“Ayokong kinakausap mo ako, our friendship has ended already, Ralph.” Madiin at mahina lang iyon pero rinig ko parin dahil nagmana ako kay Mommy na tsismosa.

Hindi na niya hinintay na makasagot ang kampeon sa debate at tinalikuran na ito. Wala akong nagawa kundi ang sumunod kay Jaime.

Hanggang sa makapasok kami sa sasakyan niya ay hindi parin humuhupa ang emosyon niya na sobrang naiinis.

What's the matter with them?

Rinig ko ang pagpakawala ng hangin niya bago binuhay ang makina ng sasakyan. “Sorry ah, I just… ‘wag nalang natin pag-usapan ang tungkol doon…”

Simple akong tumango. Kahit tsismosa ako ay alam ko ang limitasyon ko. Hindi naman iyon mahalaga sa akin at hindi rin naman ang lalaking iyon ang pinunta ni Jaime. Binagtas na niya ang daan.

Buong biyahe ay nakapikit lang ako. Ayokong makita ang paligid sa at ayokong dumaplis ang tingin ko sa buwan dahil maglalaro na naman ang utak ko kung sakali.

“We’re here,” narinig kong tinatanggal niya ang kaniyang seatbelt.

Dagli kong minulat ang mata at kinalas narin ang seatbelt saka bumaba ng sasakyan. Hinagkan kaagad ako ng banayad na hangin.

Magmumukha man kaming magka-date ni Jaime sa loob ng restaurant ay wala na akong pakialam dahil ayon pa sakanya ay isa ito sa mga rason kaya siya na ang nagboluntaryong pumunta nang malaman na hindi makakapunta ang kapatid niya.

A formal dinner for his kindness.

Pagkaraan lang ng ilang minuto ay dumating na ang mga order namin.

Napakagaan na ulit ng enerhiya ng kasama ko kaya't paminsan-minsan ay napapakuwento rin ako. Kagaya ng enerhiya noong nag-usap kami sa Bulacan. Walang pinagbago. Komportable ako, iyon ang mahalaga.

Natutuwa ako dahil sa tuwing nakikita ko siyang malakas kumain ay may naaalala ako.

Malakas din kumain ang isang ‘yon.

“As per Jc, you're living alone now?” Pagtatanong niya ng maubos ang pagkain sa bibig niya. Ang boses niya ay puno ng pag-aalala.

Tipid akong tumango.

“Bakit ayaw mo nalang mag-aral sa Dubai?”

Now, Jaysiree is something. Bwesit na babae at balak talagang italambuhay ako sa kapatid niya.

Uminom ako ng tubig ng hindi pinuputol ang tingin sakanya. Ngayon ko lang napansin na napaka-gandang pagmasdan ng maliliit niyang nunal sa mukha. Dalawa iyon na nakamarka sa ibaba ng kaniyang kaliwang labi at ang isa ay nasa gilid ng dulo niyang kilay sa kanan.

“I can't see myself studying in Dubai.”

Bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya. “Alam mo talaga ang mga gusto mo… kapag ayaw… ayaw talaga.”

Hindi ko siya lubos naintindihan kaya ngumiti nalang ako bilang pagsang-ayon. “Uuwi ka pa ng Bulacan?”

“Yes.”

“Bilisan mo na diyan at anong oras na.”

“Oh… take it slow, Jess,” suway niya ng nilantakan ko ng mabilis ang dessert. “Gusto mo na agad ako pauuwiin?”

Tinaas ko ang kaliwang kamay at binuka ko iyon sa harap niya para sabihing saglit lang at hindi ako makapagsalita dahil punong-puno ang bunganga ko ng pagkain.

Sunod na humagalpak ang tawa niya. Parang pambahay lang yung halakhak niya at walang pakialam sa mga ibang naririto sa restaurant.

Nang malunok ko lahat ng nasa bibig ko ay pasimple kong hinampas ang kamay niya. “Gago ka ang ingay mo,” hindi ko mapigilang murahin siya dahil nahihiya talaga ako sa ibang customer na pinagtitinginan na siya sa kaingayan.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now