Imbes na tumigil ay kumuha siya ng tissue sa lamesa at pinukulan ako ng tingin habang tumatawa. Pinasadahan niya ng tingin ang mukha ko saka bumaba iyon sa labi ko.

Dahil nakatulala ako sa mukha niya ay hindi ko na namalayan na naabot na niya ang labi ko at pinunasan iyon gamit ang hawak niyang tissue. “You’re like a baby… cute.”

Naistatwa ako sa ginawa niya. Agad kong iniwas ang mukha ko dahil naramdaman ko ang pag-iinit ‘nun. “Thank you,” sabi ko nalang para ibahin ang hangin sa pagitan naming dalawa.

Tumikhim siya at natigil na sa pagtawa. Binilog niya ang tissue na pinunas niya sa bibig ko kanina at kinulong niya iyon sa kamao. “I think your boyfriend is outside… looking at us,” kaswal niyang saad sa mababang boses.

Tumusok ang metaporang sibat sa dibdib ko ng sundan ko ang direksyon ng mata ni Jaime sa labas.

There, the man I was longing for and the man who dominated my mind every single day was looking in our direction full of rage.

My heart plummeted at the sight of that. He looked full of distress in his dark eyes. He was stomping his foot on the ground as if he was calming himself to not act out what was inside of his mind now.

“You may go, Jess,” sabi niya at inayos ng bahagya ang lamesa. “I enjoyed being with you tonight, I'll pay for the bill as a congratulatory gift.”

“No, Jaime. I promised na sagot ko–·”

“This was my plan talaga, you think I'll let you pay?” Nginisian niya lang ako. “You may go na, he must be so boring na sa labas,” tukoy niya kay Grey.

Puro pasasalamat at paumanhin ang lumabas sa bibig ko hanggang sa nakalabas ako ng restaurant.

Inayos niya ang postura niya mula sa pagkakasandal sa kotse. Hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng awra niya na tila ay uusok na.

He was covered all black from his top to his pants which complemented his dark aura.

“I was so patient here waiting for the both of you to finish your lovely dinner…” voice packed with sarcasm.

“Inside!” Sabay tinuro ko ang kotse niya para ayain siyang pumasok sa sasakyan dahil ayokong gumawa ng eskandalo sa harap ng sikat at yayamaning kainan.

Wala siyang nagawa at sumunod sa akin ng pumasok ako sa sasakyan niya. Pagkapasok niya sa driver’s seat ay agad siyang nagsalita. “Kung hindi pa sinabi sa'kin ni Ken na sabi ‘raw ni Halie that you have a competition tonight ay hindi ko malalaman!”

“I tried to tell you, did you pick up your phone?”

“You could've texted me!”

“You will reply, really?” Ginaya ko ang turan niya kanina na punong-puno ng sarkastiko ang tinig.

“Jess!”

“I was all alone the entire competition, Grey and I was used to it already that no one was there to clap or shout for me.”

“Then bakit mo kasama siya ngayon?!” Hinawakan niya ang manibela pero hindi parin binubuhay ang makina.

“Just tonight… kasi hindi nakapunta si Jaysiree and he volunteered!” Hindi na ako nakapag-timpi. “Grey, siya lang ang sumuporta sa akin kanina sa competition!”

Humigpit ang hawak niya sa manibela habang nakatingin sa mga mata ko na tila binabasa ako.

“Wala akong ibang kasama kanina dahil wala si Mommy, nasa probinsya sina Halie, tapos ikaw… mukhang ayaw mo naman!” Panunumbat ko. “Siya lang yung pumapalakpak kanina para sa akin… at ngayon… siya lang din yung nandito para samahan ako sa pagkatalo ko.”

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now