Pagkauwi ay agad kong binalita kay Mommy at Dad ang resulta. Hindi sila magkumahog at tinawagan ako para batiin.

Sumunod kong pinadalhan ng text ang mga posibleng manonood sa akin sa biyernes.

Napag-alamanan kong parehas nasa probinsya ang mga sisteret ko kaya hindi sila makakadalo. Panay pa ang paghingi ng paumanhin ni Halie at babawi ‘raw siya sa akin. Si Yhana naman ay tinanong kaagad ako kung ano ‘raw ang gusto kong pasalubong mula Siargao. Sinuhulan ba naman ako.

A lot of things changed but Halie and Yhana remained. Hindi man kami ganoon kadalas na magkita-kita pero sa oras na magkakaharap kami ay parang walang nagbago.

Sinubukan ko ‘ring tanungin si Jaysiree dahil kahit papaano ay nagkaroon din kami ng malalim na pagsasama pero ang gaga ay walang sinagot at inasar pa ako sa kuya niya. Na gusto ‘raw ako ng kuya Jaime niya.

Hindi ko na siya pinansin dahil mukha namang nagpapalusot lang at walang balak pumunta.

I texted Mariel. Si Harold, Josefa, Lovely, at Anthony. Sila ang mga kaibigan ko ngayong nasa kolehiyo na ako.

I expected that all of them would not be able to attend. Nasa kalagitnaan ba naman kami ng summer, hindi ko nga ‘rin maisip na sa ganitong paraan ko uubusin ang oras ng school break ko.

Nabuhayan ako ng kaunti ng magreply ulit si Jaysiree.

From Jaysiree:

Basta libre mo ako ng dinner.

Sumilay ang ngiti sa labi ko saka pumayag sa kasunduan niya. At least may isang ticket na akong maipapa-reserve kay Ms. Brioso.

Ang hirap naman humagilap ng taong susuporta sa akin. Parang nanlilimos pa ako.

That thought saddened my heart.

Bago ko pa makalimutan ay tinawagan ko na siya. Unang subok ay walang sumagot. Sa pangalawang pagtawag ko ay puro ringtone lang ang naririnig ko sa kabilang linya. Kahit nahihiya na ako sakanya at maging sa sarili ay tumawag pa ako ng ilang beses.

Nang mapansin kong naka-walong subok na ako sa pagtawag sa telepono niya ay sinukuan ko na. Baka abala talaga siya. Siguro natutulog dahil sa pagod.

Huminga ako ng malalim at lumabas ng bahay. Sumalubong sa akin ang maligamgam na hangin. Nalanghap ko ang amoy ng mga tuyong dahon sa paligid na pinakalma ang sistema ko.

I rested my back against the wall and looked up at the sky.

I used to describe the clouds from above but now I don’t want to pay attention to them. I don’t want to cry.

To kill the temptation of being mesmerized by the clouds I dropped my gaze to the ground and started playing on the dried leaves. 

Ang mga dahong pinaglalaruan ko ay malutong, na sa simpleng paghawi ng paa ko ay nadudurog ito.

Mga dahon na minsang naging kulay berde at masigla. Sa bawat paghampas na hangin ay ang pagsabay nila sa alon ng tadhana. Umulan man o tumirik ang araw ay mananatili silang berde at kakapit sa sanga. Subalit darating parin ang araw na manghihina sila at unti-unting lalamunin ng kulay kayumanggi hanggang sa tuluyang bumitaw at lumagapak sa kalupaan na lantang-lanta na.

Kagaya ng dahon na ito, lahat naman siguro bumibitaw kapag bagod na. Kadalasan, kapag sobrang durog na saka lang matatauhan para bumitaw.

Napapadyak ako sa napagtanto. Iniwasan ko nga ang mga ulap pero sa dahon ko naman naibaling ang mga pag-iisip sa bagay na iyon!

Padabog akong pumasok sa bahay at nagkulong sa kwarto.

Iyon na siguro ang pinaka-mabagal na tatlong araw sa buong buhay ko. Wala akong ibang ginawa kundi mag-ensayo sa harap ng salamin,  sa sala, sa banyo. Halos ipukpok ko na sa ulo ko ang lahat ng libro ko maging okupado lang ito ng ibang bagay para takasan ang reyalidad.

The Parallel Red StringsOnde histórias criam vida. Descubra agora