Nagboluntaryo akong maghugas ng pinag-kainan pero hindi pumayag si Grey. Nang siya sana ang magliligpit niyon ay hindi rin naman siya pinayagan ng kasambahay. Si mama Elise ang gumawa ng pagliligpit ng gamit sa kusina.
“Ang tahimik mo,” umupo si Grey sa marmol para tabihan ako.
Preskong hangin ang pumapasok ngayon sa lanai dahil mababaw pa ang sikat ng araw.
“Nagising kasi ako na walang katabi,” panunukso ko.
His cheeks and ears turned red. He looked at me not minding if I noticed how I affected him.
Ang landi!
“Clingy,” mas dumikit siya sa akin. Hinagkan ako saka niya ipinahinga ang baba niya sa balikat ko. “I needed to get up so I can cook breakfast for my love,” umangat ang ulo niya mula sa balikat ko at napasinghap ako ng maramdaman ang labi at ngipin niya sa earlobe ko.
“Tangina!” Suway ko saka inilayo ang ulo. Marahan ko rin siyang hinampas sa braso.
Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niyang pagkagat sa tainga ko. It was sensual.
“Bibig mo,” suway niya rin.
“Ano?”
“Isa pang mura hahalikan kita,” pagbabanta niya pero nakangisi.
Umayos kami pareho ng upo at bumalik siya sa puwesto niya kanina. Hinayaan ko siyang pumulupot sa akin habang nakasandal ang baba sa balikat ko. Sayang, sana nagmura nalang ulit ako.
“Were you close with her?” Tanong niya.
“Si?”
“Alex?”
Diniin ko ang sarili sa lalaki. Pinagpahinga ko ang isang kamay sa ulo niya para mahaplos iyon at mahigit siya palapit sa balikat ko. Nagsumiksik ang ulo niya sa balikat ko na parang bata na sabik sa lambing.
“Alexis and I were close before but…we lost contact na eh after 3rd grade,” I replied.
Naramdaman ko lang ang pagtango niya. Hindi na siya nagtanong muli tungkol sa babae. I wanted to ask him as well kung ano ang lagay nila ni Alexis pero hindi ko na iyon isinatinig dahil obvious naman na magkaibigan sila kahit papaano. Estudyante ang babae ng nanay na at madalas din ang pagpunta nito sa bahay nila kaya hindi na maikakaila iyon.
I did not provide specific details about the past between Alexis and I. Mukhang hindi rin naman na big deal sa babae iyon. We were 7 or 8 years old at that time. Everything was shallow. Sa kababawan ko siguro dinamdam ko pa kaya hanggang ngayon dumadalaw pa sa panaginip ko paminsan-minsan.
“Your phone?”
“Huh?” Tanong ko.
“Give me your phone,” utos niya sa malambing na boses.
Agad kong inilahad sa palad niya ang phone ko. Wala siyang inaksaya na oras at binuksan ang camera ng phone ko.
Kumuha siya ng maraming litrato sa ganoong posisyon namin. Iba-iba ang itsura ng mukha namin pero ang mga katawan ay hindi ipinaglayo. He even filmed us, he kissed me on the cheeks, side of my head and a peck on the lips.
Unti-unting tumirik ang liwanag sa paligid dahil pumapagitna na ang posisyon ng haring araw. Malamyos ang hampas ng hangin sa lanai marahil narin sa mangilan-ngilang pananim na nakapaligid.
Sabay naming tiningnan ang ilang litrato. Huminto sa pag swipe si Grey ng tumambad sa amin ang isa sa kuha niya.
We were smiling genuinely. His head rested on my shoulder while hands were wrapped around my waist.
“We look good together,” he almost whispered to himself while zooming in the photo.
Sa simpleng pangungusap na binitawan niya ay doon ko muling napagtanto kung gaano na kasidhi ang papel niya sa buhay ko. Labis na halaga na parang sinakop na niya ang ibang parte sa puso ko na hindi kailanman mapapalitan ng iba. Puwesto na kapag nawala ay hindi na kayang mapunan ng kahit na sino dahil siya lamang ang kayang bumuo nito. Siya lang ang nararapat sa puwesto na iyon kaya kapag nawala ay mananatiling blanko magunaw man ang mundo.
Ganoon kalalim na ang pagmamahal ko sakanya na kaya niya akong durugin sa oras na mawala siya sa akin. Sa oras na piliin niyang saktan ako ay para narin akong pinatay. Sa lalim na pagmamahal na nabuo ay kagaya ng pamilya ko at mga mahal sa buhay na anumang mangyari, mananatiling nakasulat na siya sa pahina ng aklat ng buhay na ipinagkaloob sa akin ng Maykapal.
“You look good,” sagot ko, “beautiful as the blue sky with tender clouds that whenever I glance to its beauty it reminds me how precious life is. It makes me feel secure and loved.”
“What a metaphor,” his eyes glistened, “I’ll continue to be your poetry, will offer numerous hues of emotions that sometimes hard to decipher the true meaning behind the colorful words. As my love for you, deep as Mariana trench that even poet Enheduanna would never dare try to make a masterpiece out of it. She will severely fail as an author.”
I was taken aback by his words. That was the sweetest.
“Enheduanna? Makalumang tao ka talaga!”
“I wanted to convince myself that I lived during her time and that I loved you since then,” he said full of conviction.
This shit is a great lawyer in the making.
Sabay natuon ang atensyon namin sa phone ko. The brief notification pops up on the screen and causes a sound out of the speaker.
It went away so fast so I put my finger on the screen and then swiped the screen from up to the bottom. The notification bar revealed a message from an unknown number.
“Can I tap the message?” Grey asked politely. He was the one holding my phone so I nodded.
He then tapped the notification and it went directly to the messages app.
From: 096578****
Hi Jess. Si Jaime ‘to kapatid ni Jaysiree. Sinabi sa'kin ni Jc na kasama ka niyang pupunta dito sa Bulacan next week kaya hiningi ko narin number mo in case of emergency lang.
From: 096578****
See you next week, dito na kayo kumain sa bahay ni Jc kasi magluluto ako. Salamat.
Umalis si Grey mula sa pagsandal sa balikat ko at nakangusong pinakatitigan ang screen ng phone ko.
Noon si Halie ang nagpapamigay ng number ko tapos ngayon pati si Jaysiree? Mga bastos na babae!
“Was this the guy who waited outside your classmate's house in Bulacan?” He said irritated.
“Obviously…” nagkibit balikat ako.
The side of his lips rose but not because of happiness. Ayokong isipin pero para siyang selos na selos.
“Ihahatid ko kayo next week, sabihan mo ako kung kailan.” He said with finality.
Inirapan ko siya at hindi ko mapigilang matawa. Napangiwi naman siya sa reaksyon ko at binalingan muli ang phone ko.
“Nagseselos ka ba?” I asked in a teasing voice.
“Oo, kaya wag mong re-replyan ‘yan.” Umirap siya.
Ako naman ang sumandal sa balikat niya. “Ang arte mo! Pa-poetry-poetry ka pa kanina tapos seloso naman.”
He handed my phone back at hinagkan ako. Naramdaman ko ang mga maliliit niyang halik sa tuktok ng ulo ko.
“Why? Do you want to reply?”
“For formality…hindi naman ako mahilig sa maputing lalaki kagaya ko,” nagsumiksik ako sa balikat niya kagaya ng ginawa niya kanina sa akin. “Moreno at abogado ang gusto ko.”
Ramdam ko ang paggalaw ng balikat niya sa pagtawa.
We spent half of our days in the lanai talking about life, goals, aspirations, and love.
***
Hi! Ride with my pen to the next chappp!
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 20
Start from the beginning
