Tila ba sinasadya ng oras na bagalan ang pagtakbo para parusahan ako at ipadama na nag-iisa ako. Nag-iisa? Nandiyan naman ang mga magulang ko at kaibigan! Nariyan si Grey!
Nasaan? Tanong ng sarili kong utak na kinukutya ang sarili.
Butil-butil ang pawis sa noo ko kahit pa mababa ang temperatura sa loob ng amphitheather dahil sa malalaking AC sa loob. Pinapakalma ko ang sarili habang hinihintay ang resulta ng kompetisyon.
Nakaupo kaming apat na kalahok sa gilid ng stage paharap sa mga madla. Nasa aming apat ang spotlight at sa ginoong mag-aanunsyo ng resulta. Napaka-arte ng organizer ng patimpalak na ito dahil parang pang Miss Universe ang suspense. Nasisilaw na ako sa maliwanag na ilaw na nakatutok sa amin!
Nagtama ang paningin namin ng ituon ko ang mga mata sa harap. Maraming tao ang nasa loob pero naagaw niya ang atensyon ko. Marahil siya lang ang nag-iisang nilalang na sinadya ako rito. Bukod kay Ms. Brioso, siya lang ang kilala ko rito na sumisigaw at pumapalakpak sa akin kanina sa bawat pag-apak ko sa entablado.
He nodded at me and gave me a thumbs-up. Sa paraan na iyon ay ngumiti ako dahil para niya akong pinapakalma na kahit anong mangyari ay proud siya sa'kin at magaling ako.
Tumikhim ang host kaya naagaw niya ang atensyon namin. Tinapat niya ang mikropono sa bibig.
Malalalim na paghinga ang ginawa ko. Sa bawat masidhing paghinga ay ang paghiling ko na sana ay hindi ko makuha ang pinaka-ayaw kong placement.
Subalit ano pa ba ang aasahan ko sa mapaglarong tadhana?
“2nd placer and hailed as the Best Speaker of the night is…. Mr. Delarama of University of Filipinas!”
Nakabibinging hiyawan at palakpakan ang pumaibabaw sa buong amphitheater ngunit kasabay noon ay ang pagtangis ng mga bagang ko.
Piniga ko ang sariling mga palad sa pag-asang makalma ang mapait na emosyon pero bigo ako.
Pinilit kong ngumiti saka tinunton ko ang gitna ng entablado para tanggapin ang parangal.
Ano pa't ako ang hinirang na Best Speaker pero hindi ako ang kampeon?
Kahit nakangiti ako alam kong masasalamin sa mata ko ang pagkadismaya at lalo kong napatunayan sa sarili na hindi ko nagustuhan ang resulta dahil agad akong kumaripas sa backstage.
Mas matatanggap ko na nakuha ko ang 3rd or 4th placement. ‘Ni kailan hindi ko pinangarap maging pangalawa.
Hindi ko gusto ang posisyon na ito dahil patuloy kong ku-kuwestiyonin ang sarili kung saan ako nagkulang para hindi makamit ang unang posisyon na isang hakbang nalang ang pagitan. Saan ako nagkulang? O saan niya ako nalamangan para makuha niya ang titulo at ako ay narito sa tabi niya na patuloy na pakalilimiin kung bakit hindi ko pa nakamit iyon samantalang abot kamay ko na sana…
Hindi ko lubusang malaman ang ugat kung bakit hindi ako masaya. Dahil ba 2nd placer lang ako o may mas malalim pa na dahilan?
Kung nakuha ko ba ang titulo bilang kampeon ay magiging masaya ako ngayon? Hindi rin naman siguro dahil aminin ko man o hindi ay mayroong mas malalim na rason kung kaya't hindi ko makuhang sumaya.
Walang ibang narito para samahan ako at sumuporta. Iyon ang totoong dahilan! Hipokrito na kung hipokrito pero pakiramdam ko ay mag-isa ako at inabandona ng lahat.
Tanging si Ms. Brioso ang kasama ko dahil wala siyang choice sapagkat siya ang tagapangalagang ibinigay sa'kin ng AOF para rito. Ang lalaki naman sa madla ay baka napilitan lang na pumarito.
“What's wrong?” Bakas ang pag-aalala sa boses niya.
Naka-exclusive ticket pala siya kaya may access siya rito sa likod ng stage. Marahas kong hinilamos ang mukha gamit ang palad. “I'm… uh–·”
“You did great, Jess, you are the Best speaker… like, the Best!”
May maiksing tawa ang kumawala sa bibig ko dahil madrama niyang sinambit iyon. “Thank you, tara na?”
Ayokong mabanaag niya na hindi ako natutuwa sa resulta at mas lalong ayokong makita niya na mahina ako.
Bahagyang namilog ang mga mata niya dahil sa pag-aya ko.
Minsan kung sino pa ang hindi mo inaasahang dumalo kapag mabigat na ang mundo ay siya pa ang sasalo sayo. Kung sino pa ang hindi mo lubusang kilala ay sila pa ang handang damayan ka.
Ngayon, sa pagkatalo ko, siya ang narito para samahan ako at makita ang pagbagsak ko.
“Dinner?”
Muli akong natawa sa tanong niya. Loka-loka talaga ang babaeng ‘yun at kinuntsaba pa ang kapatid niya.
I smiled at him and I couldn’t help but admire his beauty and his kindness… So without a second thought, I stretched my arms and snaked them around his neck.
He hugged me back as if he understood that I needed it at that moment. He caressed my back which soothes my pain even just a bit.
“Thank you for being here tonight, Jaime.”
***
Follow/Vote
Jaime to the rescue!!
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 31
Start from the beginning
