Ako ang unang pumutol sa titigan namin ng babae. I averted my attention to tita Alhena. “Good morning po tita,” nais kong palakpakan ang sarili dahil hindi nahimigan ang kaba sa boses ko.
“I'll introduce you to Alex,” she now then motioned me to follow her to the kitchen.
Fuck.
Sumalubong ang matamis na ngiti ni Grey saka ito tumayo at hinigit ang isang upuan na nagsisilbing espasyo sa kanila ng babaeng kausap niya kanina.
“Good morning my love,” Grey said not minding the other people with us. I just gave him a tiny smile.
Umupo ako kahit na alam kong mapapagitnaan nila ako. Pilit kong ikinakalma ang sistema.
Hindi muna bumalik sa silya si Grey dahil inihanda niya ang mga plato at kubyertos saka inilapag sa harapan ko at kay tita Alhena. May nakahandang plato na sa puwesto niya at sa babae.
Bumalik na sa pagkakaupo si Grey.
“This is Alex–·”
Napahinto si tita Alhena nang magsalita ang katabi kong dalaga. Ramdam ko ang init ng titig niya sa akin. Dahan-dahan ko siyang nilingon.
“Jess…”
I moistened my lips to ease the intensity inside me.
“You know each other?” Takang-taka ang tinig ni tita.
“Yes, Mrs. Gil,” she said not breaking our gazes. Hindi ko mabasa sa itsura niya kung ano ang naglalaro sa utak niya. Alam ko lang na kagaya ko, gulat siya.
Isang dekada ang nakalipas. Somehow I managed not pay attention to what happened between us. Naaalala ko lang siya kahit papaano pero hindi na ganoon kasidhi ang ala-ala. Musmos pa kami noon kaya alam kong kababawan lang lahat ang mga nangyari. Ako lang naman siguro ang masyadong dinamdam iyon.
“How?” Si Grey habang nagsisimulang mag-salin ng pagkain sa pinggan.
“We were classmates in 3rd grade before I started home schooling,” si Alexis parin ang sumagot. Hindi ko rin magawang putulin ang mga titig ko sakanya.
She is more beautiful now. Just like before, she looked like a princess. Kagaya ng labi niya, hugis puso rin ang maliit niyang mukha. Bumagay iyon sa singkit niyang mga mata, makapal na kilay at kurbadang pilik-mata.
The volume of her hair was enough to match the shape of her face. Hair was as black as the night, unlike her skin complexion which was almost as white as mine.
Mas mapusyaw ang balat ko sakanya pero sapat na iyon para sa kagandahang taglay niya. She is now a woman.
“Such a small world…” si tita.
“H-hi,” bati ko sa babae saka matipid kong nginitian. Tumitig lang siya sa akin na gulat parin ang itsura.
“Let's eat,” pagyaya ni Grey.
Naunang umiwas si Alexis ng tingin at nagsimulang magsandok ng pagkain.
Tumikhim ako bago binigyang atensyon si Grey. Iniabot niya sa akin ang pinggan ko na may pagkain na. Kumain kami ng mapayapa.
“We're gonna be at my office, if you want to have a chitchat…after her class session na. Dalawang beses sa isang buwan lang kami nagkikita ni Alex para sa face to face interaction for her special subject so we have to take advantage of that,” tita said while looking back and forth to me and Alexis.
I just nodded. Hindi na nasundan ang maliit na interaksyon namin ni Alexis dahil pumasok na sila sa opisina ng ginang para sa klase.
Iba rin pala ang summer break ng mga homeschooled. I thought.
VOCÊ ESTÁ LENDO
The Parallel Red Strings
Ficção Geral"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 20
Começar do início
