Mas lalo siyang napapailing sa mga sinasabi ko. Tila matutuliro kaming dalawa sa loob ng bahay. Ang bahay na tinitiis ang mga pagtangis namin. Ang tahanan na noon pa man ay tiniis na kaming dalawa.
Tama. Kaming dalawa lang. Kinaya na naming mabuhay ng wala ang hari sa metaporang palasyo na ito. Hindi namin siya kailangan. Kung kinakailangan kong magtrabaho para saming dalawa ni Mommy ay gagawin ko.
“We're staying here…”
“No, Jess,” hinawakan niya muli ang magkabilang pisngi ko. “Walang kasalanan ang mga bata… tumatanda na kami ng Daddy mo, Jess… ayokong magsisi tayo sa huli…”
Ginaya ng ulo ko ang kanyang tinuran kanina na marahas ang pag-iling. Dahan-dahan akong tumayo at inalalayan si Mommy pero hindi niya ako dinaluhan at nanatili siyang nakalupasay sa sahig.
Umangat ang tingin niya sa akin. Puno ng luha ang kanyang mukha. “K-kailangan kong bumalik para sakanila… para ituloy ko rin ang pagpapagamot ko.”
Napasabunot ako sa sarili. Hindi! Hindi siya babalik ‘ron para araw-gabing alalahanin ang pagtataksil ng kaniyang asawa. Para alagaan ang bunga ng kasalanan ng lalaking iyon!
“I can work, I can stop attending school for the meantime!” Determinado kong sabi kahit hindi ako sigurado sa bukas na naghihintay sa akin… sa amin ng ina ko.
“ ‘mmy,” marahas akong lumuhod muli para pantayan siya. Hinawakan ko ang mga kamay niya at pilit na nagmamakaawa. “Ako ang magpapagamot sayo… dito nalang tayo.”
“Hindi mo ‘ko naiintindihan… walang kinagisnan na nanay ang mga batang iyon at natukso lang ang Daddy–·”
“Natukso?! Dalawang beses nag anak?!”
I tried to lower my voice but I couldn’t. I wanted to let her know that she should not be too soft. She was betrayed!
“Hindi na mahalaga sa akin iyon–·”
“Wala rin akong tatay na kinalakhan!” Panunumbat ko. “Kaya pati ako ‘mmy napagsasamantalahan dahil sa ganyang ugali mo na kinasanayan ko!” Tumayo ako para bahagyang lumayo sakanya. “Pagod na ako maging katulad mo ‘mmy, tanggap nalang ng tanggap ng kasalanan ng iba at puro pagpapatawad!”
Nakita ko ang pagtayo ng aking ina na walang ekspresyon sa mukha at nagtatagis ang mga panga. Walang anu-ano'y naramdaman ko ang mabigat niyang palad sa pisngi ko na lumikha ng malakas na tunog.
Hindi ko naramdaman ang sakit sa pisngi sa ginawa niyang pagsampal. Ang hapdi ay lumapat sa puso ko at kaluluwa. Sa matalas niyang tingin sa akin ay parang milyong beses na sinaksak ang dibdib ko ng matulis na itak.
Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang ganoong sakit. Ngayong gabi ko naranasan ang mapagbuhatan ng kamay ng sariling ina.
Manhid ang pisikal na katawan ko at walang kirot ang nabuhay dahil ang kirot sa kalooban ay nakamamatay sa sakit.
Ang mga luha naming dalawa ay parang ritmo ng malungkot na tula o nobela na sabay ang pagragasa at pagpatak sa sahig na kanina pa kami dinadamayan sa paghihinagpis.
Sa mga sumunod na araw ay naging ako si Sisa na nababaliw sa paghagilap kay Crispin at Basilio.
Halos araw-gabi akong nakalugmok sa kwarto at ‘di magawang idampi ang balat sa sinag ng araw o sa pagsilip ng buwan.
Hindi ko narinig ang boses ng aking ina at hindi ko alam kung narito pa ba siya o lumipad na palabas ng bansa. Walang imik si Tita Christy na walang pagod sa pag-asikaso sa akin.
Nahihiya man ako dahil nagmukha akong baldado na kailangang hatiran ng pagkain sa kwarto ay hindi ko na inisip iyon. Ang importante ay kaya kong manatili sa kwarto ng buong araw na puro pagbabasa ng libro ang inaatupag.
Hindi ko binuksan ang cellphone simula ng gabing iyon. Wala akong kailangan na kahit ano o sino.
Apat na araw ang nakalipas matapos ang gabi ng kompetisyon. Ang pagkatalo ko sa patimpalak. Ang pagharap kong muli sa nobyo kong halos bulalakaw ang dalas sa paghagilap. Ang mga rebelasyon sa pamilyang inakala kong halos perpekto.
Pamilyang kahit hindi kumpleto sa paglaki ko pero alam kong ang pagmamahalan ng dalawang nilalang ay lubusan. Nagkamali ako. Sa napakatagal na panahon ay punong-puno pala iyon ng kataksilan.
Apat na araw na ang nakalipas pero ang sakit ay kasing sidhi na parang nakulong ang katawan ko sa gabing iyon at nakatali ako sa makapal na kadena at hindi makatakas.
Sumitsit ang pinto ng kwarto ko pero hindi ko na inabalang tignan kung sino ang pumasok.
Malalambing na hakbang ang narinig ko. Hanggang sa naramdaman kong lumubog ang kama malapit sa parte ng ulo ko.
Hindi ako gumalaw at nanatiling nakayakap sa unan na nakatakip sa aking mukha. Pinilit ko magkunwaring natutulog.
Ilog na rumagasa ang luha ko sa mata at ramdam kong agad na nabasa ang unan na hagkan ko nang magsimulang humaplos ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko.
Tila hinehele niya ako sa nakakapagod na mundo. Pinapagaan ang mabigat na pasan.
Sa bawat haplos niya ay ang pagtakbo ng magagandang ala-ala sa utak ko na kasama siya.
Ito ang minahal ko. Siya nga ito. Bumalik na siya at handa na akong hagkan muli.
“I love you…”
Tatlong salitang sampung buwan kong hindi naramdaman at narinig mula sakanya. Ngayong sinabi niya iyon ay hindi ko lubusang maramdaman kung totoo iyon.
Kinakaawaan niya lang ba ako kaya narito siya? Babalik na ba siya…kami sa dati?
Halos mawalan ako ng hininga sa pagpipigil na hindi gumalaw.
“I cooked your favorite, k-kumain ka ng m-marami ah… mahal na mahal kita,” sambit niya sa gitna ng pag-iyak.
Hindi kasiyahan ang naramdaman ko. Puno iyon ng pangamba at takot.
Bakit tila sa bawat pagbigkas niya ay parang namamaalam na siya sa pagibig namin. Siya ba? O marahil alam ko sa sarili na maaaring ako ang tuluyang lumayo sa mga susunod na desisyong gagawin.
“Hijo, pasensya na pero nakikiusap ako hayaan mo na muna siya,” pag-utos ni tita Christy sa bisita.
Gusto kong pigilan ang pag-alis niya. Nais kong sabihin na manatili muna siya kahit saglit. Nais siyang hagkan at sabihing labis ko siyang mahal… pero hindi nakipagkasundo ang utak ko at hinayaan siya…
Ang mga kilos at pagsalita nila ay mahihina na para bang ayaw nila akong istorbohin sa pagtulog.
Sa pagsarado ng pinto ay siyang pagpakawala ko ng mapapait na hagulgol.
In the murky of life , I'll have to release the heart from the chain
In the murky of life, love shall not always win
In the murky of life, I'll have to build a barrier from within
In the murky of life, I might have to let go to ease the pain
As the clouds from above, letting go of darkness and heaviness in the pouring rain
***
Maraming salamat sa suporta!
Nalalapit na ang pagtatapos, share your thoughts!!!
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 33
Start from the beginning
