I bid my goodbye to him after talking random things for half an hour over the phone.

Nakaramdam ako ng gutom sa tagal kong kaharap ang laptop. Hindi ko akalain na ganito karami ang mga kailangang ipasa sa AOF. I passed the exam already! Para saan pa ang apat na essays na pinapagawa nila? Limpak-limpak na ngang dokumento ang kailangang ipasa, pagsusulatin pa ng mahabang akademiyang sulatin!

Bumaba ako sa kama at tuluyang iniwan ang laptop doon. Bago ko isinara ang pintuan ng silid ay inirapan ko pa ang laptop na parang sobrang laki ng kasalanan nito sa akin.

Mabangong usok ng pagkain ang sumalubong sa presensya ko sa kusina. Isang malawak na ngiti rin ang nakaabang at inihahanda na ang hapagkainan.

“Buti bumaba kana, aakyatin na sana kita,” her voice was joyful like it has been since my Dad came here and even when he left. It never changed since then.

I gave her a genuine smile and embrace her. She just laughed at me before motioning her hand to have me seated. I followed her and started to eat.

Seeing her like this makes my heart floats as if I was riding the waves of clouds but at the same time it was scary. I was scared that a thunder would arise from the clouds and hit me to make my happiness collapse all the way to the ground.

Nililigawan niya ako. Maging ang aking ama at tito sa Dubai ay patuloy ang panliligaw sa akin. My Mom is doing everything as she knows that I have only one month and few weeks to decide.

“Jess, about your Dad's suggestion…” rinig ang pinaghalong lambing at hiya sa boses ng aking ina. Napatigil ako sa pagnguya.

The thunder created a collision already to the clouds of happiness I was cruising earlier. No.

“Mommy…”

She laughed awkwardly, “just…just consider that…”

I nodded. Nagpatuloy ako sa pagkain.

I never see myself studying and living in Dubai. I aimed to travel there and to different parts of the world but never dreamed of staying there for good.

Salungat ang pananaw ko sa karamihan ng mga Pilipino. Naniniwala akong sa sapat na determinasyon at pagtuklas ng oportunidad, kakayanin kong umasenso sa sariling bayan. Hindi ko kailangang umalis upang tahakin ang tuktok ng tagumpay. Hindi man ako sigurado pero ipagpapatuloy ko.

Yes, I will be with my parents there but I cannot just leave all of my dreams here in our country. I have so many plans here. Hindi ko rin lubusang maintindihan ang sarili kung saan ba nanggagaling talaga kung bakit ayaw kong iwanan ang sariling bansa noon pa man.

Naiintindihan ko kung saan nagmumula ang panliligaw ni Mommy. She wanted us to live in one roof. Again. Kagaya noong bata pa ako.

Maagang ipinagkait sa amin ng tadhana iyon at ngayon tila gustong ipagkaloob pero…hindi na ako kagaya noon. Hindi na ako ang batang nangangarap na sana tuwing family day sa school ay makakasali ako sa mga patimpalak o aktibidades na buo kami. Na sana naisusumbong ko sa aking ama ang mga hinanakit sa tuwing inaasar ako ng mga kaklase ko. Na sana tatlo kaming sabay-sabay na kumakain sa hapagkainan.

I am no longer that child. I have developed a sense of resilience and independence. Kinailangan kong maging matatag dahil walang tatay na lulusob para ipagtanggol ako sa mga kaaway. Kinailangan kong matutunan ang mga gawaing bahay dahil dalawa lang kaming magtutulungan ni Mommy. I needed to be strong so my parents wouldn’t worry about me.

“Mom…I can stay here po,” I gave her a reassuring smile. “You can come with Dad, I'll finish my studies here and I can visit naman sa—·”

“Hindi, I can't just leave you here.”

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now