Natigil ako sa paglalakad pataas ng hagdan ng sabihin iyon ni Mommy.
“May sa-sakit din ako, Jess,” nabasag ang tinig niya.
I was engulfed by an immense pain.
Mabibigat ang paglakad ko pabalik sa kusina. Ang paggalaw ng mga balikat niya ay ang pagkahulog ng bawat parte sa puso ko. Ang pag-iyak niya ay ang pagkabasag sa dibdib ko.
“ ‘mmy–·”
“Kailangan ka n-namin Jess, kailangan ka ng dalawa mong ka-kapatid.”
I halted from walking towards her. My mind went blank when she said that.
Kapatid?
Napansin niyang tumigil ako sa paglalakad kaya humarap siya sa akin at siya na ang lumapit sa kinaroroonan ko.
Tila umipot ang ibong adarna at nanigas ang mga paa ko. Nanatili akong nakatayo kaharap siya at pinipilit na balansehin ang sarili.
“I'm sorry if hindi namin sinabi agad,” hinawakan niya ang dalawa kong pisngi. “ Your father had an affair at… nagkaroon sila ng dalawang anak,” she tried to compose herself and didn’t let go of my shivering face. “Namatay ang kinakasama ng Daddy mo ng ipanganak ang bunso nila...”
Nanginig ang kalamnan ko na umepekto sa mga bisig kong nanlalambot ngayon. Ang mga impormasyong pinakawalan ng aking ay ina ay hindi naproseso agad ng utak ko. Pumasok sa mga gulat kong tainga at lumabas din agad.
Imposible! Pinagtulakan ko ang mga salita niya palabas ng tainga dahil ayokong umandar iyon sa utak ko na napapagod na sa kakaisip.
Tuluyang nanghina ang katawan ko ng sunod-sunod na hikbi ng aking ina ang bumalot sa buong bahay.
Ang hinagpis niya ay naipasa sa akin sa pagragasa muli ng mga luha ko. Hindi pa ba ubos ang luha ko?
Dalawang lalaking pinakamamahal ko ay patuloy akong pinapaluha.
Ang pinakaunang lalaki sa buhay ko na ipinagkait sa'kin ng tadhana na makasama sa pag-laki ko. Ang ginoong inakala kong hari at tagapagtanggol ay binabasag ngayon ang kaibuturan ko na walang awa.
Ang espesyal na lalaki naman na minahal ko higit pa sa sarili ay sinasaksak ang puso ko sa bawat pag-alpas ng atensyon niya sa akin. Sa bawat pag-iwas at pagbalewala sa akin na parang lipad hangin.
My hands gripped the sides of my shirt to support myself. Orifices were tired, asking for help as feet were shaking uncontrollably.
“Ilang t-taon na ang mga a-anak nila?” Iyon lang ang lumabas sa bibig ko.
“Siyam na taong gulang ang panganay at pito ang bunso.”
“Mom!” Napaluhod ako sa harap ng aking ina ng manghina ang buo kong sistema at dinama ang lahat ng sakit.
Hinawakan ko ang dibdib ko na parang binubungkal ngayon na hindi matanggap ang mga natutuklasan.
Siyam na taon na niya kaming niloloko! Ang sakit na nadarama ko ay hindi ko maikumpara kung papaanong hapdi ang tumusok sa aking ina ng malaman niya ang lahat ng ito.
The pain is unbearable.
Naramdaman ko ang pagluhod niya para mapantayan ako. “Tumatanda na kami ng Daddy mo, Jess… sumama k-ka na sa'kin pabalik sa Dubai at kailangan ka ng mga k-kapatid mo…”
Nagpanting ang tainga ko sa mga narinig.
“Mommy naman! Nasisikmura mong alagaan ang mga iyon, hindi ko sila kapatid!”
Napailing ng marahas si Mommy na tila sinasalungat ako. Ang kabaitan ng aking ina ay ilang beses ko ng nakitang napagsamantalahan kaya hindi ko ‘to palalagpasin. “Hindi ka na babalik sa Dubai, Mommy!”
DU LIEST GERADE
The Parallel Red Strings
Aktuelle Literatur"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 33
Beginne am Anfang
