Tumahimik siya saka maingat na tumingin sa akin na para bang isa akong babasagin na bote na anumang oras ay pwedeng mawasak.
“Hindi ko gustong pag-usapan dahil nagagalit ako sayo at sa sarili ko dahil kahit saan ko tignan naiintindihan ko kung saan ka nanggagaling! Nakakapagod din naman na palagi mo nalang ako ipinaglalaban kaya minsan kailangan nalang magpanggap na hindi tayo… para hindi kana mapagod sa pagpapaliwanag kung bakit ako… ako ang mahal mo.” Halos maubos ang hangin sa katawan ko ng sabihin ko iyon.
Mabilis ang pag-iiling ng ulo niya at ayaw sumang-ayon sa mga dahilan ko. “Kaya… pilit ko nang binabaon ‘yun Grey sa limot, what you did was understandable.”
“No, it wasn’t…I was irresponsible…I–·”
Pinutol ko ang sasabihin niya dahil ayoko ng marinig ang pagsalungat niya. Kaya kong akuin nalang lahat, hindi na niya kailangan sisihin ang sarili.“Where were you last night?”
Katahimikan. Kita sa maamo niyang mukha na gusto niyang damputin ang mga bubog at pilit na buoin. Parang marami pa siyang nais sabihin…
He swallowed. “We went to the bar after we passed the documents.” He said while looking down at his hands. He was gripping his fingers.
I trembled at the sight of that. I couldn’t believe what I saw on my phone. “And you smoked.” It wasn’t a question from me.
Napaangat siya ng tingin at namilog ang mga mata. “Jess, I'm sorry…” Tila matutuliro siya sa pagkabigla.
Nanubig ang aking mga mata. Hindi niya itinanggi ang paratang ko kaya mas lalong bumagsak ang balikat ko. “That wasn't a fucking cigarette, Grey!” Tuluyang kumawala ang mga luha sa mata ko.
“Jess…I w-was desperate last night…that was the first try and last….” He sobbed.
“It wasn’t a cigarette…” mas lalo akong umiyak sa harap niya dahil sakanya na nanggaling ang kumpirmasyon. Marahas akong napapa-iling.
Gusto kong mabingi at mabagok ang ulo para makalimutan ang mga pag-amin niya. Hindi ako makapaniwala. I almost bent my knees when I pleaded to him to not even try that stupidest thing. To not tolerate his friend.
“Kinausap kita dito…” Hindi nagpapigil ang mga luha ko, “You lied to me about Peter and you lied to me last night!” Tumangis ako ng tumangis. “Ano pa ang kaya mong gawin pagtakpan lang ang gusto pang takpan! And you…” Dinuro ko siya. “I warned you to not even lend you're fucking mouth to that fucking marijuana!”
I was not able to carry my patience anymore and I just saw my own hand floating in the air and it rested heavily in seconds on my boyfriend's trembling cheek. A hard slap made his tears a river.
“J-jess…”
Pinipiga ang puso ko sa mga napagtanto. Ngayon ko lang lubusang naiintindihan si Yhana. Hindi siya nagbahagi ng mga problema dahil sukdulan ang sensitibo ng diskusyon. Mga impormasyong sinasarili ng babae dahil sa pagmamahal sa nobyo. Pilit na binabago ang minamahal niya dahil ayaw niya itong basta nalang iwanan at pabayaan sa gitna ng madilim na kapalaran.
Lulong sa bisyo si Peter, iyon ang impormasyong nakuha ko kay Halie matapos magtapat si Yhana dito. Nakumpirma ko iyon kay Grey nang komprontahin ko siya tungkol sa matalik niyang kaibigan. Hindi niya inamin iyon agad kaya pinag-awayan pa namin iyon bago siya sumuko at napilitang isalaysay ang sensitibong impormasyon. Ayoko sanang manghimasok pero nakadawit ang kaibigan ko kaya marapat lang na malaman ko.
Hindi kayang gawin ni Grey ang bagay na iyon. Iyan ang paniniwala ko kaya kaunting paalala lang ang ginawa ko. My man would never dare to be associated with those vices. He was the most civil citizen I have known. Kaya kampante ako…
Akma akong lalabas sa kwarto niya ng mahigit niya ang kamay ko.
“I want to go home.”
“Please…”
Nang mapansin niyang determinado ako dahan-dahang dumulas ang kamay niya at sumuko ang itsura.
“At least l-let m-me drive you h-home..”
Nilagpasan ko siya para pumasok muli sa kwarto. Mabilis kong inimpake ang kakarmpot kong gamit. Hindi ko na inisip kung may naiwan pa akong damit o ano. Nilagpasan ko ulit siya saka ako lumabas na sa kwarto.
Hindi ko na ininda pa kahit kumikirot ng kaunti ang puwet ko dahil mahapdi parin iyon ng bahagya.
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga kaluskos sa kwarto niya saka siya sumunod sa akin na may mga bitbit. Nauna na ako sa garahe na halos mablanko ang utak. Pumasok na ako sa likod ng kotse at walang imik na pinaandar na ni Grey ang sasakyan.
Hindi tumigil ang pag agos ng mga luha ko. Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana at tumingala.
May bahagharing liwanag ang nakapalibot sa makinang na buwan. Ngayon ko napagtanto na hindi sa lahat ng oras dadamayan ako ng panahon.
Ang rikit ng buwan ay siyang salungat sa nararamdaman ko. Taglay niyang ganda ay siyang pait ng gabi ko. Ang kinang niya ay siyang dilim ng loob ko. Ang magaan niyang enerhiya ay siyang bigat na pasan ko. Na para bang nais ipahiwatig na malayong-malayo ako sakanya. Na kahit malapit lang siya ay kailan man hindi ko siya maaabot. Hanggang tingin at paghanga lamang sa kaniyang liwanag….
Hindi ko na alam kung paano ko pa nagawang makauwi sa tuliro ng isipan sa mga nadiskubre.
Ang pagkakaalala ko ay saglit na pumasok sa bahay si Grey para ihatid ako sa loob at tulungan ako sa mga gamit na dala ko….at umalis narin naman siya dahil iyon ang utos ko.
Walang mga salita na ang lumabas sa mga bibig naming pagod.
The night was subtle, few stars were apparent and I know that when the sun arises… some things may never be the same again just like anything else in this cruel world, they will change…for the better or… worse.
One thing is precise, whatever happens, everything should progress.
***
heyyy, thank you! share your thoughts about this chap.
ESTÁS LEYENDO
The Parallel Red Strings
Ficción General"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 23
Comenzar desde el principio
