ang makapal na headphone sa ulo ko at pinaandar ang nakakabulabog na musika sa mga tainga kong pagod na makarinig ng mga boses mula sa mga taong ayokong mahimigan.

Sa pagkatuliro at bilis ng mga pangyayari nabanaag ko nalang ang isang malaking watawat na sumasabay sa agos ng hangin.

Ang malaking watawat na maraming bituin ay kumakaway sa akin na para bang kinagagalak ang pagdating ko rito.

Naparam ako sa pagkilos at inisip kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin dito sa Estados Unidos.

In the murky of life,  I might have to let go to ease the pain….

 

Sa bawat paglipas ng mga araw at gabi ay siyang tuluyang paglayo namin ni Grey sa isa't-isa. Hindi lamang sa damdamin dahil maging sa distansiya sapagkat tunay na magkaiba na kami ng dako.

Ako ang nagpaalis sakanya sa buhay ko pero bakit parang nagsisisi ako. Na umaasa akong babalikan niya ako dahil alam niya kung gaano ko siya minahal.

Hinayaan niya akong magluksa kagaya ng ginawa ko noong pinagluksaan niya ang kaibigang si Peter.

Kagaya ko noon, paminsan-minsan kinakapa niya ako sa mga simpleng pagkamusta niya sa akin sa messages sa social media accounts ko at maging sa text. Pero hindi na lumagpas doon.

At alam ko na ang patutunguhan nito. Kaya ngayong maaga palang ay hinanda ko na ang sarili. Alam ko na kung saan kami tungo kaya ngayon palang ay kailangan ko ng sumuko.

I have to let go to ease the excruciating pain. Kahit mabawasan man lang. Makakalimutan ko din naman siya sa paglipas ng mga panahon. Ngayon ay hindi ko kayang ipagpatuloy kung anong mayroon sa amin dahil hindi ko kayang mag-isip gayong malayo na kami.

Kailangan kong bawasan ang bigat sa loob ko para makalipad ako. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagtapos ko sa nasimulan naming pagiibigan.

I have to let him go.

Alam ko namang darating kami sa ganitong sitwasyon. Noon pa man ay ramdam ko na iyon, pinilit ko lang ang sarili na piringin ang mga mata sa katotohanan.

Mula sa mga mapanghusgang tao ay halos pandirian kami. Hindi ko matiis na kailangan ni Grey sikmurain ang mga panlalait para lang iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal at handa niya akong ipagtanggol kahit pisikalan.

Ang mga pangamba ko noong nasa gitna kami ng daan ng ipagtapat niya sa akin ang nararamdaman. Kahit pa binigyan ko siya ng tyansa ng araw na iyon ay alam kong maaaring pansamantala lang ang lahat. Pinahiram lang.

Noong araw na marinig ko ang mga prediksyon ni tita Alhena. Hindi nga siya nagkakamali at hindi talaga kami ng anak niya ang para sa isa't-isa hanggang dulo.

Kahit mahal namin ang isa't-isa ay hindi kami magtagpo sa gitna. Malapit lang kami pareho pero hindi maaaring magsalubong.

Kailangan ko ng bumitaw.

I have to let him… go.

As the clouds from above, letting go of darkness and heaviness in the pouring rain…

I know this would not be a smooth lane. This would be a tough journey where the direction is pure soil that if the rain pours, I might stumble upon and fall into the ground and a pile of mud might stain my entity.

However, mud might be all over me while walking in the lane as the clouds pour a hefty rain… I know that along the way…

The rain shall stop, the mud will dry and a rainbow will be up in the sky.

By that time, both of us will be the birds we always dreamed to be… navigating through life and will continue to fly.

***

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now