“ ‘mmy! I'm no longer your baby,” tumawa ako para pagaanin ang loob niya pero bigo ako. Her smile faded.

“We'll stay here then.” Tumayo na siya at pumunta sa sink.

“ ‘mmy, kaya ko po, if you want I can rent a dorm para mas panatag ka na may kasama ako but I prefer to stay here sa bahay kasi kaya ko naman po,” I insisted.

Naghugas siya ng kamay bago siya sumandal sa pasimano ng lababo saka humarap sa'kin.

“Sinasabi ko lang sayo na pag-isipan mo pero kahit anong desisyon mo, I'll stay with you.”

“ ‘mmy…”

“I can't leave you here,” tinalikuran niya ako ng nakangisi, “ubusin mo na ‘yan,” tukoy niya sa pagkain ko.

Tinanguan ko nalang siya. Pagkatapos kumain ay hindi ko na muna binuhay ang usapan patungkol ‘roon. Hindi ko maalala kung kailan ko natutulan ang desisyon ni Mommy. Parang wala naman. Kapag sinabi niya, iyon naman ang nasusunod. Kaya hindi niya magawang pilitin ako dahil alam niyang ang magiging desisyon ko kung sakali ay hindi para sa sarili kong kapakanan kundi para sa kaniyang kagustuhan. At ‘yun ang hindi niya kayang sikmurain. Palagi niyang ipinapaalala na lagi kong sundin kung ano sa tingin ang tama para sa sarili. Magkamali man ako sa mga desisyon, nandiyan naman siya para alalayan ako at kasamang tutuklasin ang susunod na hakbang.

Since that day, I put that suggestion into consideration.

“Jess, please….samahan mo na ako sa sabado,” pagmamakaawa ng magandang dilag sa kabilang linya.

Hindi ko na maatim ang nakaririnding boses ni Jaysiree habang magkausap kami sa messenger. Nasa kalagitnaan kami ng school break at pag-aasikaso ng enrollment para gambalain niya ako.

“Libre naman kita eh,” pagrarason niya, “sabado ah…”

Narinig ko na ang pagbusina ng sasakyan sa labas ng bahay. Napatayo ako na hindi parin pinapatay ang tawag. Naglakad na ako palabas ng bahay.

“Busy huh? Pero nakikipag landian ka sa pangit na Grey mo?” Pang-aasar ni Jaysiree. Alam niyang hinihintay ko ang lalaki.

“Pangit mo,” when I locked the main gate saka ko tiningnan ang phone. “Oo na, sasamahan na kita sa sabado,” pagsang-ayon ko na medyo labag sa loob.

“Yes! Sabi mo ‘yan ah!” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na pinatay ang video call.

Bastos na babae!

When I averted my attention to him my frustration had vanished. He was leaning on his white car. The three buttons on his cotton graphite polo shirt were undone, revealing his pumped chest. His arms were crossed against his lower chest that made his biceps compressed and his immaculate veins were activated.

“What’s with that annoyed face?” He straightened his posture and came over me to kiss my cheeks that turned tomatoes. “Sino yung kausap mo?”

I tried to act like I was not affected by his domineering aura even if it was evident now with my red face.

“Yung baliw mong kaklase,” I slid myself in the car when he opened the passenger's seat. He giggled before closing the door and went to the other side to settle himself in the driver’s seat.

Pinaandar na niya ang makina. “Si Jaysiree?”

“Oo, nagpapasama sa Bulacan sa sabado,” I fastened my seat belt.

“You agreed?” His brows furrowed. “Pwede ko kayong ihatid if wala akong gagawin.”

“Huwag na,” I replied.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now