“Just let me know kung tutuloy ka,” he then focused his eyes on the road.
I just nodded and let myself admire his beauty. Napansin niya ang paninitig ko kaya bahagya siyang napapangiti.
“I miss you,” I let my intrusive thoughts won.
I really missed him kahit pa walang palya kami nagkakausap sa telepono. His presence is unique. The way my heart follows the rhythm of the vibration of love is unthinkable.
“Fuck,” he whispered, “I waited for you to say that…akala ko hindi mo ako nami-miss,” he looked at me full of adoration.
“Eyes on the road, Mr. Gil,” I said not breaking my attention to him.
When my eyes became droopy, I looked out the window to appreciate the street lights that guided us safely to our destination.
Pakagat na ang dilim kaya ramdam narin ang malamyos na hangin. Kumikindat ang mga bituin sa langit na para bang hinintay nila ang pagkakataon na ito para ipakita ang kanilang kinang. Nilalasap ang bawat oras sapagkat sa pagsilay ng araw ang kanilang kagandahan ay matatakpan.
Mabilis naming narating ang destinasyon dahil maluwag ang agos ng mga sasakyan sa daan.
“Gabriel, talk to your friend that Alex will come with you para sabay-sabay na kayong mag-asikaso sa Maharlika,” sabi ni tita mula sa office nito. “Alam mo namang homeschooled ‘yun so kailangan niya ng kasa-kasama muna.”
“Okay, whatever,” tamad na sagot ng anak.
Siniko ko siya ng marahan sa inasal niya. He just pouted. Lumabas na si tita sa office at bahagyang nagulat nang makita ako.
“Jess, anak! Darling, I miss you…” Dinamba niya ako ng mainit na yakap na agad kong ginantihan. “You can stay here as long as you want at mukhang matatagalan ang Mommy mo sa Dubai dahil nage-enjoy with your Dad,” she laughed slightly. “I was talking to her last night.” Kumalas na siya sa yakap para matingnan ako.
She gave me a you-know-what-I-mean look. We both laughed as I got the message. Mukha ngang aabutin ng buwan ang bakasyon ni Mommy sa Dubai. Nagpapa-init pa.
“Okay lang po ako tita, I'm used to be left alone sa bahay…” Umupo kami sa sala. Umisod si Grey para bigyan kami ng espasyo ni tita.
“No, I insist,” she pouted like what her son did earlier. “Hindi yung mag-isa ka sa bahay niyo.”
Matapos ang masinsinang pag-uusap namin ni Mommy, sinabi ko sakanya ang desisyon kong manatili rito sa Pilipinas. Hindi niya ako magawang iwan kaya pinilit ko nalang siya na mag bakasyon muna at bumalik nalang kapag pasukan ko na sa kolehiyo. Patapos narin naman ako sa enrollment at kung sakaling kailangan ng guardian para sa ibang proseso sa unibersidad binilin narin niya ako kay tita Christy. Pati sila tita Alhena ay inabala pa niya kahit hindi naman na kailangan.
Napapangiti nalang ako dahil sa mga sinabi ni tita Alhena. Mag kawangis sila ngayon ng anak niya na nakanguso. Hindi man lang ako kinampihan ni Grey at mukhang nasisiyahan pa sa suhestiyon ng kaniyang ina.
“Thank you tita,” tangi kong nasagot.
The warmth is overwhelming. I cannot still believe that I was so lucky to be surrounded by these people in my life. So, papaano ako magtatampo sa ginang kung ganito niya ako itrato? Kaya patuloy kong binabaon sa limot ang mga narinig mula sakanya noon.
“Jess,” nakangiting lumapit si tito Gary sa'kin at nakipag-beso.
“Good evening po, tito.”
“Kumain na kayo para makapag pahinga na,” he said.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 19
Start from the beginning
