Kumurap-kurap ako bago marahang hinaplos ang leeg. Alam kong nanaginip ako pero hindi ko matandaan ang eksaktong panaginip datapwat lingid sa kaibuturan ko ay isa iyong….bangungot.

Isang malalim na paghinga muli ang ginawa ko bago bumaba sa kama. Inayos ko lang ang higaan saglit bago muling umupo sa malambot na kama saka dinampot ang cellphone sa bedside table.

Bumungad sa'kin ang mga mensaheng pinadala ni Jaysiree na pinaalalahanan akong hindi kami tuloy sa sabado kundi sa susunod na linggo nalang raw. Umirap ako na akala mo ay nasa harapan ko ang babae. Few more scrolling on my social media accounts before I decided to get up.

Alas otso na ng umaga kaya malamang ay nauna nang gumising si Grey. Pinasadahan ko muna ang sarili mula sa repleksyon ng salamin sa kwarto.

I smiled at myself when I saw how healthy I was physically. Despite the effort I exerted in the academe and the daily stresses I dealt I never abused my body.

Alam ko sa sarili na marami akong dapat ipagpasalamat sa Panginoon dahil hindi ko kinakailangang pagurin ang katawan at isip para may makain o para makapag-aral. Lahat ng bagay na iyon ay hindi ko kailangang paghirapan sapagkat isinusubo na iyon sa akin ng mga magulang ko. Isang malaking pribilehiyo.

Bagaman hindi ko danas ang kahirapan, alam ko kung gaano kapait ang kapalaran sa mga kapos palad. Saludo ako sa mga taong lumalaban ng patas sa masalimuot na lipunan.

Lalo na sa mga pagod na estudyante na pinagkakasya ang bente kwatro oras para sa pagsusunog ng kilay upang maka-martsa sa entablado na umaasang mararating ang rurok ng tagumpay at sa paggising bago tumilaok ang manok upang maitawid ang gutom at ang pagtulog sa malalim na kagat ng dilim para mabawasan ang gawain sa muling pagsikat ng nakakapagod na araw.

Inayos ko muna ang magulong buhok bago pinihit ang door knob at lumabas.

Tumungo ako sa kusina dahil alam kong naroroon ang nobyo ko. Rinig ko ang mga ingay sa kagamitan ng kusina at ang malambing na boses ni Grey.

Kaunting distansiya nalang sana upang tuluyan akong makapasok sa kusina ng huminto ang paa ko dahil sa nagsalita.

“I thought about that already, Gabriel,” she said softly while laughing slightly.

In this early morning, fate might be really something. Tila may personal na galit ang tadhana sa akin.

Then I realized the familiar voices that kept running in my mind.

“Please take care, Gabriel.”

Ang boses na narinig ko mula sa office ni tita Alhena na akala ko noon ay ang ina ni Grey. Ang pamilyar na boses na akala ko ay narinig ko na sa teleserye, pelikula o teatro. Hindi pala. Iyon din ang boses na pumukaw sa akin kaya nagalit ako kay Grey noong nagbiro siya at sinabihan niya akong sinungaling sa mall.

Tinig na halos isang dekada ng dumadalaw sa isipan ko. Ang boses at mga salitang gumuhit ng mahapding peklat sa puso ko. Ang boses sa aking….panaginip.

“You are nothing but a liar. A fucking homo and a user. You're a liar, you'll go to hell faggot!”

Umakyat ang kaba sa dibdib ko. Parang anumang oras kakapusin ako ng hangin sa katawan.

Tatalikod na sana ako para bumalik sa kwarto ni Grey nang may yumakap mula sa likod ko.

“Good morning, darling,” tita Alhena said while gradually loosing the embrace.

Naistatwa ako ng lumingon ang kaninang nag-uusap sa kusina. Nagsalubong ang mga mata namin ng babae sa panaginip ko kanina.

Bakas ang pagkagulat sa maliit at marikit niyang mukha. Lumiit ang hugis pusong mapula niyang labi. Ang kaninang kulay rosas at makinis na balat ay parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa putla. Para akong nakatitig sa salamin dahil parehas kaming gulat ang itsura.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now