I wanted to tell him everything. Lahat ng tampo ko at inis sakanya. Lahat gusto kong isumbat.

“I was busy, Jess…” Humina ang boses niya at bahagyang yumuko.

“Kaya nga hindi na kita inabala pa,” pinigilan ko na ang sarili na pasaringan pa siya dahil ramdam ko ang pagsisisi niya at nasasaktan siya.

Ayokong dagdagan pa ang mga iniisip niya dahil naiintindihan ko naman talaga siya. Hindi ko lang nagustuhan ang bungad niya ngayong gabi. Sa tagal naming hindi nagkita ganoon pa ang entrada niya?

“I’m sorry,” inangat niya muli ang tingin at sinalubong ang akin. “Jess, kaunting pang-unawa lang, ang dami kong inaasikaso ngayon… I wanted to be with you but I have more important things to handle.”

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Sinalubong ko ang tingin niya ng mas masidhi. “Grey can you hear yourself? Kaunting pang-unawa?”

His lips parted when he saw my tears run like a river. I saw that he wanted to touch me and wanted to wipe my tears but he didn’t as he knew that I might be shattered even more like a thin glass.

“Fuck… hindi mo pa ba nakikita kung gaano kita inuunawa… Grey naman, halos sampung buwan na akong parang tanga na hinahagilap ka,” hindi ako natakot ipakita kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. “Para akong tanga na naghihintay kung kailan ka sasagot sa mga text o tawag ko. Hindi ko alam kung lalabas ka ba ng kwarto mo kapag bumibisita ako sa bahay niyo.”

Hinayaan kong sumilip lahat ng pasan mula sa mga mata kong ilog ang pagragasa habang nakatingin sakanya.

Nakaramdam ako ng kakaibang pagod. Yung pagod na iniiwasan ko matagal na. Pagod na ayokong maramdaman dahil ayokong bumitaw.

“Jess, I'll m-make i-it up to you pagkatapos,” pagmamakaawa niya saka inabot ang kamay ko.

“Hanggang kailan at ano ba ‘yang tinatapos mo?”

Tanong ko kahit alam ko naman kung ano ang rason kung bakit para akong hangin na hindi na niya halos mapansin. Kung bakit nagbago siya. Ang pagbabago sakanya na hindi ko gusto. Kung totoo man ang mga nasagap kong balita.

Umiling lang siya at hinagkan ang mga kamay ko at doon hinayaan niyang tumulo ang mga luha niya habang binibigyan ng maliliit na halik ang kamay kong napapagod na sa pagkapit.

“Hindi mo ba kayang sabihin sa'kin kung ano ang pinagkakaabalahan mo, hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?”

“Jess, please… I want you to stay out of it… just wait for me,” hindi niya tinigilan ang kamay ko.

“Paano kung hindi kita mahintay?” Binawi ko ang mga kamay ko sakanya para yakapin ang sarili ko. “Napapagod na ako sa takbo ng relasyon natin.”

Ang mga luhang naipon ko ay bumulwak lahat sa harap niya ngayon. Hinayaan ko ang sarili na mailabas lahat ng sakit. Baka sakaling sa paraan na ito ay gumaan ang dibdib ko at piliing manatili…

“Don't say that…”

“Am I demanding too much, Grey?”

Sunod-sunod ang pag-iiling niya at kagaya ko ay hindi narin natigil ang pagpatak ng luha niya. Alam kong hindi lang ako ang rason ng mga luha na iyon. Kagaya ko, patung-patong rin ang mga pasan niya.

Gusto ko siyang yakapin at iparamdam na handa naman akong makinig sa lahat ng problema niya. Nandito ako para damayan siya at hindi niya kailangang iwasan ako at solohin ang lahat. Pero hindi ko siya hinagkan dahil maging ako ay nababalot din ng bubog ngayon at hindi maaaring magkalapit kami dahil alam kong parehas kaming masusugatan at masasaktan.

“Am I selfish if I want some of your time?” Inabot ko ang mga kamay niya sa manibela at bahagyang hinaplos iyon. “If I want you to tell me what's up to you for the past ten months… sobra na akong nag-aalala sayo.”

Kinuha niya ang kamay ko at hinagkan iyon ng mahigpit. “Jess… I c-can't… hindi muna ngayon.”

Sapat na ang sagot niya para lisanin ang sasakyan. Rinig ko ang pagsigaw niya sa pangalan ko habang patuloy ako sa pagtakbo. Kailangan kong lumayo muna dahil ayokong gawin ang bagay na hindi pa ako handa. Ayokong sabihin sakanya na pagod na ako at ayoko na…

“Kaya k-ko pa naman tiisin eh,” pagsisinungaling ko sa sarili habang baliw na tumatakbo.

Nang may namataan akong taxi ay agad akong kumaway para parahin ito.

Bago ako pumasok sa sasakyan ay awtomatikong napatingala ako.

Doon ko napagtanto na ngayong gabi ay nakatago ang buwan. Pinapaalala na hindi sa lahat ng oras ay may liwanag na gagabay sa akin sa gitna ng kadiliman.

Walang buwan ang magsisilbing lampara upang maaninag ang tamang daan.

***

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now