“Mahal na mahal kita,” I replied almost out of breath.
Doon siya napamulat ng mga mata. Naputol ang paghahalikan namin nang malamlam niya akong tinitigan. Ipinatong niya ang noo sa noo ko.
“I l-love you…”
Nanginig ang tinig niya at namula ang mga mata. I gulped with the intensity of our emotions.
“Hey…” Suway ko.
He just smiled and looked at me eye to eye. Sa harap ko kaya niyang maging mahina, kaya niyang maging emosyonal at walang pangambang ilahad ang tunay na nararamdaman.
“I j-just,” he sobs quietly. Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil mahina siyang umiyak at humigpit ang yakap sa akin.
I let him cry with me. I wanted to tell him that whatever was bothering him, I would be willing to listen.
I am here to take some of them to make him lighter.
We were in bed until sunset. Lumabas lang kami ng kwarto para kumain. It was my idea to stay in his place rather than roaming outside which was our typical celebration every monthsary. Today, gusto ko lang siyang makatabi. Gusto ko lang siyang damhin. Alam kong pagod din siya.
Nagbihis lang kami ni Grey ng komportable bago muling lumabas ng kwarto. Nagluto lang kami ng makakain para sa payak na selebrasyon.
Naghanda rin si tita ng lasagna at nag bake ng cake para sa amin. She was always like this. It was like for her, this was her way to show her natural support in our relationship.
Naabutan kong may kausap si tita Alhena sa telepono habang nakaupo sa sala. Suot niya parin ang apron na ginamit sa pagluluto at bake.
“Jess, your Mom,” iniharap ni tita ang cellphone at tumambad sa'kin ang magandang mukha ng ina.
Iniabot sa'kin ni tita ang cellphone niya saka siya bumalik muna sa kusina.
Tumabi sa'kin si Grey at kinawayan si Mommy. “Hi, Tita, you're gorgeous just like your only child.”
Banayad na humalakhak si Mommy. Kinurot ko naman si Grey sa tagiliran dahil sa kalandian niya.
Nagkamustahan lang kami ng aking ina bago ko ibinalik ang telepono kay Tita ng bumalik ito sa sala dahil mukhang nagbabalitaktakan din sila ni Mommy.
Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Maging si mama Elise ay kasabay namin dahil napilit siya nina tito at tita.
Ibinilin sa amin ng mag-asawa ang bahay dahil may lakad sila. Kinaumagahan na raw ang uwi nila at sa hotel sila magpapalipas ng gabi. It was like a date as well for tita and tito dahil hindi naman tungkol sa trabaho ang lakad nila.
“Enjoy the night,” sabi ni tito habang nagsi-seat belt. Hinatid namin sila sa labas ng bahay.
Hinapit ni Grey ang beywang ko. Sumilip sa amin si tita mula sa loob ng kotse.
“May condom sa drawer ah…”
“Ma!” si Grey.
Napangisi nalang si tito habang nakuyom ko ang bibig sa kahihiyan.
“I love you both,” sagot na lamang ni tita bago tuluyang magsara ang bintana ng sasakyan.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 22
Start from the beginning
